Inbox 12. Kurt's Confession!

Magsimula sa umpisa
                                    

"Here! Use my car" sabi ni Clyde sabay hagis ng susi kay Kurt na agad naman nitong sinalo.

"Salamat bro"- Kurt

"No worries! Basta safe makauwi ang bago kong bestfriend dahil kung hindi babalian kita ng buto" naka ngiting turan ni Clyde at nagtawanan naman kami lahat.

Sa ikalawang pagkakataon ay nagpaalam na ako at si Kurt.

-Kurt's POV-

Salamat sa alak at nagkalakas ako ng loob na maghatid kay Yuri. Ngayon ko na gagawin ang plano ko,wala ng atrasan to,come high or low waters!

Habang nagdadrive ay sinimulan ko na ang dapat na noon ko pa ginawa. Nanghinayang ako sa mga panahong sinayang ko!

"Uhm Yuri" kabadong panimula ko habang tutok pa din sa daan at pagmamaneho.

"Bakit?"-Yuri

"Mahal kita" sabi ko. Pakiramdam ko nung sinabi ko yun ay tumigil ang lahat at tanging tibok lang ng puso ko ang nadidinig ko.

Hinintay ko ang sagot nya ngunit wala,kaya inihinto ko ang sasakyan at lumingon sa kanya. Nakatitig sya sa akin at parang hindi makapaniwala na sinabi ko yon.

"Look,alam kong nagulat ka at hindi makapaniwala,pero totoo yun Yuri" hinawakan ko ang mga kamay nya ngunit nanatili lang syang nakatingin sa akin.

"Nung una hindi ko din malaman at maintindihan ang nararamdaman ko Yuri,natakot ako kasi ngayon ko lang naramdaman ang ganito kaya pinigilan ko at iniwasan kita pero mukhang na wrong move ako,kahit anong iwas at pigil ko sa nararamdaman ko,kahit anong pilit ng utak ko na mali ito dahil pareho tayong lalaki ay hindi pa din ako nanalo. Lalo akong nahulog sayo,lalo kitang minahal,nung naging close kayo ni Clyde halos mamatay ako sa selos,at ng mga panahon na yon,alam ko na,tanggap ko na,na mahal talaga kita at nagbago ako,binago ako ng pagmamahal ko sayo Yuri" mahaba kong sabi,hindi ko namalayan na naging emosyonal na pala ako at tumulo ang aking mga luha.

"K-kurt? Alam mo ba sinasabi mo? Alam mo ba ang niri risk mo? Maaaring makarinig ka ng mga pangungutya at panlalait dahil sa pagmamahal mo sa akin at ayaw kong makutya ka,dibale ng ako,sanay ako,pero ikaw?" mahaba din nyang sagot sa akin. Huminga ako ng malalim bago muling magsalita.

"Do you think mas papansinin at iisipin ko ang sasabihin ng ibang tao kaysa sa sasabihin mo at sa tinitibok ng puso ko? No Yuri,ikaw ang mas mahalaga sa akin,chance lang ang hinihingi ko,chance para patunayan sayo na totoong mahal kita, isa lang naman ang isusugal ko dito,ang pagkakaibigan natin" sabi ko. Ito na, nasabi ko na lahat ng gusto ko,ito na ang huli kong baraha.

Matagal na katahimikan ang pumagitna sa amin. Pigil hininga ako sa paghihintay ng isasagot nya.

"Kurt,matagal na din kitang gusto, ako man din ay gusto kong bigyan ng chance na mas palawakin at palalimin ang nararamdaman ko sayo, pero natatakot akong masaktan" ang sagot nya sa akin. Yun ang naging hint ko na may pag asa ako.

"Talaga? Does that means na,uhm tayo na? Dont worry hindi kita hahayaang masaktan,at kung masaktan kita,aayusin natin at hindi kita bibitawan" masaya kong sabi at niyakap sya.

"arekup!" daing ko ng binatukan nya ako.

"ang bilis mo ah? Tsansing yan! At saka wala akong sinabi na tayo na,assuming ka masyado Montenegro" naka ngiti nyang sabi at napa nguso ako.

"Eh akala ko kasi,nung sinabi mo yon eh sinasagot mo na ako?" pagdadahilan ko pa XD

"Sinasagot? Aba?! Hindi ka pa nga nanliligaw eh"- Yuri.

"Gusto mong ligawan kita? Kelangan pa ba yun? Pachiks ka din eh no?" pang aasar ko sa kanya. Hay! Ang sarap sa pakiramdam para akong lumulutang.

"Kailangan yon no! Dalagang Pilipina ata to,baka hindi mo alam,3rd cousin ko si Maria Clara" naka ngiti din nyang sagot sakin.

"Tingnan natin"- Ako.

"Anong tingnan? Sige binabawi ko na lahat ng sinabi ko mula umpisa!" aniya at nag cross arms pa.

"Hala?! Huwag ganon! Walang bawian! Nananakot ka naman eh! Sige sige bukas na bukas sisimulan ko na ang panliligaw ko sayo" sabi ko pa na ikinangiti nya ng malapad.

Thats it! Ang ngiting nararapat para sa akin ^___^

Pagkahatid ko sa kanya ay ninakawan ko pa sya ng halik. Na ikinagulat nya,agad kong pinaharurot ang kotse para hindi sya maka bawi.

Dahil tinatamad na akong bumalik kina Jinx,umuwi na lang ako para makapag handa bukas sa aking panliligaw. Takte! Na e-excite at kinikilig ako haha!

Tinext ko na lang si Clyde na puntahan dito bukas ang kotse nya. Nung gabing yon nakatulog ako ng may mga ngiti sa labi at dinala ko si Yuri sa aking panaginip ^^)

Inlove With You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon