"Ok lang ba talaga sayo!", paninigurado ko pa.
"Ou naman!", ngisi niyang sagot Saka kami naglakad.
"Baka mapagalitan ka na naman ni Coach Taoka niyan!", sambit ko.
"Sanay na ako Kay Coach! Pasok Dito Saka labas sa kabilang Tenga. Ganun lang!hahaha", tawa niya pang sagot.
Nagkukwentuhan lang kami ni Sendoh at nagtatawanan pa habang naglalakad.
"Tanda mo pa rito?", tanong niya sa akin na dinaanan namin Ang bahagi Kung saan kami naghahabulan dati.
"Paano ko naman hindi matandaan eh, hinahabol habol mo pa nga ako Hanggang Doon!hahahah", tawa Kong Sabi.
"May kuryente ka pa bang nararamdaman?", sambit nito Saka kinuha Ang aking kamay.
"Sendoh naman. Wala na!", bigla Kong Sabi Saka binawi ito.
Pero sa totoo andun parin Yung kuryente. Hinding Hindi nawawala.
"Talaga?", sambit niya Saka kinuha ulit Ang kamay ko pero sa pagkakataong iyon mahigpit niya na itong hawak.
"Sendoh!", tanging nasambit ko habang nakatingala sa kanya.
"Ngayon lang Kita nasolo, Haruko. Hayaan mo munang ganito tayo.", mahinang niyang sagot.
Wala na akong nagawa kundi namnamin Ang Masaya Kong Puso.
"Pinagtitinginan na Tayo, Sendoh!", bulong ko na napansin Ang mga taong nakatitig sa Amin.
"Hayaan mo sila!", ngiting sambit nito Saka ako inalalayan papasok ng store.
"Magkano po lahat?", sambit ko sa ale.
"1,200 lang!", sagot naman niya.
"Sendoh!", sambit pa niya nang makita ito.
"Hi po!", sagot naman nito.
"Haruko, dagdag mo muna to jaan!", Sabi ni Sendoh na ibinigay Ang hawak na gel.
"Huh?", sabi ko.
"Nakalimutan ko Kasi magdala ng wallet, mamaya ko nalang babayaran.", sagot niya.
"Girlfriend mo?", tanong ng tindera Kay Sendoh na agad kaming napalingon dito.
"Ay Hindi pa po!", ngising sagot naman ni Sendoh.
"Ahh... Sagutin mo na iha. Bagay naman kayo eh!", ngiting sambit nito.
"Salamat po!", ngising Sagot naman ni Sendoh Saka kami umalis. Dala-dala naman ni Sendoh Ang pinamili namin Kasi medyo mabigat ito.
"Bagay naman Pala Tayo. Hahha", panimula niyang sambit habang naglalakad kami pabalik ng school.
"Sendoh naman!", ngiti Kong sagot.
"Nga Pala Akira, may itatanong lang ako. Huwag ka sanang Magalit?", pag aalangang Kong Sabi.
"Ano yun?", sagot naman nito.
"Wala ka bang ibang nagugustuhan maliban sa akin?!", tanong ko.
"Meron" maikli niyang sagot.
"Sino?", taka Kong tanong habang ramdam ang kirot sa Puso ko.
"Hmmm. Ang basketball tsaka pangingisda!", ngisi niyang sagot.
"Sendoh naman! Hindi ko namang sinabing Yung mga gusto mong Gawin.!", inis Kong sabi.
"Ikaw lang naman Ang gusto ko Haruko at Wala ng iba!", seryosong sambit niya habang tinititigan ako.
"Sendoh!", tanging nasambit ko Saka inilapit pa Ang mukha niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Haruko Akagi Love Story
FanfictionAno Ang gagawin mo pag nagkagusto ka sa dalawang tao at Hindi imo inaasahan na pareho din Silang maygusto sa'yo! Sino Ang pipiliin mo? Ang Isang Kaede Rukawa na kasalukuyang Ace player ng Shohuko o Ang Isang Akira Sendo na Ace player din ng Riyonan...
Chapter 25
Magsimula sa umpisa