BARAKUDA DAW KUNO...(>____<)*!

Magsimula sa umpisa
                                    

"Walang persolanan kuya sorry na lang"

HUH? ANO DAW?...alam niyo ba ang sunod niyang sinabi..

"Kuya yakapin mo ako"

"ANO?!"

"Sorry na lang"

Kinuha niya ang dalawang wrists ko lumapit siya sa akin nakatalikod nga lang ...habang hinahawakan niya ang wrist ko eh...crinossout niya sa may dibdib niya..LANGHIYA ANO TOH?! 

DUG! DUG!..

Kinakabahan ako, ANO "TOH?!

Maya-maya pa ay may dumaan na tatlong lalaki, tumatakbo sila tila para bang may hinahanap at diretso na silang nawala.(- _ -)

Yung babae  sa dibdib ko andiyan pa rin ..yung kamay ko andiyan pa rin sa kanya.

PISIL,PISIL...    

Tiyan niya ata 'to, OO tama tiyan nga...FLAT EH.

ILANG SEGUNDO LANG...

"Ahhhh!!!" Bumitaw siya sa akin.

"BASTOS!"

"huh?! Sino?!"

"IKAW!"

"Bakit Ako?!"

"Hinawakan mo-!"

Tumigil siya...

"Huh?" tinaas ko ang isa kong kilay.

Tumingin siy sa akin galit na galit...Namumula pa.

"HInawakan mo dibdib ko!!!!"

"POTEK!!! ANO?! Tiyan lang naman iyon ah!"

"Nag-aaway sila oh" narinig kong sabi ng isa sa mga babae. Bakit kayrami ng mga chismosa sa mundo?

"Anong tiyan, tiyan-tiyanin kaya kita diyan bastos ka! bastos Ka!

Namimikon talaga itong babaeng ito sige isa pa masasapak ko na 'to.

"Miss di kita kilala ikaw nga ang lumapit sa akin at nagsabi ng yakapin kita hindi pa nga ako nakacomplain ikaw na ang gumawa ng paraan kung paano kita yakapin at ngayon asabihan mo ako ng BASTOS!"

"OO totoo naman ah Siguro nagpafavor lang ako pero hindi iyon bastos na paraan!"

"Uy nagagalit si girlfriend," tumingin ako sa grupo ng mga babae mukhang na-eexcite ata sila ah...

"Miss siguro ginawa mo iyon dahil na gagwapuhan ka sa akin"

"Sus ginoo ang sama ng hangin," Wow umakting pa siya na para ba talagang may masamang hangin. Ang sarap, ang sarap saktan talaga.

"Aba namimikon ka talaga miss ah"

"Oo, dahil nga Bastos ka! Manyak Ka! Propesyunal ka na!"

"Woahh..." sabi ng mga babae. (sigh) (- = -)

"Oy, oy, oy sumosobra ka na ah ni hindi mo nga ako kilala at 'di kita kilala ganyan ka na kung makapagsalita at isa pa tiyan lang naman iyon ahh...WALA KONG BALAK HAWAKAN ANG DIBDIB MO ANG DIBDIB MONG FLAT!"

"Oh, lakas ni bf," aba narinig pala nila ako...ayun my ngiti sa mga mukha nila ...masaya ata.

"Aba...bastos ka talaga!"

"Miss gusto mo ata putulin ko yang dila mo talas kasi, eh"

"Hoy! tingnan mo muna ang mukaha mo kasi-"

"Kasi ano?"

"Kamukha mo si BARAKUDA!!!!" sabay sipa sa tuhod ko at kinuha niya ang basket niya.

"ARAY!!!"

 Aalis na siya.

"HOY!!! saan ka na pupunta?!!"

"Anong pake mo, bastos!!!"

"'Di pa ako tapos!!"

"Break na ata..." sabay sabay na sabe ng mga babae...huh?? (- _ -)?? Ano daw ,break? 'di ko nga kilala ang babaeng 'to break na kaagad. Ito talaga ang halimbawa ng mga chismosa.

Tumigil ang babae sa paglakad, lumingon ulit siya sa akin. Lumapit siya at nilapit niya ang kamay niya sa mukha ko.

"huh?'

"Two thou"

"Two thou?"

"bigyan mo ako ng 2 thousand"

"ABA!!" ngumisi ako."Ikaw pa ang may ganang humingi sa akin ng pera pagkatapos mo akong sipain!"

"2 pisil, 1000 per pisil"

"ANO?!! anong pinagsasabi mo?!"tumayo ako kahit masakit-sakit ang tuhod ko.

"'Di ba kanina, hinawakan mo ang dibdib ko!"

"Sabeng hindi iyon dibdib!"

"KAHIT NA! parte pa rin iyon ng katawan ko!!"

"BAKIT?!! special ba ang katawan mo IMPORTED ba iyan?!"

"OO!! Imported ito dahil babae ako"

:ABA!! what makes you think that your body is so special?!!" sinipa niya ulit ang tuhod ko ...sa isa kong tuhod. napa-upo ako sa sakit.

:ARAY!!! POTEK!!!!...ANO BA?!"

"iyan para pantay," aalis na sana siya ng lumingon ulit.

"HUwag na huwag mong kakalimutan ang pagmumukhang 'to," sabay turo sa mukaha niya.

"Dahil ang mukahang 'to ang sisingil sayo, tandaan mo yan, BARAKUDA KA!!!" umalis na siya ng patakbo. 

ABA"T siya pa ang may ganang magsabi ng mga ganung salita.

LANGHIYANG BABAE KA !!!

TEKA SINO BA SI BARAKUDA?

ANO DAW KAMUKHA KO DAW SI BARAKUDA?

TATANDAAN KO TALAGA ANG PAGMUMUKHA NIYA..

PAGMUMUKHA NIYANG SIRA!!!!!!....

(END OF THE THIRD ENTRY)

Ito na po ang part, sorry po kung natagalan sa pag-update sobrang busy kasi sa school at sori din kung konti lang yung na-update ko sori po ah...( ^-^)\

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ms. MuKhANG 'JE'pERa (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon