Mabuti na lang at hindi rinig sa labas ng office ang boses ko, hindi rin kase ako maka-pagpigil kay Gray! Malay ko ba nang iinit ang ulo ko sa kanya

"Oo na!"

"Layas!"

Lumipas ang oras ay natapos na ang trabaho ko! Medyo nahihilo rin ako, kaya agad na akong nag paalam kay Lyn na aalis na ako! Gusto ko ng humiga

"Sige Ms. Lopez"

"Just call me Keith!" sabi ko

"S-sige po Keith"

Lumabas na ako ng company at kinuha ang car ko sa parking lot! Agad rin akong nag drive pa uwi, ramdam na ramdam ko rin ang gutom! Kahit kakakain ko lamg kanina

"I'm home" sigaw ko

"Nandiyan kana! Kumain ka d'yan, may hinanda akong pag kain d'yan" sabi ni tita cha

"Sige po tita! Nasaan po pala si Jane?"

"Nasa hospital pa! Marami na daw agad pasyente kaya hindi siya maka alis agad! Baka mamaya pa siya" sabi ni tita

"Okay po"

"Kain ka lamg d'yan"

Halos kalahatiin ko yata ang luto ni tita Cha na buko pie, dahil sa sobrang gutom! Kumain na rin ako ng kanin para sure na hindi ako gutom

Pag pasok ko ng kwarto ay nag bihis na lang ako, medyo nilalamig din ako! Humiga ako sa malambot kong kama at kinuha ang isang unan para sanggayan. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayon

-

"Ate Keith! Ate Keith?"

Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at kumurap kurap! Tumingin ako kung nasaan si Jane dahil naririnig ko ang boses niya

"Hmm..."

"Kakain ka daw ba? May pagkain kase sa baba, may ipinadala rin si Kuya Xander sayo! Kainin mo daw for dinner kaya ginising kita, kakadating ko lang din" sabi ni Jane

"S-sige! Babangon na ako!"

"Lalabas na din ako at magpapalit!"

Bumangon ako at sumandal muna! Grabe ang himbing ng tulog ko, five hour yata akong tulog. Nagsuot ako ng jacket kase nakaramdam ako ng lamig

"Bakit naka jacket ka apo?" tanong ni lolo

"Ang lamig kase lolo!"

"Ha?" gulat na sabi ni tita Cha

"Ang init na nga! Grabe pa ang kapal ng jacket na suot mo, ako ang binabanas sa'yo" sabi ni tita Cha

"Oh! Bakit naka jacket ka?" tanong ni Jane!

"Malamig"

"Huh? Naka spaghetti strap na ako ohh! sa sobrang init" sabi niya habang tinuturo ang suot niyang damit

"Kumain na lang tayo!" sabi ni lolo

Nang na amoy ko ang ulam ay agad akong ng sandok ng maraming kanin, hindi ko nga alam kung mauubos ko pero nagugutom na yung tiyan ko

"Grabe naman yan ate! Mauubos mo ba 'yan?" tanong ni Jane

"Ewan!"

"Maghahain ka tapos hindi mo alam kung nauubos mo! Ano bang nakain mo ha?"

"Ewan!"

"Hayzzz! Kakain na nga lang"

Hindi ko rin alam kung bakit ang dami ng kanin at ulam na inihanda ko! Para akong hindi kumain ng isang linggo

Until the SunriseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon