The two crown Prince- ♛one♛

Magsimula sa umpisa
                                    

"Mas magaling ako sa kanya hindi ba?"


"Kasing galing ka ng Hari"


Ngumiti ang prinsipe sa kanyang ina. Gumugulo pa rin sa kanyang isip ang kanyang pinsan na si Lyon. Ang pagtatakda ng crown prince ay kakaiba sa proseso ng ibang palasyo. Ang anak ng mga Prinsipe ay maglalaban para sa korona. Ganito ang nangyari sa ama ni Lyon at Zeus. Natalo ang ama ni Lyon kaya ang ama ni Zeus ang tinangahal na Hari. At ngayon silang dalawa naman ng kanyang pinsan ang haharap sa pagsubok.


Pagkalabas ng mahal na reyna ay isinuot na ng prinsipe ang kanyang arset tsaka isinilid sa bulsa ang royal pendant.


—-


Mag a-alas otso na ng gabi ng tumunog ang kampana mula sa Town Tower hudyat na ang Grand Royal Dinner ay sisimulan na. Pumunta lahat ng mamamayan sa Plaza upang mapanood ang hapunan ng mga dugong bughaw. Mapapanood nila ng live ang pagtitipon na ito. Ngunit ang lahat ay walang imik sa panonood ng mapansing kulang ang nasa hapag. Wala ang isang myembro ng pamilya na si Prinsipe Lyon.


"Excuse me?" dumagundong ang boses ng inang reyna sa pagtawag sa isang Senior Maid.


"Your highness!" agad na yumukod ito upang pagbibigay galang sa ina ng bansa.


"Maaari ko bang malaman kung nasaan ang prinsipe Lyon?" kalmado nitong tanong.


"Hey Lala! I'm here bakit niyo ba ako hinahanap eh nandito naman ang paborito niyong prinsipe"


Napangiti ng sikreto ang prinsipe Zeus na tahamik na namamasid sa nangyayari. Halata kasing inggit ang pinsan sa natatamasa niyang buhay


"Bakit di mo suot ang iyong arset prinsipe Lyon?!" pumaibabaw ang galit na boses ng prinsesa Liyah ang ina ni Lyon.


"Hindi naman ako aatend dito sa piging aalis din agad ako, hahalik lang ako kay Lala, ina"


"Lyon!" tumayo na ang ama nito sa sobrang galit.


"Why? I'm doing it for my self"


Lumapit na si Lyon sa pwesto ng Inang reyna ng biglang inilabas ni Zeus ang kanyang isang binti. Dahilan ito ng pagsubsob ni Lyon sa hapag ng pagkain. Nakita ito ng buong bansa ngunit hindi sila makagawa kahit ni munting pagtawa dahil maaari silang makulong bilang parusa.


"Lyon are you okay?" nag-aalalang lumapit ang Inang Reyna sa kanyang apo.


"Yes Lala. I'm okay aalis na po ako dito"


"Lyon! Wait!" tawag ng kanyang ina ngunit hindi niya ito pinansin.


"Prinsesa Liyah huwag mo nang habulin ang prinsipe Lyon ituloy na lamang natin ang salo-salo ng pamilya" pakiusap ng kasalukuyang reyna Anne.


Ipinagpatuloy nalang ng pamilya Hofaurd ang piging ng wala ang prinsipe Lyon. Pinagusapan nila ang inaabangang "War of the Throne" na sistema, ito nga ang paglalaban upang maging crown prince.


"Prinsipe Zeus ano ang ginagawa mong paghahanda sa nalalapit na kompetisyon?" tanong ng inang reyna


"I've been doing much effort on it Lala, Alam ko naman na ako ang susunod sa yapak ng mahal na hari"


Napangiti naman ang Hari sa sinabi ng anak. Hinubog niya ito upang maging ama ng bayan katulad niya. Naalala niya pa ng maglaban sila ng kanyang kapatid. Mithiin nila na sundin ang landas na tinahak ng namayapang hari.


"I'll fight for the nation" makahulagang sabi ng Prinsipe Zeus.


...not for my self. Sabi niya sa kanyang isip. May halong pait ang ngiting ibinigay niya sa harap ng kanyang ama. Mabuti pa ang pinsan niya lumalaban para sa sarili ngunit siya lumalaban siya para sa ikasasaya ng kanyang ama't ina.

—-


"Cursed them! fvck that Royal bloods!"


Hinagis ni Lyon ang bote ng alak sa kanyang closet tsaka siya nagmu-mumura.


"Darn yuu Zeus. I'll beat you but not in this system"


"Ok ka lang?"


Nagulat si Lyon ng may magsalita mula sa kwarto niya.


"Who are you?"


"Ako si Amanda"


"Amanda? sinong Amanda?"


Lumabas ang isang napakagandang babae mula sa madilim na parte ng kanyang silid.


"Ikaw ang prinsipeng hinahanap ko"


Hinahanap? Sino nga ba ang Amandang ito?


to be continued...


 A/N: Pasensya na itu lamang kinaya ni brain.. I posting the next chapter immediately after a few days or one week. Sana di kayo maguluhan sa plot kasi ako mismo gulong-gulo. Yung ibang words imbento lamang ng malikot kong pagiisip. Yung cover pala na sa taas Okay nobela na 'to.


Parkcyril61 (Sai)

The Journey of ChanBaekTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon