MHMIMP - CHAPTER 05

Magsimula sa umpisa
                                    

Nagwalis nalang ako ng bahay at nag re-arrange ng mga gamit, naging malinis na ang buong paligid kaya medyo maganda na sa mata.

Umakyat muna ako sa taas dahil wala naman na akong gagawin, siguro matutulog nalang muna ako or mag a-advance reading, para hindi ako kulelat sa darating na pasukan.

Nagising ako nang marinig ang napakaingay na paligid na nanggagaling sa ibaba.

Salubong ang kilay kong bumaba, walang suklay-suklay, walang hila-hilamos, nababanas ako kung sino man ang may gawa ng ingay na 'yon, kita ng may natutulog, ang ingay-ingay!

"Ano ba 'yang ingay na 'yan pandang paya-" Nanlaki ang mata ko ng makitang hindi lang siya ang tao sa bahay na 'to, dahil nasa sampo sila. gusto kong tumakbo pabalik pero nakita na ako ng lahat.

"Omg, Rox. who is she?" tanong ng babae na maputi at mukhang maldita.

"She's the housemate that I was talking about, Bri." sagot ni pandang payatot at tumingin sa'kin.

"Ah okay." kibit-balikat no'ng Bri na sinasabi ni pandang payatot saka uminom ng wine.

"Beh, sali ka dito, tutal nandito ka naman na rin," sabi no'ng babaeng hawig si Madison Beer, "Miss Rox, pwede ba siyang sumali dito? kaunti lang naman tayo eh." paghingi niya pa ng permiso kay pandang payatot.

"No thanks, Vecca. I don't want to ruin my day."

"Likewise." sarkastikong saad ko at inirapan siya.

"Ay hindi pala good terms ang dalawang 'to." sabi naman no'ng isang morena na kaedaran lang siguro ni pandang payatot, or matured lang talaga itsura niya.

"And we will never be." sabay naming sabi at otomatikong tinignan ang isa't isa, at sabay na umirap.

"Hala ang galing, sabay silang umirap." natatawang sabi no'ng babaeng pinakamatangkad sa kanilang lahat na kung umupo akala mo lalaki.

"Ngayon ka lang ba nakakita ng sabay umirap huh, Anderson?" masungit namang sabi no'ng babaeng katabi niya sa couch.

"Oo eh-aray!" sagot niya dahilan para hampasin siya ng unan no'ng katabi niya.

"Hoy tama na nga 'yan Ma'am Raven at Scar, tigil niyo 'yan, mga lason na 'to."

Ayon nalang ang huli kong narinig dahil pumunta na akong kitchen para magluto ng meryenda ko.

Egg sandwich at Juice lang naman ang meryenda ko ngayon kaya mabilis rin akong kumain, ang sarap ng kain ko ng makita ko si pandang payatot na pumunta sa kitchen at may kinuhang plato, kutsara at baso.

"Hoy, pandang payatot, ayusin mo mamaya 'yong kalat mo do'n! naglinis ako kanina, dapat malinis rin 'yan mamaya!"

"Paano kung ayoko, anong magagawa mo?" pang-aasar niya dahilan para tumaas ang dugo ko sa kaniya.

"Bwisit ka talaga kahit kailan!" sigaw ko sakaniya, siya naman ay tatawa-tawa lang na bumalik ng kitchen.

Mapang-asar kainis talaga siya kahit kailan.

Nang matapos kong kumain ay naisipan ko nalang ulit umakyat sa taas. Pero aakyat na sana ako nang biglang may humawak sa braso ko, "Hey." dinig kong sabi niya, nagbaling ako ng tingin sa kaniya at bumungad sa'kin 'yong babaeng kamukha ni Madison Beer.

Tinapunan ko naman siya ng nagtatanong na tingin.

"Wanna join us? pumayag na si Miss Rox na sumali ka." sabi niya sa'kin ng nakangiti.

"Hindi na, salamat nalang." may respetong sabi ko. ayoko talaga, lalo na at sa kaniyang party 'to, ano ba kasing meron at ang dami-daming tao dito?

"Come on, it's her birthday today, pagbigyan mo na." pangungumbinsi niya, at binibigyan ako ako ng nag p-please na tingin.

So birthday niya pala? nag ce-celebrate na pala ang mga panda ngayon?

"Ayoko po talaga, pasensya na." pagmamatigas ko.

"Sige na, ngayon lang naman eh." pagpupumilit niya, napatingin ako sa kanilang lahat except sa babaeng panda at tinignan nila ako ng tinging sige-na-sumali-ka-na. Medyo na pressure ako dahil doon kaya wala na akong nagawa kundi ang pumayag.

"Great. tara, 'wag ka ng magbihis nandito ka lang naman, nagsasayang kalang ng labahan." biro niya nang makitang nagbabadya akong umakyat para magbihis.

tumango nalang ako bilang sagot at binigyan nila ako ng pwesto ay kung mamalasin ka nga naman ay makakatabi ko pa pala 'tong maputing pandang payatot na 'to.

"Okay, dahil marami na tayo, let's play a game!" sabi niya, "But before we start the game, don't you mind introduce yourself to us, miss?" tukoy niya sa'kin.

"I'm Xyrianna, just call me Xy." matipid kong pagpapakilala sa kanila.

"Wow, Xyrianna, same pala kayo nitong best friend ko, Scarianna nga lang siya." natatawang sabi niya at tinuro ang babaeng pinakamatangkad sa kanila. "Anyway, I'm Vecca." pagpapakilala niya sa sarili niya.

"Hi, I'm Kleiah Jay, tawagin mo nalang ako sa pangalang KJ pogi." biro no'ng isang boyish rin manamit.

"Edi wow, KJ." sabi no'ng Vecca.

"Ako naman si Jorriah James, just call me Jam or ganda." napuno naman ng tawanan dahil sa pagpapakilala ni Jam sa sarili niya, maski ako natawa, grabe lahat sila may sense of humor ah.

"Hi it's me Scarianna, tawagin mo nalang akong Scar beh, 'yon lang arigathanks!" nagpakilala pa ang iba kaya nakilala ko na rin sila lahat, lahat sila nagustuhan ko naman ang ugali, dahil approachable sila at mababait.

"Okay, tapos na tayo sa introduce yourself. Now, let's start a game!!!" Masiglang sambit ni Vecca.

"Basta talaga party hindi nawawala 'yang kalokohan mo Vecca eh 'no?" sabi ni Scar.

"Ano na namang kalokohan 'yan Vecca?" natatawang dagdag ni Jay.

"Tumigil nga kayo diyan! parang mga hindi kaibigan eh." napuno lang ng bardagulan ang apat, kami naman ay nakitawa lang sa kanila, nanghingi pa nga ng paumanhin si Vecca sa'min dahil ang ingay daw nila, at normal day lang daw nila ang ganoon.

Natigil na rin ang pagbabardagulan nila at nagsimula ng maglaro, naglaro kami ng Dare or Drink, dahil ayokong gawin 'yong ibang dare ay napadami ang inom ko, this is my first time to get drunk, at I pray for myself nalang sa mangyayari mamaya, sana hindi mangyari sa'kin ang nangyari kay pandang payatot last night.

To be continued...

MY HOUSEMATE IS MY PROFESSOR (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon