"Edi hindi mo tinanggap?"

"Hindi,"

"Sa akin tatanggapin ko siya kahit suspicious. Papuntahin mo sa company ko." Humalakhak siya.

Parang nadedemonyo kamao ko at gustong lumapat sa kanyang mukha.

I texted Khassea after my work to tell her that I already found a company where she can apply as a secretary.

Napangisi pa ako nang maalala ang pangalan niya sa contacts.

To: Khasseani Zantlorez

Hey, this is Heirron Zantlorez. May nahanap na akong company. Pwede ka ng mag-apply bukas.

I also sent the address of the company and other details. I just waited for her reply but she didn't respond to my message.

Hinagilap ko pa ang calling card niya dahil naisip ko na baka maling number ang nasave ko pero tama naman, talagang hindi lang siya nagreply.

Goddamn it, what's this behaviour Khasseani Yzabelle?

"Damn, Vitto. Si Khasseani!" Bulong ni Yael pagpasok namin sa coffee shop. He stopped walking.

"Where?" I inspected the entire shop to find her. Hindi rin nagtagal ay nagtama na rin ang paningin namin.

"She's really beautiful, dude." Rinig kong paghanga ni Yael. "Lapitan ko kaya, papatapak lang ako."

"Ako na lang tatapak sa 'yo." Malamig na aking wika.

Mas mabuting ako na tumapak para patay agad.

Hindi ko na masyadong pinansin si Yael at nanatiling nakatitig na lang kay Khasseani hanggang sa mag iwas siya ng tingin.

Nahiya pa.

Nahilot ko ang aking sentido nang makitang nakalapit na si Yael kay Khasseani. Agad din akong lumapit sa kanila, baka mamaya kung ano pang pag-usapan nila.

Matalim ang tingin ko sa kanila nang makalapit ako.

"Vitto pala nickname mo?" Khasseani asked me then she smirked. "Hito."

"Shut up."

"Dude siya 'yon diba? 'Yung mag-a-apply na secretary sa company ko?" Pagpapapansin ni Yael.

Let's see kung makapagpapansin ka pa. Walang pinsan, pinsan dito.

"Hindi." The side of my lips rose up.  "She's mine."

She's definitely mine. The moment she entered my office, I already marked her as mine.

Wala na akong pakialam kung spy man siya.

"What was that? Anong eksena mo kanina?"

"Start your work now." Iniwasan kong tignan siya.

"Anong pwede mong i-offer sa akin para tanggapin ko itong trabahong ito?"

Sarili ko.

"Hindi na libre ang magiging serbisyo ko, kahapon lang ang libre. Magkano maiaalok mong sweldo sa akin?"

"One hundred thousand monthly salary."

"Ang baba, higher!"

"Five hundred thousand?"

"Ayoko, taasan mo pa."

"One million?"

"Kulang pa rin, higher pa. Mayaman ka naman."

I glared at her, pangisi ngisi naman siya.

"This gonna be my last offer. Te-"

"Ten million monthly salary? Deal!"

Kidnapping Miss SecretaryWhere stories live. Discover now