CHAPTER 31: THE YIN-YANG

Magsimula sa umpisa
                                    

"Anahita" umpisa ay tubig ang bumalot sa mga petals at mga halaman ni Bayron hanggang sa nagi itong yelo na nagpatigil sa mga ataki ni Bayron.

"Forge. Arrow" mula sa napakadilim na kalangitan, nagsimulang magbagsakan ang mga arrow pero ang lahat ng ito ay nakadirekta para kay Bayron na pilit na umaatras para lang iwasan ang napakaraming arrow.

"Anahita" may lumitaw na tubig sa paanan ni Bayron na naging yelo rin at nagpatigil sa kanya sa pag-iwas dahilan para hindi niya naiwasan ang napakaraming arrow na bumaon sa maraming parte ng katawan niya.

"Tapos na ba?..." mahinang tanong ni Leerin na may halong pag-aalala.

"Hindi pa" sagot ni Miguel kasunod ng pagliwanag ng paligid.

Tapos na ang eclipse na ginawa ni Arvin.

Pinilit na tumayo ni Bayron, at walang pagdadalawang isip na pinaghahatak niya ang mga arrow na nakabaon sa katawan niya.

"Safdar (Heal)" umaasa kami na maghihilom ang mga sugat ni Bayron pero walang ka emo-emotion na nagsalita si Arvin, "Sunnivah" at duon, imbis na naghilom ang mga sugat niya, unti-unti itong nasusunog.

Tanging nagbibigay ingay ngayon sa paligid ay ang mga malalakas na sigaw ni Bayron.

Kung hindi ako nagkakamali, si Sunnivah ang araw at buwan naman ni Luna.

Naiintindihan ko na, ang eclipse na ginawa niya ay para matawag ang dalawa.

"S-Safdar (Heal)" nagdilim ang kalingitan, at ang mga madilim na ulap ay unti-unting tumakip sa liwanag ng buwan. Kasunod nito ang pagbuhos ng ulan.

"Kung hindi ang liwanag ng araw, ang ulan naman ang gagamitin niya para maghilom ang sugat niya" paliwanag ni Leo.

"Anahita" walang pagdadalawang isip na sabi ni Arvin at ang bawat patak ng ulan ay naging yelo.

Mabilis itong nagbago ng hugis. Naging matalim ito na muling umataki kay Bayron na hindi na ito naiwasan dahil sa tindi ng mga sugat na natamo niya.

"Sa.... oras na mapatay mo ako dito..... hindi mo malalaman kung nasaan si Aliyah....." Kasunod ang pagbagsak ni Bayron mula sa bubong na tinutungtungan niya.

"Hindi ko kailangan ng tulong mo sa paghahanap kay Aliyah. Dahil sa ayaw at sa gusto mo, magkikita ulit tayo" at ang hawak niyang spear ay hinagis niya paibaba na bumaon sa dibdib ni Bayron.

Sa lakas ng impact nito, tumagos ito sa likuran ng katawan niya na nagpako sa kanya sa lupa.

"At sa oras na magkita tayo ulit..... sisiguraduhin ko na ikaw ang mamamatay.... Arvin Boreanaz" at unti-unting naging abo ang katawan niya na tinangay ng agos ng hangin.

Napalingon kami kay Arvin na napalingon naman sa papalitaw na araw. Hindi nagtagal ay tumalon na siya papalapit sa amin at dumiretso sa Hari.

"Ipagpa-umanhin niyo po ang nangyari" pagyuko niya agad sa harap ng Hari.

Ngumiti ng marahan si Haring Madison kasunod ng pagtaas ng ulo ni Arvin, "Mahalaga ay okay ang lahat"

"Tungkol po kay Aliyah--" putol ng Hari.

"Ikaw na ang bahala tungkol dito, Arvin"

"Salamat po"

Bumaling sa amin ang mga tingin ni Arvin, "Hayaan niyong ako ang magpaliwanag sa mga nangyayari"

At nagblush naman itong si Celia na parang kanina ay umuusok na ang mga ilong niya sa galit.

Nagpunta kami sa isang napakalaking kwarto sa loob ng Palasyo. At kung hindi ako nagkakamali, ito ang kwarto kung saan kami nagmimeeting.

"Tinanong mo minsan si Karim kung bakit kami nagkakapalit, at mukhang naramdaman naman ni Karim na iniiwasan ko ang tanong na 'yan" sabi ni Arvin kay Miguel pagkapasok na pagkapasok namin sa kwarto.

"Dahil kapag sinagot ko ang tanong mo, malalaman niyo ang tungkol sa crest na nasa dibdib niyo at malalaman niyo ang totoong ability ko. Kaya kami nagkakapalit dahil sa Yin-Yang na nagkokonekta sa'ming dalawa"

Nanatiling tahimik ang loob ng kwarto at tanging si Arvin lang ang patuloy na sumisira nito, "Nang magkapalit tayo, naramdaman ko na mas maraming Yang na Mahika ang nasa crest mo. Nung mapunta tayo sa bingit ng kamatayan, oras din 'yon na namatay si Ms. Mathilda at sa pagmanipulate sa oras ni Bayron, nagbunga ito ng Eclipse at duon nabuhay ang Yin-Yang sa katawan natin ng magkahiwalay na nagpupumilit maging isa na nagiging dahilan kung bakit nagkakapalit tayo ng katawan. Kaya kung mapapansin mo, sa tuwing nagpapalit tayo ng katawan-- may eclipse na nagaganap"

Panandaliang katahimikan ang nalikha ni Arvin, hanggang sa si Miguel naman ang sumira nito. "Anong plano mo ngayon? Alam na ng mga taong nandito ang mga nangyayari"

"S-sandali, hindi parin nagbabago na ang goal ni Bayron ay ang maging immortal. Alam nating si Mr. Boreanaz parin ang target niya, para makuha ang buhay ng Prinsipe, pero paano kung ang isa pang Clairvoyant ang pansamantalang pagtuunan niya ng pansin? Hindi ba dapat hanapin natin siya?" -Vann.

"Matagal ng patay ang Clairvoyant na sinasabi mo" -Arvin.

Napunta ang tingin ko sa Prinsipe dahil sa pag-iwas niya ng tingin na parang may alam din siya sa sinasabi ni Arvin.

"K-Kilala mo ang isa pang Clairvoyant?" - Leerin.

"Hm, si Ms. Madeline--" at hindi ko inaasahan ang pagtingin sa akin ni Arvin, "Ang ina ni Karim"

Hindi ko alam kung ano 'tong bigat na nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko, may dalang mga tinik ang ang salitang binitiwan ni Arvin na bumaon ng malalim sa dibdib ko. 

To be continued ... 

SwitchedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon