Agad naman ako nakahinga ng maluwag nang makita siyang nagsusungit na naman.

Mas okay kasi na nagsusungit sya kesa naman na makita siyang tahimik at nanghihina sa harap ko. Baka hindi ko kayanin.

Tmango-tango ako habang tumatawa. Ginulo ko ang buhok niya na kinareklamo naman niya sa akin.

Tinignan ko si Jaydee na nasa likuran ko parin at para bang pinapanood lang niya kaming dalawa ng kapatid ko.

"Jaydee, ikaw muna bahala kay arvie. Mag laro kyo O manood, gawin niyo gusto niyong gawin, kukunin ko lng ang mga sinampay sa labas.",ang sabi ko Kay jaydee at tumango naman ito sa'kin.

"Arvie, you know how to play ml?", ang tanong ni Jaydee nang makaupo na sa tabi ni arvie. Agad naman lumiwanag ang mukha ng kapatid ko.

Napailing nalang ako.

Lumabas na ako sa bahay at nakita ko na may mga natitira pa ngang mga damit sa samapayan,akala ko kasi nagsisinungaling lang yong kapatid ko minsan kasi loko-loko  'yong si arvie.

Tamad na tamad naman akong lumapit sa sinampay at kinuha ang mga ito.

Dahil sa gabi na rin ay malamig na dito sa labas kaya medyo nilalamig ako. Mabuti nalang kunti lang ang mga natirang sinampay,mahal talaga ako ng kapatid ko.

Naputol ang hikab ko nang may biglang lumabas sa katapat naming bahay. Tumingin ako pero wala akong makitang tao dahil madilim at sa loob lang may ilaw.

Sinamaan ko muna ng tingin ang lumabas bago tumalikod.

Kabadtrip. Parang tuloy nanuyo ang lalamunan ko,feel na feel ko pa naman ang paghikab.

"Amy? Ikaw nga!" Napatigil ako sa kakamot sa ulo ko nang may narinig akong  sigaw.

Nang makalingon ako ay agad na napaatras.

"L-LANEY!!?" ang sigaw ko matapos ang ilang segundong katahimikan.

"Ohyy, kamusta? Ang tagal na rin nong huli kitang nakita, ah. Ba't ganiyan ka makagulat? Ayaw mo ba akong makita?", ang masayang sabi ni laney.

Si laney, ay matagal ko ng kapit bahay bago ako lumipat sa bahay ni Jaydee. Dahil sa magkapitbahay kami ay naging magkaibigan kaming dalawa pero hindi kami ganon ka-close, sakto lang. Umabot kami sa punto na naging kami pero nakipagbreak ako sa kanya ng wala pa sa dalawang linggo.

Bakit? Wala lng, gusto ko lang naman itry kung ano feeling ng may boyfriend. Akala ko magiging masaya ako kaso hindi. Naalala ko pa na gumawa siya ng para an para magselos ako pero nagkakamali siya,mas lalo ko lang siya hindi nagustuhan.

Harsh ba? Sorry, grade 9 pa ako non, immature period pa kasi ako nong mga taong yon.

Pero feeling ko may gusto pa 'to sa'kin hanggang ngayon.

Ngumiti ako.

"Ah hahaha, hindi naman. Ang tagal na rin e nuh? Hahaha"

Shems, ang awkward netooo.

"Ano pala ginagawa mo dito sa labas? Makikipag-kita kay gf? Ayiie" ang pag-iiba ko ng topic. Jusko hindi ko Alam ang gagwin ko.

"Ah, hindi. Magpapahangin lang sana ako kaso may nakita akong magandang dilag na nakatayo rito sa bahay niyo at alam ko na agad na ikaw 'yon. Kaya agad-agad akong pumunta rito.", ang sabi niya sabay kindat sa'kin.

Sabi na nga ba, eh. May gusto pa nga ito sa'kin.

"A-ahh, ganon? A hahaha, sige magpahangin ka na, sorry na is turbo ka ng kagandahan ko. Sige, balik ka na don sa bahay mo.",ang  nakangiwing sabi ko sabay layo sa kaniya.

I accedintally fell in love with my hot wife  (jaymy) Where stories live. Discover now