"Andito na nga tayo sa gubat, at kapag nag lakad pa tayo ng kunti may makikita tayong isang kalsada doon pwede tayo mag hanap ng pwedeng masakyan." Ang sabi ni Tyrone.

"Teka pano mo nalaman yon Tyrone?" Ang sabi naman ni Steffany.

"Simple lang dahil alam ko." Ang sabi ni Tyrone at nauna nang mag lakad.

"Yuck nakakadiri naman dito." Ang sabi ni Hushlee at kumapit pa sakin kaya napatikhim ako, feeling ko tuloy namumula na ako.

"Woy Hushlee? Anong meron bat namumula yang si Nathan?" Ang sabi ni Samantha kaya napayuko ako. Tang*na kakasabi ko pa lang na sana wag ako mapansin.

"Baka naman nag dug*dug*dug* hahaha." Ang sabi ni Denver.

"Hindi ba kayo titigil?" Cold na sabi ni Hunter kaya naman natahimik ang mga kasama ko, pero halatang nag pipigil ng tawa.

"We need to be serious, wag puro kagaguhan kasi ang isipin nyo." Ang sabi rin ni Tyrone kaya wala ng nag salita pa samin.

Andito na kami ngayon sa tabi ng kalsada, mag hintay daw kami ng mga ilang oras pa para may masakyan kami.

"Ay ano yan!" Sabay sabay na sigaw ng mga babae ng makita nila ang isang papalapit na maitim at malaking umaandar na iwan.

"Iyan ang sasakyang ginagamit ng tao, ang tawag jan ay van." Ang sabi ni Tyrone at saka binuksan na ang pinto ng sasakyan dahil huminto ito sa harap namin.

Sumunod naman ang mga babae na di makapaniwala sa mga nakikita, maging ako namamangha din sa galing ng mga tao.

"Saan pala tayo tutuloy?" Ang sabi ni Frylah at tumingin kay Hunter.

"Ang sabi ni HM sa south west andun daw malapit ang bata." Ang sabi ni Hunter habang nakatingin sa labas ng bintana ng van daw kuno.

"Pero you know guys, hindi ba kayo nag tataka kay Ariana." Ang sabi ni Steffany upang ibahin ang usapan.

"Oo nga ei ang lakas talaga ng aura niya parang ang lakas niya." Ang sabi ni Frylah.

"Can you please quiet." Inis na sabi ni Hunter.

"Ang OA mo naman kuya nag kwe-kwentuhan lang kami." Irap ni Frylah sa kapatid niya.




~FAST FORWARD~

Andito kami ngayon sa harap ng isang malaking bahay.

"Jan ba tayo titira pansamantala?" Ang sabi ni Frylah.

"Oo nga? Jan ba talaga." Ang sabi naman ni Hushlee.

"Ei kaya nga andito tayo sa harap ng malaking bahay na to para dito pansamantala tumuloy." Ang sabi ko naman.

"Hindi kita tinatanong bakla." Sabi ni Hushlee kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ikaw ang kausap ko pangit." Inis na sabi ko at lumayo sa kanya, pero inirapan niya lang ako.

Sumunod kami sa ibang royalties na papasok na sa malaking bahay.

"Ito ang bahay ni tita Merlie." Sabi ni Tyrone.

"Ang ganda naman dito pre." Sabat ni Denver at nahiga sa sofa.

"Yeah, minsan pumupunta ako dito sa mundo ng mga tao para mag relax." Ang sabi ni Tyrone at umakyat sa second floor.

"Bakit alam ni Tyrone to?" Nagtatakang sabi ni Maxwell na tila ba hindi naniniwala.

"Alam niya to kasi nga nag pupunta sya dito sa mundo ng mga tao yun ang sabi niya." Nakapameywang na sabi ni Frylah at umirap.

"Pero bakit ka nakikisawsaw, hindi ka namin tinatanong okay?" Parang bakla na sabi ni Maxwell kaya naman humarap si Frylah dito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

"Anong nangyari sayo prinsepe Maxwell at naging bakla ka." Gulat na turan ni Frylah at hindi makapaniwala.

"Pwede ba manahimik kayo!" Sigaw na malakas ni Hunter kaya naman nag tinginan ang dalawa at sabay na nag irapan.

"By the way guys free kayo kung anong gustong gawin nyo sa bahay na to, wag nyo lang sisirain ang mga gamit dito." Sabi ni Tyrone na bumaba mula sa taas.

"Hindi ba tayo pagagalitan dito? Ei hindi naman ata alam to ng tita mo na dito tayo tutuloy." Ang sabi ni Steffany.

"Actually alam niya nasa ibang bansa siya ngayon at kinausap kona siya tungkol sa bagay na to." Tyrone said at pumunta sa kusina, kami naman ay andito parin sa sala naka tunganga.

Si Steffany nakaupo sa sofa habang nakataas ang isang paa sa mesa. Si Frylah naman ay nakahiga sa isang mahabang sofa. Si Denver naman ay ganun din nasa isang mahabang sofa rin nakahiga. Si Samantha ay nakahiga sa sahig. Si Hunter naka upo malapit sa bintana nakatingin sa labas. Si Hushlee nakaupo sa isang sofa habang may hawak na libro pero hindi naman binabasa. Si Maxwell ay nasa hagdan naka upo habang inaalis ang sapatos niya.

Nakakapagod ba masyado yung pag punta namin dito?






PRINCESSonHELL18.

THE LONG LOST PRINCESS (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon