Tatango-tango si Olga habang pinupunasan ng kamay niya ang sariling luha. Nakaramdam ako ng awa sa kanya para kasi siyang Bata na kailangan laging bantayan.
Pinauna ko nang maligo si Olga habang isa-isa ko nang niligpit ang mga pinagkainan namin. Maya-maya pa ay narinig ko ng bumukas ang pinto ng kwarto si Olga at naka all Black dress siya na may kaunting sleeves at White collar hanggang tuhod ang haba nun tinernuhan niya iyon ng flat na sandals. Napangiti ako. Para siyang lumang tao sa suot niyang damit may bitbit siyang Buddy bag siguro lalagyan yon ng mga Notebook at Marker niya.
Tahimik lamang siyang naglakad at umupo sa couch. Tapos ko na ding hugasan lahat ng pinagkainan namin kaya naglakad na ako papasok ng kwarto.
"Olga dito ka lang bawal ka sumunod sa loob ng banyo ha kapag may kumatok wag mong pagbubuksan. Maliwanag ba?"
Tumango lang siya. Napakamot na lamang ako sa batok ko para akong mabaliw sa mapapangasawa ko ah! Naku! Nga naman! Makaligo na nga lang.
***
Maaga kaming nakarating sa Kumpanya ni Kuya Santiago kaya medyo makakapag pahinga pa kami dumeretso kami sa Conference Room. Nagbilin ako sa Sekretarya na dalhan kami ng meryenda kahit paano ayokong magutom si Olga.
Agad na umupo si Olga sa bandang gitna ng mahabang mesa saka niya nilabas isa-isa ang laman nang dala niyang Bag. Sketchpad yon at Pencil colors. Hinayaan ko na lamang siya. Bumukas ang pinto... pumasok ang Sekretarya ni Kuya Santiago may dala itong basket ng cookies at dalawang Bottled juice. Ngumiti lang si Olga dito saka ito lumabas ng Conference Room.
Nagvibrate ang phone ko. Si Pamela? Medyo nabuhay ang natutulog kong kaluluwa excited kong binasa ang Message niya.
Pamela (received)
Be there at the Club tonight 8:00pm.Napangiti ako agad kong tinakpan ang bibig ko para pigilan ang tawa ko ang saya-saya ko kasi tinext ako nang Babaeng kursunada ko.
Me (sent)
Okay. Be there.Pamela (received)
See you tonight, Handsome.Hindi ko maiwasang maexcite sa pwedeng mangyari sa amin ni Pamela mamayang gabi. Kaso paano si Olga? Hindi naman pwedeng bitbitin ko siya sa Date ko mamayang gabi at lalong hindi namin kailangan ng Audience habang nagses*x kami. Mag-isip ka kung paano mo ipapaintindi kay Olga ang lakad mo mamayang gabi at hindi siya pwedeng sumama.
Kaso wala akong maisip e saktong bumukas ang pinto ang lakas pa ng tawanan nina Eros at Kuya Demitri kasunod nila si Kuya Damian at si Kuya Santiago huling pumasok si Diemoon.
Naputol ang tawanan nila nang mapansin nila ang biglang pagtayo ni Olga saka siya lumapit sa akin at nanginginig na kumapit sa kaliwang braso ko habang nakayuko.
Tinignan ko sila sabay kibit-balikat ko na-gets naman nila kaya kanya-kanya sila ng upo sa mga napili nilang pwesto.
"Uy may cookies!" kukuha na si Eros nang biglang kunin ni Olga ang basket saka muling bumalik sa kaliwang bahagi ko nanatili lamang siyang nakatayo habang hawak-hawak ang basket ng cookies.
Natulala silang lahat sa inasal ni Olga. Kaya natawa ako.
"Kasi naman Eros dapat nagpapaalam ka sa may ari—." natigilan ako ng magsulat si Olga sa dala niya Sketch pad.
'Bigay po sa akin ni Sethorino ang mga cookies na ito kung gusto nyo po huminge na lang kayo sa Babae doon sa labas. Akin po ito e.'
Na-touch ako sa nakasulat na yon. Nagkatinginan na lamang kami sabay ngisi.
"Okay lang Olga sige na upo ka na dito sa tabi ko." tumayo ako para kunin ang mga pangkulay niya. "O eto mag-uusap lang kami ha kaya bawal ang makulit." paliwanag ko.
BINABASA MO ANG
My Silent Prayers
Romance"Ayaw ko pang matali Papa. Hindi pa ho ako sawa sa Buhay binata ko." sagot ko nang tumawag ito. "Pumunta ka dito sa Laguna kung ayaw mong tanggalan kita ng Mana!" warning ni Papa sa kabilang linya. Napabuntong hininga na lamang ako... okay gagawi...
KABANATA 3
Magsimula sa umpisa