"Pero paano maipapaliwanag ang mga bagay na nakikita ko at nararamdaman ko?" tanong ko sa kaniya.
"Di ba nga, may tinatawag tayong De Javu? Isang uring pakiramdam na kung saan pakiramdam mo na nanggaling ka na sa isang lugar na napuntahan mo o nangyari na ang isang bagay na nararanasan mo sa kasalukuyang panahon at taon. Ibig sabihin lang n'yon nagta-time travel ang utak mo hindi ikaw at masyadong active ang brain mo kaya ganoon. Medyo naaadvance ka ng instinct" may diin niyang sabi sa akin.
"Paano 'yong mga alaalang bumabalik sa akin sa magkakaibang taon at panahon?" panibago kong tanong.
Huminto siya at tumingin sa akin.
"Paano kung iniisip mo lang iyon at pinipilit mong paniwalaan na ang istorya ng lahi ninyo ay mapapareho sa istorya mo ngayon? Look! Habang tumatagal nagkakamalay tayo patungkol sa mga bagay-bagay, Calista!" taas- balikat niyang sabi sabay sa taas ng dalawang kamay sa magkabilaang gilid at lahad ng palad na parang sinasabing wala talagang totoo sa mga pinaniniwalaan ko kaya dapat ko nang ihinto at maglook forward.
Hindi ako kumibo at nagsimula sa paglalakad. Nagkakamot ulo naman siyang sumunod ng lakad sa akin.
"Hanggang ngayon ba ay hindi pa nasasagot ang libo-libo mong katanongan?" Aniya pa habang nakasunod sa akin sa paglalakad.
"Isipin mo Calista, imposibleng mareincarnate ka dahil unique ang soul mo. Puwede siguro maging kamukha ka nila tulad ng mommy mo, nakuha mo ang lips ng mommy mo na manipis, right? Dahil sa Genes at hormones ninyo iyon." Patuloy pa ni Bethany.
Natigilan ako ng maalala ko si Thalia at ang mga sinabi nito sa akin. Kasabay ng paghinto ko ay ang pagtigil niya sa paglalakad.
Mas lalong hindi siya maniniwala sa akin kapag sinabi kong may kakaibang tao at anghel akong nakilala na kinilalang diwata noon ng mga tao ngunit ngayon ay naging ordinaryong tao.
Isang anghel na kinilalang diwata tapos naging ordinaryong tao? Sigurado akong pagtatawanan niya lang ako lalo na kapag sinali ko pa ang kuwintas na ibinigay sa akin ni Thalia na hindi ko nga batid kung gaano katotohanan na may kakayahan itong ibalik ako sa mga pangyayari na matagal ng tapos.
"Bakit?" pagtataka niyang tanong sa akin.
Umiling na lang ako ng ulo sabay sa buntong-hininga ko bago naglakad muli.
"May mga bagay talagang mahirap ipaliwanag kaya kailangan mong alamin. Niminsan ba naitanong mo sa mga kalolo-lolohan mo o sa mga kamag-anak mo ang tungkol rito?"
"Wala na akong kamag anak, paubos na ang lahi namin sa earth."
"Kumbaga sa science pa kayo 'yong mga endangered species o nanganganib na uri ng mga species dahil sa paubos na so need mo si James para dumami ulit kayo" pagbibiro niya pa na sinabayan niya pa nang palakpak ng kaniyang kamay pero nang mapansing hindi ako ngumiti ay nagsabi siya ng, "joke."
"Pareho naming alam" wala sa sarili kong sabi.
BINABASA MO ANG
Time After It's Gone
Teen FictionThe past love, is the present love. In the year 2021, the love tale of two people from eighteenth and nineteenth centuries will be brought at the fourth time. After more than hundred years, two people will be born sa ikaapat na pagkakataon, panibago...
Chapter 26
Magsimula sa umpisa