Biglang nanginit ang pisngi ko nuong may pumasok na iba't-ibang imahe mula sa imahinasyon ko. 

Tumigil ka nga Ari nakakainis ka. 

Nagkwentuhan lang kami ni manong buong byahe at nakakatuwa talagang kausap si manong. 

***** 

Nathan's POV 

Flashback

"Sino ka ba? At bakit kilala mo ako at si Arianna?" tanong ko sa babaeng kausap ko ngayon. 

"Just think of me as a fortune teller. And I'm telling you, your future with Arianna... I have to stop it. Maraming madadamay dahil sa desisyon niyo" saad niya at tumayo. 

"I have to go" saad niya at tumalikod ngunit tumayo din ako at hinawakan ang kanyang palapulsuhan. 

"Teka... so assuming na totoo ka ngang manghuhula, ano ba ang hinaharap namin ni Arianna?" tanong ko ngunit inilayo niya lang ang kanyang kamay sa akin. 

"Your future is chaotic" tanging saad niya bago tuluyang umalis sa cafe. 

Chaotic? Ano? 

End of Flashback 

"Hoy earth to Nathan?" naagaw ang atensyon ko dahil sa boses ni Yael. 

Nasa library kaming apat ngayon. Nag-aaral kami para sa quiz namin mamayang alas kwatro. 

"Ang lalim ata ng iniisip mo" dagdag pa ni Yael. Isinara ni Miranda ang kanyang aklat at seryoso akong tiningnan. 

"Nabo-bother ka pa din ba dahil sa nangyari kahapon?" tanong ni Miranda kaya napailing ako. 

Hindi yun ang piniproblema ko... Yung sinabi ng babae ang bumabagabag sa isipan ko ngayon. 

"Yung chapter three hindi ko masyadong naiintindihan" pagsisinungaling ko sabay turo sa librong nasa harap ko.  

"Maguguno na ba ang mundo? Ang pinakamatalinong Nate ay nagiging bobo na?" pang-aasar ni Gus kaya sinapak siya ni Miranda. 

"Kahapon ka pa ha. Konti nalang bubugbugin na talaga kita" saad niya pa kaya natahimik si Gus. 

"Ah nga pala.. pagkatapos niyong umalis ni Arianna kahapon nakausap namin si Sabrina... sabi niya bukas daw ang death anniversary ng dad niya" saad ni Miranda kaya nakuha niya ang aking atensyon. 

Ahh oo nga pala... last year pumanaw ang dad ni Sabrina dahil sa heart attack. 

"Balak naming samahan siya bukas sa libingan ng papa niya. Sasama ka ba sa amin?" tanong ni Yael kaya umiling ako. 

"May gagawin ako bukas" saad ko kaya tumango nalang sila. 

Hindi naman sa ayaw kong pumunta doon dahil hindi pa ako nakakamove on kay Sabrina, pero ayaw ko lang na pumunta doon dahil ayaw kong makita ang mama niya. 

***** 

Flashback 

Kinawayan ko si Sab  habang papalayo na ng papalayo ang sasakyang sumundo sa kanya. Napangiti naman ako at nagsimula nang maglakad papauwi ngunit napahinto ako noong may biglang huminto na sasakyan sa tapat ko. 

Dahan dahang bumukas ang bintana ng sasakyan at bahagya pa akong napaatras noong makita ang papa ni Sab. 

Sh*t nakita niya kaya kaming ni Sab na magkasama kanina? 

Worlds [Time Traveler Series #3] ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon