Tinapon ko sa gilid ang aking cellphone at hinayaang bumagsak ang aking katawan sa malambot na kama. Kinuha ko ang pinakamalapit na unan at itinakip iyon sa aking mukha.

Unti-unti kong naramdaman ang paninikip ng aking dibdib, dahilan para bumilis ang aking paghinga. I can already feel the emptiness drowning me. Wala pa ngang kalahating oras simula nang makarating ako sa condo ko tapos iiyak na naman ako?

Tangina naman. Pagod na akong iyakan siya! Halos sa tatlong taon naming relasyon, dalawang taon noon ay halos buwan-buwan akong umiiyak sa kaniya!

Hindi naman kasi siya ganiyan noong simula ng relasyon namin. He was nice and really showed his effort and love for me.

We met at a billiard place. I was there because of my father. Kinailangan ko kasing puntahan ang tatay ko para pauwiin at gumagawa na ng gulo sa sobrang kalasingan. Jake was there to help me. Tinulungan niya akong maiuwi si Papa sa bahay niya.

Naalala ko pa, parehas pa kaming walang sasakyan ng mga oras na 'yon kaya pahirapan talaga kaming inuwi si Papa habang nakasakay sa tricycle. Buti na lamang talaga ay tinulungan niya ako dahil hindi ko kakayaning buhatin pauwi nang mag-isa si Papa.

He was 23 while I was only 22 that time. Isang taon na ang nakalipas pagkatapos niyang makatapos sa kolehiyo, habang ako ay kakatapos lamang. Coincidentally, we both took business related courses.

Mabilis kami nakarelate sa isa't-isa. We had so much to talk about. Our college days, halos makarelate kami sa kwento ng bawat isa tungkol sa mga subjects at experiences namin.

We also both liked partying. Though, hindi pa ako madalas ma-party ng mga panahon na iyon ay minsan ay sumasama na rin ako sa kaniya. He was probably the first person who influenced me to go to bars and party.

Dati, noong bata ako, hindi ko gusto ang masisikip at maiinit na lugar, lalo na kung maraming pawisan na tao. Pero noong inaaya niya akong mag-party, kahit alam kong mainit doon at halos siksikan ang mga pawisan na tao, sumasama ako. Siya kasi ang nag-aya eh. May magagawa ba ako kung isang aya palang niya ay halos maghumerentado na sa sobrang saya ang aking puso?

He changed me a lot. Oo, pala-kaibigan na naman ako simula noong pinanganak ako, but he made me socialize a lot more with strangers and people with different auras as mine.

Pagkatapos naming magkita sa billiard place ay halos araw-araw na kaming nagkikita. Kahit na ayaw kong makita at makasalamuha ang tatay ko ay pilit pa rin akong pumupunta sa billiard place na iyon. I used my father as an excuse just to see him.

Lagi niya akong tinutulungan kapag sinusundo ko ang aking tatay. Hangga't sa dumating ang isang araw na tanungin niya ako. He asked me if he can court me. I still clearly remember the feeling of how my heart beat the time I heard his words. I can still vividly imagine how we were facing each other as he asked me that question.

Simula palang nang magkita kami, alam kong attracted na ako sa kaniya. Type na type ko rin kasi ang kaniyang ayos. He was a very simple guy. Lagi siyang nakasuot ng puti o di kaya'y itim na t-shirt at paparesan niya iyon ng pantalon. Kulay itim pa ang kaniyang buhok noong una kaming magkita. Wala pa rin siyang ni-isang tattoo noon.

He was like the ideal man to me back then.

Nang sagutin ko siyang pwede siyang manligaw sa akin ay agad kong naramdaman ang effort na ginagawa niya. I still remember him impulsively hugging me tight the night I said that he can court me! I was taken aback, yet I let him be because I also wanted it. We were both smiling widely at each other, the tips of our lips can already reach the moon.

Halos isang buwan siyang nanligaw sa akin. Walang palyang hindi niya ako sinundo sa trabaho. Halos linggo-linggo rin ay binibigyan niya ako ng iba't-ibang regalo o di kaya'y mga bulaklak. There was even a time that he sent me dozens of flowers in the office! Nakakahiya kung maiisip ko sa ngayon, pero noong mga oras na 'yon ay tanging kilig lang ang nararamdaman ko.

Chained to the Past (Imperfect Girls Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon