Pagkapark ko pa lamang ay bumungad na sa harap ng sasakyan ko sila Lloyd. Kinuha ko ang folder at lumabas ng sasakyan. Nagpalakpakan naman sila kaya napatingin sa gawi namin ang ilang estudyante na napapadaan sa parking lot.

"Iba ka talaga, Aki! Ang galling mo," natatawang sabi ni Ruru habang pumapalakpak pa rin. Hindi ko na lang pinansin dahil hindi ko pa rin makalimutan ang kasalanan nila. They are all smiled na akala mo walang mga ginawang kasalanan behind my back. What an assholes! Hindi ko alam kung bakit naging mga kaibigan ko sila.

"Ang harsh mo naman sa tatay mo. Malamang laman na naman ng balita 'yan. At siguradong sasabunin ka naman nun," sabi naman ni Glen.

Ngumisi ako kay Glen. "Harsh? What is harsh on being honest? I just answered their questions. Hindi ko kailangan na makipagpalstikan sa kanila just to be look good at mapagtakpan kung ano man ang ginawa ng pinakamamahal nilang Senador."

"Uy relax lang, Aki. Hindi mo kami kaaway. Sa phone pa lang ang init na ng ulo mo. Pinatayan mo pa ako," sabat naman ni Lloyd na umakbay pa sa akin.

"Just be thankful na kinakausap ko kayo ngayon dahil baka sa susunod hindi na."

Natahimik naman sila sa sinabi ko. Mabuti naman at alam nila na hindi na talaga maganda ang mood ko ngayon. I loved them because they are my friends. Sila lang ang nakakatagal sa kung anong ugali mayroon ako. They know me, my life and how I really trust them. Nachismis pa ako dati na malandi ako dahil puro lalaki ang mga kaibigan ko. But what can I do, kung sa kanila ako naging komportable? They can tolerate me. And they know who I really am. They do not judge me based on what they only saw. And they understand me. They are like my brothers, and I am their little sister. Kaso marami lang talaga ang makikitid ang utak na makita lang na puro lalaki ang mga kaibigan mo ay malandi ka na. See how judgmental the society is? Ganoon din naman ako, not gonna lie. Pero kung ang manghuhusga sa 'yo ay mas malala pa sa 'yo, ano ba 'yun? Without any proof kung totoo nga ba ang ibinibintang.

"Ah nga pala, tinatawagan ko si Axel pero hindi sumasagot." Tiningnan ko si Cael, ang kambal ni Axel. Inalis ko ang pag-akbay ni Lloyd.

"Hayaan mo siya. Baka busy sa ibang bagay. Pakisabi na lang Cael sa kambal mo that I am breaking up with him. I do not have any spare time to say that to him. Kayo na lang ang magsabi."

Their jaw dropped and that is the time for my exit. I am quite sure that they will confront me, and they will bombard me so many questions. And just what I am expecting, they run after me. Mga likas na chismoso.

"Wait, wait, Aki! Seriously, you're breaking up with Axel?" Kunot noong tanong ni Cael.

"Do I look joking, Cael?" Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. I am 30 minutes late for Pete's sake! Sana makahabol pa ako.

"Teka lang, Aki, ano bang dahilan? Bakit naman biglaan?" tanong ni Ruru. Napapikit na ako sa sobrang frustrations at inis. What's with all this questions? Do I need to answer all of it? Is it required? May mga tanong na hindi na dapat sagutin at mas maganda na lang itago dahil iyon ang tingin kong makakabuti. I hate so many questions because it always reminds me things that have forgotten a long time ago.

"Why don't you ask your good best friend?"

"Huminto ka nga muna, Aki. Kung makikipaghiwalay ka, sabihin mo na lang sa kanya personally," litanya ni Cael.

Huminto na lang ako sa paglalakad dahil hindi talaga ako makakarating sa faculty dahil sa mga pangungulit nila. At masyado na akong late sa pagpasa. But I am the bad girl of this school so why not use that privilege? I stared at Glen. Of course, my friends are not exemption.

"Glen..."

"What?" takang tanong niya. Ngumisi lang ako sa kanya at inabot ang isang makapal na folder. Napakamot siya ng ulo at kinuha rin ang folder. He don't have any choice.

"Siguraduhin mong tatanggapin 'yan."

"Oo na. Oo na." Tumakbo na siya at kaming lima naman ay bumalik na lang sa parking lot dahil sobrang init na. Mas nakakadagdag sa masamang mood ko.

Nakikita ko pa rin ang mga reporters sa labas. Pero iilan na lang sila hindi katulad kanina na nagkukumpulan. They want some more tea?

"Nand'yan pa rin sila? Hindi pa ba sila kuntento sa mga sinabi mo kanina? Nakakatakot talaga ang mga reporters," sabi ni Lloyd.

"So back to the topic. What happened? What is the reason at nakikipagbreak ka kay Axel? Last time naman okay pa kayo a? Nag-away ba kayo? And why so sudden?" sunod-sunod na tanong ni Cael.

Kita ko naman na gulong-gulo sila sa naging desisyon ko. Sino nga ba ang hindi magugulat kung ang girlfriend ng kaibigan nila na pareho nilang best friend ay nakipagbreak na lang bigla at sa kanila pa pinapasabi? Na akala nila ay okay lang kami ni Axel? Gusto ko rin naman sabihin na akala ayos lang kami pero ang totoo ay hindi naman pala. I believe that we are okay, that we loved each other but it is not. It is like an illusion all this time na akala ko kami ang magkasama but it is not because the reality, hindi talaga ako ang mahal niya but her first love, which is Sarah. And I don't know kung ano ang gagawin ng mga tukmol na 'to once they found out the truth. Hindi naman ako naghahanap ng kakampi because somehow, I am used to fight alone.

"Narinig ko kanina sa phone na pumunta kayo sa isang party na di ko alam." Nagkatinginan sila na para bang nag-uusap sila just by staring at each other's eyes. Boys' things. "Don't try to hide it, malalaman ko rin naman 'yun. May mga babae pa nga kayong kasama di ba?"

Di ko alam kung tama ba ang nakita ko na namutla sila. Alam nila ang tungkol kay Sarah at sa naging past noong dalawa. Hindi man lang nila ako naisip. Okay, I do not know the truth. Kung ano ang nangyari why that asshole Axel and that girl ended up in bed. Di ko rin alam kung hanggang saan ang alam ng mga tukmol na 'to. At hindi ko rin alam kung dapat bang kausapin ko pa ang mga lalaking 'to. But... I just feel betrayed. They know how much I trusted them. Yes, maliit na bagay na nagparty sila na hindi ko alam pero ang hindi ko matanggap ay ang naging resulta nun. Ewan ko. Hindi ko na rin alam ang dapat kong isipin. Pagod na ako ngayong araw para intindihin pa ang mga dahilan nila.

Ngumisi ako sa kanila dahil sa mga hitsura nila. Nagpapalitan sila ng mga tingin kung sino ba ang dapat magpaliwanag. "Don't even try to deny it. I do not even know if you are still my friends. You are my brothers, ah... oo nga pala, mas mahaba nga pala ang mga pinagsamahan ninyong mga lalaki kaya ayos lang pagtakpan ninyo ang mga kagaguhan ninyo. Okay, I now get it. I am just... what is the right term ba? Acquaintance?"

"Hindi naman sa ganun, Aki," pagdadahilan ni Ruru. Gusto kong makinig sa paliwanag nila. Gusto kong malaman kung ano ang mga alam nila pero ano pa nga bang magagawa nun? Kumbaga, the damage has been done. Tapos na rin. Nasaktan na ako.

"O ano 'ng nangyari?" tanong ni Glen na kararating lang. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

I just shake my head to them. Feeling disappointed. "Pakisabi na lang sa magaling ninyong kaibigan na wala na kami. No more questions. Excuse me, umalis ka r'yan," hawi ko kay Cael na nakasandal sa sasakyan ko. Sumakay na ako ng kotse not minding them. I am tired to even care. They are all seem shocked because of what I said. Now they know how disappointed and hurt I am. They just betrayed me. How nice!

I took my phone and opened our group chat. I send the photo of Axel and Sarah together in bed. Wala akong balak na mag-explain sa kanila. Bahala na sila kung ano ang gagawin nila sa kaibigan nila. I am not martyr para pagtakpan ang kabalastugan ng kaibigan nila. I do not care kung magkampihan sila. Like what I have said, hindi ako naghahanap ng kakampi because I am used in fighting alone. I send the photo because I want to be fair with myself. Bahala sila kung magkagulo o kunsintihin nila ang gagong Axel na 'yun. In the end, I only have me. Me, myself, and I.

Pinaandar ko na ang sasakyan at binusinahan ang lahat ng nakaharang sa daan. Nakita ko pa sa side mirror ko ang paghabol ng tingin ng mga reporters sa kotse ko. I have enough today kaya tigilan na nila ako. 

Southern East University: Akiko Louise VillaramaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon