Chapter 5

541 16 20
                                    

Vienna PoV

"Vein?" napatingin ako sa pinto nung bumukas iyon at pumasok si Kashi rito sa kwarto ko.

Day off n'ya raw ngayon kaya maghapon ko s'yang makakasama rito, buti nalang at aalis na'ko maya maya kaya bahala na s'ya sa buhay n'ya.

Hindi ko s'ya pinansin at tumingin lang sa phone ko nung maramdamang nagvibrate iyon.

'Heinie Herrera wants to video call with you'

Ayoko sanang sagutin pero nakakahiya namang i-decline dahil kaya nga n'ya 'ko pinahiram ng phone para matawagan eh.

"Hi" bungad n'ya at kumaway pa nung sinagot ko ang tawag.

"Ohh? napatawag ka?"

"Anong oras ka pupunta sa cafe?"

"Sabi mo 2 pm ang call time, edi mga 1:30 siguro bakit?" napatingin ako sa alarm clock na nasa gilid ko. 12:00 na.

"Wala lang hehe pwede mo bang dalhin yung aso mo?"

"At bakit naman?"

"Yung pamangkin ko kasi gusto ng aso at syempre alam naman namin na hindi n'ya aalagaan at nainggit lang s'ya sa mga kaklase n'ya so- you know hehe"

"Hinihiram mo ang aso ko? Sino mag aalaga? Ikaw na nagsabing hindi n'ya aalagaan yun"

"Edi ako, hahaha don't worry hindi naman namin papatayin aso mo. Ako bahala"

"Talagang hindi, baka mapatay rin kita pag ginawa mo iyon" gigil kong sabi at nakarinig ako ng tawa mula sa kabilang linya.

Napatingin ako sa tabi ko nung biglang nahiga roon si Kashi pero mas napakunot ang noo ko nung maramdaman na ipinulupot n'ya sa bewang ko yung braso n'ya.

"What?" I mouthed. He frown and started blinking fast, I just chuckled before shaking my head. He's acting like a kid, so cute, I won't deny it.

"Hahahaha hindi nga promise, anong aso nga yun ulit?" sa tingin ko ay inakala n'yang s'ya ang tinawanan ko, naka off kasi ang camera ko pero s'ya ay naka on at kita kong tulad ko ay nakahiga pa s'ya sa kama n'ya. Paniguradong late nanaman 'to mamaya, mabagal s'yang gumayak, hindi tulad ko na saglit lang.

"Breed? Pomeranian"

"Open mo cam mo. Patingin nung aso mo pakita ko lang sa pamangkin ko"

"Wait lang" sinubukan kong tangalin ang braso ni Kashi na nakalimgkis sa bewang ko pero mas hinigpitan n'ya lang iyon at mas siniksik ang sarili sa bandang leeg ko.

Seriously!? What the hell is wrong him?

"Nga pala binigay ko sa manager yung phone number n'yang gamit mo. Hinihingi n'ya kasi para raw macontact ka"

"Sige lang. By the way hahanapin ko pala yung tumulong sa'kin noon, para rin matanong ko kung saan pinagawa phone ko at makabawi sa tulong n'ya" sabi ko.

Nilapag ko ang phone sa bandang dibdib ko para dalawang kamay ang magamit ko pangtanggal sa braso ni Kashi sa'kin. Pati ang paa n'ya ay pinatong pa n'ya sa binti ko. Tangina.

"Sige, sasama ako. Sasamahan kita" sabi nito kaya napatango ako. Pinandilatan ko si Kashi bago s'ya tinaasan ng kilay.

"I'm hungry" biglaan at malalim ang boses n'ya nang sinabi n'ya iyon. Sounds so sexy pero nakakapunyeta.

Pagkasabi n'ya non ay may narinig akong ubo mula sa kabilang linya kaya nanlaki ang mga mata ko. Agad kong kinuha ang phone at tinignan, mabilis na napainom ng tubig si Heinie habang umuubo.

"Omg! sis may narinig ako, sino yon!?" sabi n'ya matapos uminom.

"Wala lang iyon, h'wag mong pansinin, yung ano lang kausap ko... yung aso ko, right baby?" huli na nung marealize ko ang huling salitang binitawan ko.

Living with an idol ✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon