16 --- A Strange Request

Magsimula sa umpisa
                                    

"Tumakbo ka na bili-"

Agad akong tumayo. Hindi ko man alam ang nangyayari ngunit sigurado akong importante ito.

Tumakbo ako at malapit na ako sa pinto ngunit natigilan ako noong may biglang humawak sa magkabila kong paa. Tumigil ang malakas tugtog. Biglang nawala ang lahat ng tao. Noong sandali na nawala ang nakahawak sa paa ko ay lumingon na ako.

Wala na nga silang lahat.

Dederetso na sana ako palabas ngunit sa muli kong paglingon sa harap ay isang lalaki ang bumungad sa akin. Iyong lalaki na nakita ko dati sa labas ng university namin. Iyong lalaki na pormal ang suot at may suot din na malaking sumbrero.

Nakangisi siya sa akin.

"Matagal ko na kayong hinihintay."

Napaatras ako.

Kailangan kong tumakas.

"Wala ka ng takas."

Deretso pa rin ang tingin ng lalaki sa akin.

"Wala na akong kinalaman sa libro. Hindi ko na iyon kukuhanin sa'yo. Kaya kung maari, lubayan mo ako!" Sigaw ko sa kanya habang patuloy ang pag-atras na ginagawa ko.

Ngumisi muli ang lalaki at sa paghawak niya sa itaas ng kanyang sumbrero ay biglang nagdilim ang lahat.

At sa pagkakataon na iyon, naramdaman ko rin ang unti-unting pagkawala ng katawan ko.

________ _ _ __

Nagising ako sa boses ni Ares. Nasa isa kaming maliit na selda na ang tanging nagpapaliwanag ay ang apat na lampara sa apat na sulok nito. Narito rin kasama namin si Damasen at Karen.

Hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat. Basta ang alam ko, kailangan kong makaalis dito.

"Hindi na natin kailangan ng libro na nasa kanya. Bakit pa niya tayo dinala rito?" Tanong ko sa kanila.

Nag-kibit balikat lamang ang tatlo. Maski si Damasen ay hindi alam ang sagot.

Ilang minuto kaming nakatulala sa kawalan hanggang sa biglang sumigaw si Karen.

"Gagamba!" Sigaw niya sabay turo sa malaking gagamba sa pagitan nila ni Ares.

"Oh, ano? Ngayon ka lang nakakita ng gagamba?" Sarkastikong tanong naman ni Damasen sa ka naya.

"Patayin mo, Ares! Patayin mo!" Muling pagsigaw ni Karen.

"Bakit ko naman papatayin? Paano kung may mga anak na pinapaaral yan? Paano kung may asawang maysakit yan? Hellhound ako pero may puso pa rin ako, oy." Tugon sa kanya ni Ares na halatang inaasar lang siya.

"Ano ba! Patayin mo na kasi," wika uli ni Karen habang naglalakad palayo sa gagamba. "Papalapit na sa'yo, Ares!" Sigaw niya muli.

"Hayaan mo. Baka sakaling maging Spiderman ako." Sagot uli ni Ares.

Napabuntong-hininga ako sa kanila. Tumayo ako at inapakan ko ang gagamba. Lahat sila ay napatingin sa akin. Bumalik naman ako sa kinauupuan ko at sandamakmak na naman ang pumasok sa isipan ko.

Hanggang sa biglang bumukas ang pintuan ng selda at bumungad sa amin ang lalaking naglagay sa amin dito.

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Pakawalan mo kami. Wala na kaming kukuhanin sa'yong libro kaya please, wag mo na akong idamay sa gulong ito."

Tumingin siya sa mga mata ko at isang ngisi ang pumorma sa labi niya.

Tinulak ako ng lalaki. Sinalo naman ako ni Damasen.

"Hindi ko kayo kinuha dahil sa may kailangan kayo sa akin." Isinarado niya ang selda at sumandal sa bakal na iyon habang nagpapatuloy sa sinasabi niya. "Kung hindi, dahil sa ako ang may kailangan sa inyo."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ibibigay ko pa rin sa inyo ang libro bilang pasasalamat pero may kailangan lang kayong gawin para sa akin." Hinubad niya ang kanyang itim na sumbrero. Masyado malakas ang tensyon ng pagkakatitig ng mga mata niya. Napakatapang ng mga ito, kagaya ng mga mata ni Lucas.

"Paano kung hindi namin gagawin 'yon? Tulad ng sinabi ni Leah, hindi na namin kailangan ng libro kaya bakit ka pa namin susundin kung hindi naman kami makikinabang dito?" Tuloy-tuloy na tanong ni Damasen.

"Wala kayong magagawa. Kailangan nyong gawin ito, dahil kung hindi, papatayin ko itong mortal nyong kaibigan." Tumingin siya sa akin. "Leah, di'ba?"

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya.

"Atsaka, simple lang itong ipapagawa ko sa inyo. At kung matutuwa ako, pwede ko pang bigyan itong mortal nyong kaibigan ng isang munting hiling." Umalis siya sa pagkakasandal niya sa selda at lumapit sa akin. "Namatay ang mga magulang mo hindi ba?" Ngumisi siya. "Baka gusto mong mabuhay muli sila? Kayang-kaya ko iyon, Leah."

Lumayo siya agad sa akin at muling bumalik sa kinatatayuan niya kanina.

Ilang beses akong napakurap nang dahil sa narinig ko mula sa kanya. Kaya niyang buhayin muli sila Mama't Papa?

T-Teka ... gagawin niya talaga iyon?

Tumingin muli ako sa kanya. Wala mang lumalabas na mga salita sa bibig ko ngunit punong-puno naman ng tanong ang mga mata ko.

"Ano bang kailangan mo?" Tanong sa kanya ni Ares.

Ngumisi muli siya.

"Isang mortal na babae. Nag-aaral siya sa pinapasukan mong eskwelahan," tumingin siya sa akin. "At gustong-gusto ko siya. Gagawin ko siyang reyna ko. Mamahalin ko siya habang buhay. Kaya gusto ko, dalhin nyo siya sa akin at gustong gustuhin din niya ako."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko sa kanya. Akala ko ba, madali lang? Hindi ba niya alam na mahirap iyong pinapagawa niya? Ano bang akala niya sa pakiramdam ng mga mortal? Na basta-basta na lang nababago?

"Sino siya?" Wika ni Karen habang may pagtataka rin sa mukha niya.

"Bommie ang pangalan niya. At cute siya, sobra." Nawala ang ngisi sa labi ng lalaki at napalitan ito ng ngiti.

Nagkatinginan kami ni Karen.

________ _ _ __


A-N

Tulad ng hula ng iba sa inyo, si TOP nga yung lalaking 'yon.

TOPBOM NA ITEY~

Let Me Tell You About Lucas | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon