"What will Mrs. Trinidad will say if I do as you say?"
"Do you pertain to yourself?"
Hindi ko pa nakuha noong una at lag ng kaunti ang utak ko. Narealize ko lang kung ano ibig niya sabihin nang tumawa siya.
"You don't do relationships, Atty. What's the difference in marriage?"
Hinawi niya ang buhok na humarang sa aking mga mata. Inayos ko ang kumot na nakabalot sa aking katawan at sinalubong ang tingin.
"I'm serious when I asked you to try and let fate decide where to lead us." A sweet smile flashed on his face. Ang gwapo niya talaga at nakakarupok na sobra! "We don't need to be married to stay under one roof, and labels are for formality only. What we have is different, Heart. So, what do you say, huh? Live with me?"
Pinaglapat ko ang aking mga labi. Ang totoo hindi ko alam ang dapat na isasagot sa kanya. I can't think of a better answer now so I smiled at him instead.
"You should take a bath now. You need to go home,"
Dominic groaned out of frustration. Mahina akong tumawa at pilit siyang pinabangon na para mag-ayos na ng sarili. Nauna akong bumangon kay Dominic. Isa-isa ko pinulot ang mga damit sa sahig saka sinuot iyon bago tumungo sa banyo para magsipilyo. Hindi ko na inabala pa ang sarili na isara iyon dahil alam ko na papasok din si Dominic. At hindi pa ako nakapag-umpisang bumilang ay bumukas na ang pintuan ng banyo sa pumasok nga siya.
Niyakap niya ako at hinalikan ang aking buhok bago pumasok sa shower room. Malaki din naman itong banyo sa kwarto ko pero hindi kami naka-abot dito. Nang marinig ko ang lagaslas ng tubig hindi ko maiwasang mapalunok. Kailangan ko na lumabas bago ko pa maisipan na sabayan siyang maligo. Mas matatagalan kami kung gagawin ko iyon kaya self control, Heart. Self control lang tayo, girl.
"Heart, can I ask a favor?"
"Yes, what is it?"
"I have spare clothes in my car, can you get them? It's inside a black gym bag."
"O-okay."
Dali-dali ako lumabas ng banyo at mabilisang inayos ang kama bago lumabas upang kuhain ang damit na sinasabi niya. Talagang may baon siyang damit? Napaka-boy scout naman pala niya. May baon din siyang condom na naubos namin kaya iyong huling round wala na siyang gamit. With that, even if he did a withdrawal method, I still need to take pills. Ayokong mabuntis na hindi nagagawa ang mga gusto at pangarap ko sa buhay.
"Good morning!" Bati sa akin ni Leyn. Binati ko siya pabalik saka dali-daling lumabas bitbit ang susi ng sasakyan ni Dominic. Binukas ko iyon at agad na hinahanap ang bag na sinasabi niya. Hindi naman ako nahirapan at nang makita iyon, agad ko kinuha saka dinala pabalik sa loob pagka-lock ng sasakyan niya. "Who's car is that?" tanong ni Leyn ng makapasok ako.
"Dominic."
Leyn's eyes widened in surprise. My friend's lips formed an O shape also.
"Bakit narito ang boss mo? Dito mo pinatulog - oh my gosh, tama ba ang iniisip ko? Happy ang pechay?"
"Ewan ko sa 'yo, Leyn." akma akong aalis na pero napigil niya ako. "Mamaya na ako mag-ku-kwento. Kailangan na niya umalis bago magising si Venice."
"Hihintayin kita dito. Hindi ako matutulog hanggat di ka nagkukwento."
Kumaway ako sa kanya bago dali-daling pumasok sa aking kwarto. Tapos na maligo si Dominic at kasalukuyan na nagpapatuyo ng buhok gamit ang hair blower ko. Inabot ko sa kanya ang gym bag niya saka naupo sa kama ko. Iniisip ko pa rin ang sinabi niya kanina. Should I grab his offer and live with him and his daughter?
BINABASA MO ANG
Romancing The Highlander
RomanceDominic Trinidad has a dilemma. After experiencing heartaches, he flew back to Scotland to fulfill his duty as a father to Venice - his adoptive daughter, who has a delayed speech disorder. There, he met an enthusiastic lady who never got off of his...
CHAPTER TWENTY-ONE: HEART IS TAKEN
Magsimula sa umpisa