Hindi ko siya pinansin, pero bumaba ako ng dahan dahan para maabotan niya ako, ayaw ko namang iwan ang asawa ko sa hagdan lalo na't mahihirapan itong bumaba.
Ilang saglit lang ay may umabresyete na sa akin. Pero hindi ko na siya nilingon kunwari naiinis ako.
"Huy, kung maka snab to." Pangungulit nito sa akin ng hindi ako umimik.
"I hate stubborn. " Malamig kong sabi.
"Axel, naman eh," pagdadabog nito.
"Kung hindi mo susundin ang diet mo, better not to talk to me." Banta ko pa sa kanya.
Alam ko naman kasing hindi ako matitiis nito. Hindi ko rin naman siya matitiis eh. Kaya nga ibinibigay ko ang mga gusto niya. Pero iba ito, handa akong magtiis para sa ikakabuti niya at ng anak namin.Hindi ko parin siya pinapansin ng makababa na kami sa sala at nakikipaglaro ako sa mga bata. Ninanakawan pa nito ng chichirya ang mga bata. Kinakausap ako nito pero hindi ko talaga siya pinapansin. Hanggang sa.
"Aray!" Napatingin ako sa kanya ng dumaing ito. "Ah." Daing ulit nito saka napasapo sa maumbok na tiyan nito.
Kaya mabilis akong lumapit sa kanya.
"Honey, bakit? Anong masakit?" Nagpapanic na ako this time.
"Ang sakit ng tiyan ko, manganganak na yata ako." Sabi nito.
Bigla naman ang pagbundol ng kaba sa dibdib ko. Hindi ko alam ang gagawin nagsimula na akong pagpawisan ng malamig.
"A-anong gagawin ko?" Natataranta kong tanong sa kanya.
Patuloy lang ito sa pagdaing.
"Manang Belen! Sarah, Jessie. "Kung sino sino na ang tinawag ko dahil sa taranta ko.
Uupo, tatayo na naman . Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Napatigil naman ako ng makita ko na yumugyog ang balikat ni Erica saka kumuwala ang impit na tawa nito na parang sinaniban ng masamang espirito.
"It's a prank!" Tumatawang sabi nito.
Na freeze ako ng saglit. Para mag sink in sa isip ko ang nangyayari.
Saka napasabunot ako sa ulo ko ng marealize na pinaglaruan ako ng asawa ko.
Panay parin ang tawa nito. Habang nakitawa narin ang mga taong hindi ko namalayan na nasa likuran ko na pala.
"Ang cute mong magpanic." Tumatawa paring saad nito. Hinihingal na ito at panay pahid sa mata dahil nangingilid ang luha nito sa kakatawa.
Nakitawa narin ako. Nakita ko ang asawa ko na tumayo saka niyakap ako. Naramdaman ko pa ang paninipa ng anak ko sa sinapupunan nito.
"I'm sorry hon, hindi mo kasi ako pinapansin eh." Natatawa paring sabi nito.
"I thought I would collapse. "Mahina kong sabi. Kumalas ito sa pagkakayakap.
"Halikana ihatid na natin si Edward sa airport baka nandun narin sina Tatay at nanay." Sabi pa nito.
"Okay, kids let's go to the airport. " tawag ko sa mga bata at nagsitakbuhan na nga silang tatlo sa gawi namin.
"Okay, let's go." Sabi ko sa kanila. Sasama rin ang mga katulong at bodyguards sa paghahatid kay Edward.
Nakailang hakbang na kami papunta sa maindoor ng huminto si Erica at sapo ang tiyan nito. Saka napangiwi ito.
"Tingin ko totoo na'to." Sabi nito habang paiba iba ang itsura ng mukha nito. Saka kumapit sa akin.
"Stop kidding, honey." Sabi ko. Baka kasi niluluko na naman ako nito.
BINABASA MO ANG
SEXYBEAST SERIES#1:Mr. Hill's hell
RomanceHatred, sacrifices , family's love and hell. Yun ang naging definition ni erica Dhana Hermés sa buhay niya. Matapos syang ipakasal ng magulang niya sa lalaking kinaiinisan niya . Noon pamn isa na itong bully , na mayabang na antipatiko na walan...
Special chapter: Due to public demand
Magsimula sa umpisa