Tumayo ako dala ang kumot at tumakbo papunta sa may damit ko, ang ayos ng pagkakatupi. Halos mangiyak ngiyak ako dahil hindi ko maalala kung ano ang nangyari kagabi.
Nang makabihis ako agad akong tumakbo palabas ng kwartong iyon, nabungaran ko sila na nagkakape sa mmay sala. Andoon si Mama Mia, hindi ako nagpahalata na masakit pa ang ulo ko.
"oh good morning!" masayang bati nila sa akin,napakamot ako sa ulo ko at ngumiti ng konti. Nakakahiya, baka kung anu ano ang ginagawa ko kagabi.
"here. Coffee" nagulantang ako ng magsalit si Cormac sa tabi ko na may hawak na dalawang baso na kape ang laman.
"ah salamat sir" nginitian ko nalang at tumabi kay Mama Mia para kumalma. Nagkwentuhan sila sa mga nangyari kagabi, tahimik lang si Cormac sa pang isahang sofa. Halos ibaon ko ang mukha ko sa balikat ni Mama Mia dahil kinekwento nila ang ginawa ko kagabi.
"nakaswimsuit ka pa nga eh. Buti hindi ka nakatulog sa pool" ngumuso ako dahil sa sinabi ni direk.
"okay tama na magbreakfast na tayo par makapag siuwian na! Bakasyon na natin!" biglang lumiwanag ang mukha ko, bakasyon? Ibig sabihin makakauwi na ako sa probinsya namin?!
Tumulong ako sa paghahanda nga umagahan namin, kasama ko ang mga ibang staff. Magtatanong sana ako kung ano pa ang nangyari kagabi at paano ako nakapunta sa kwarto pero baka lahat kami ay lasing.
"ah saan ba ilalagay ito?" tanong ko nang makita ang blender na nakakalat sa kusina tinuro lang niya sa akin.
"Faith.."
"ay!" halos mapatalon ako sa gulat nang magsalita si Cormac sa tabi ko, nakapamulsa pa siya.
"may kailangan ka sir?" nakangiting tanong ko sa kaniya, kailangan maging mabait ako para payagan niya akong makauwi.
"ayusin mo na ang mga gamit natin. Deretso tayo sa penthouse" sabi niya saka tumalikod na, napakamot ako sa ulo bakit parang wala sya sa mood?
Nagpaalam ako sa kasama ko doon saka pumunta sa kwarto, inayos ko ang mga damit namin lalo na sa kaniya na isang maleta ata ang dala niya. Uuwi ako ng probinsya bukas, sana payagan ako.
"sir!" tawag ko sa kaniya nang makauwi kami sa penthouse niya, gabi na ng makarating kami dahil narin sa traffic.
"yes?" sabi niya habang may ginagawa sa phone niya.
"pwede ba akong umuwi bukas sa probinsya?" napatingin siya sa akin tinitigan niya ako.
"hindi mo ba ako isasama?" huh? Nagulat ako sa tinanong niya. Kailangan bang sumama siya sa akin? Hindi pwede baka may makakilala sa kaniya doon.
"ah..."
"just kidding you can go home" sabay ngiti niya sa akin. Tumango lang ako saka tumalikod sa kaniya, excited akong nag ayos ng gamit niya saka inayos na rin ang ibang gamit ko.
"sir! Uuwi na po ako" maligayang sabi ko, nagulat siya sa pagsigaw ko.
"sino maghahatid sayo? Wait for me" agad niyang sinuot ang jacket niya saka nagalakd na palabas, sumunod nalang ako sa kanya.
"sir wala kayong schedule sir sa isang buwan, bakasyon niyo po king gusto niyo po ay ipapabook ko nalang ang flight niyo para makapagpahinga sa ibang bansa"
"ibang lugar lang dito sa pilipinas, ayoko sa ibang bansa" tumango ako sa sinabi niya. Buong byahe namin ay pinipilit ko siyang sabihin kung saan niy gusto pero laging nagkikibit balikat.
"dito nalang s-ayy!" halos mapatalon ako sa gulat nang kumidlat ng malakas saka sumunod ang kulog.
"sir mukhang uulan po ata!" lumabas kaming dalawa sa kotse niya.
Hinila ko siya sa may tapat ng apartment nang biglang lumakas ang ulan. Mabilis pa namang mabaha dito sa amin dahil umulan nanaman ata kahapon.
"naku sir uwi na po kayo!" histerical kong sabi sa kaniya. Tinignan niya lang ako saka hinawakan ang kamay ko.
"i want to drink coffee" napatingin ako sa kaniya, kape ba? Bakit hindi na lang sya magkape sa starbucks.
"sir black coffee lang meron kami" nahihiya kong sabi sa kaniya.
"its okay as long as im not going to die with it" tumango ako saka binuksan na ang gate, sana nga wala pa sila ate Lexie dito.
Nauna na akong pumasok sumunod naman siya, umakyat ako sa taas at laking pasasalamat ko nang makitang walang tao.
"sir dito ka nalang po magpapainit lang po ako ng tubig" tumango siya saka lumingon sa paligid na parang pinag aaralan kung saan ako nakatira.
"ilan kayo dito?" tanong niya sa akin.
"ahh 8 po sir" tumango ulit siya, tumayo siya saka naglakad sa gilid gilid.
Bubuksan ko na sana ang kalan nang malaman kong wala na itong laman, pasimple akong mapamura sa sarili ko. Baka kasi basa na sa paglulutuan ng kahoy eh.
"why? Is there a problem?"
"ah wala sir, dito po muna kayo magsasaing ako sa labas"
"don't leave me here, paano kapag meron na ang mga kasama mo dito?" oo nga pala, napakamot ako sa ulo ko.
"sige, sunod kayo sa akin sir. Pasensya na po kung ganito kailiit ang bahay namin" kumuha ako ng mga kahoy at inayos iyon.
Halos bumulusok ang usok sa mukha ko kaya pinaypayan ko ito. Masikip dito kaya naman halos magkadikit na kami ni Cormac dito.
"maaga po ako aalis bukas sir. Kung may kailangan pa kayo sa akin hindi po ako makontact dahil wala pong signal doon" tumango tango lang siya sa sinabi ko, nang malapit nang kumulo bigla nanaman bumuhos ang malaks ng ulan. Agad kong sinara ang binatana para hindi kami masyadong mabasa.
Sumiksik kami sa gilid para hindi kami mabasa, mainit na ang tubig pero hindi ko makuha dahil malakas pa ang ulan at hindi ko makuha.
"kukunin ko lang sir" saktong hahabang na ako nang bigla akong madulas akala ko babagsak na ako nang saluhin ako ni Cormac napahawak siya sa bewang ko.
"si-" halos manlaki ang mata ko anng bigla niyang ilapat ang labi niya sa akin, noong una hindi pa siya gumagalaw kaya nagpumiglas ako, hanggang sa diniinan niya nag paghalik sa akin.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit parang gustong gusto ko pa. Hinapit niya ako sa bewang habang palalim na palalim nga halik niya. Hindi ko alam kung paano humalik!
Tumigil lang siya nang may marinig kaming mga ingay galing sa labas, ngumiti siya sa akin saka hinawakan ang bibig kong kahahalik lang niya.
"sir.." bulong ko dahil baka may makarinig sa amin, bigla niya akong niyakap ng mahigpit nararamdaman ko ang tumutusok sa may ibaba niya.
"sir may tumutusok" hahawakan ko na sana iyon nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.
"don't. Im having a boner huwag kang gagalaw kung ayaw mong may mangyari sa atin dito"