Chapter 33: Roseanne Panizarez?

Start from the beginning
                                    

Pwede ka pa ding mag laro kahit matanda ka na, ang mindset lang naman ng mga tao ang mali. Dahil kapag nag lalaro ka pa sasabihin na isip bata ka, hindi manlang nila naisip na baka dahil nag lalaro ka pa din sa ganitong edad dahil hindi mo naranasan iyon nung bata ka pa.

"I'm tired." Wika ko habang sinusuot pabalik ang sapatos ko.

Hinubad kase namin iyon dahil masyadong sagabal sa pagtalon ko.

"Natalo ka Kryshna, libre mo kami ice cream, ha." Paalala ni Freziah na para bang mag wawala kung hindi na ilibre.

"Nandito pala kayo." Napalingon kami sa gate ng may mag salita. It was Jackson. Blangko ang mukha nya ng tumingin sa akin.

"Pinapatawag ka sa gymnasium." Kumunot ang noo ko at nag katinginan kaming tatlo.

"Bakit daw? Dahil ba ito kanina? Ngunit walang kasalanan si Allyson sa nangyare." Si Kryshna ang sumagot.

Umiling si Jackson. "Si Mr. Roncal ang nag utos, I don't know why. Mas maganda kung sumunod ka nalang." Pagtapos 'non ay bumaba sya at iniwan kaming tatlo.

Sandali akong nag isip bago humarap sa dalawa at marahan na ngumiti. "Una na kayo sa room, susunod din ako." Sambit ko sa kanila.

"Mr. Roncal is strict, baka gisahin ka 'non." Pananakot ni Freziah kaya ngumisi ako. "Hindi naman ako natatakot." Sagot ko.

Nauna na akong bumaba at nag tungo agad sa gymnasium, nagulat pa ako doon dahil madami ding nan'don at halos lahat kami mga babae. Mga sampu ata ang nandito.

Nakita ko pa ang kaklase ko na si Roseanne, wala syang kasama at tahimik lang na nag mamasid sa paligid. Nang mag tama ang mata namin ay nag iwas sya ng tingin. Sa taas naman ng stage ay nandon si Mr. Roncal na pinagmamasdan ang lahat ng estudyante na pinaponta nya.

"Nandito na ba ang lahat?" Napatingin kami sa stage ng mag salita si Mr. Roncal, may ngisi sa kanyang labi habang pinagmamasdan kami.

"Lahat kayong nandito ay may Rose sa pangalan, alam nyo ba kung anong ibig sabihin 'non? Isa sa inyo ay anak ni Darshna Panizarez. Isa sa inyo ay anak ng mag nanakaw." Rinig ko ang pagsinghap ng karamihan ngunit nanatili kaming tahimik ni Roseanne.

"Nakaraan lang, may nag banta sa isang teacher dito. At alam nyo ba kung sinong suspect ko? Ang anak ni Darshna. Bakit nya ginawa iyon? Dahil gusto nyang mag higanti sa ginawa sa kanyang pamilya." Kwento nito.

Tss. Ako ang gumawa 'non ngunit may iba akong rason, hindi purket na ginawa ko iyon ay anak na ako ni Ms. Darshna, masyado lang 'tong paranoid.

Hindi ko alam kung paano naging mayaman ang isang 'to kung ganito kakitid ang utak. Hindi din naman sya pursigido sa buhay.

"Gusto ko lang sanang makita ang birth certificate nyo, hindi ang copy. Ang tunay ang gusto kong makita, sa oras na nadala nyo iyon sa opisina ko bukas may pabuya kayong matatanggap." Nakangiti pa din ito habang sinasabi nya iyon.

"At bakit ka naman namin susundin?" Napatingin ulit ako sa gawi ni Roseanne ng mag salita sya. Nakatingin sya ng diretso kay Mr. Roncal.

Kumunot ang noo ko ngunit nanatiling seryosong pinagmamasdan lang sila.

"Labag sa batas ng MIS ang ginagawa nyo, nasabi nyo na ba ang tungkol na ito kay Mr. Dela Torre? Pumayag ba sya? I bet not. Dahil kung pumayag sya kasama mo sya ngayon sa gilid mo." Dagdag nito.

Hindi agad nakapagsalita si Mr. Roncal, nag tagal ang tingin nya kay Roseanne na para bang kinikilala ito.

"What's your full name?"

"Roseanne Lopez."

Ngumisi si Mr. Roncal. "Roseanne Panizarez, sound good, huh?"

Nanlaki ang mata ko at agad napatakip ng bibig. Hindi naman nagulat si Roseanne, sa halip ngumiti pa sya habang nakatingin din pabalik kay Mr. Roncal.

"Yeah. It's suit in my name. Idol ko kase ang mga Panizarez, e." Sagot naman nito at mahinang natawa.

Hindi ko na alam ang nangyayare. Tila nag ibang tao din si Roseanne. Nakilala at nasubaybayan ko sya dito bilang isang tahimik na estudyante ngunit ngayon ay nag lalaro sya. Tila pinag lalaruan nya si Mr. Roncal.

Hindi kaya si Roseanne talaga ang tunay na anak ni Ms. Darshna?

Matalino si Mr. Roncal, sigurado akong malalaman nya agad kung sino ang anak ni Ms. Darshna. At ng sabihin nya ang buong pangalan ni Roseanne ay kinalibutan pa ako.

Kailangan ko na din bang protektahan si Roseanne kung ganun?

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko nag tama ang mata namin ni Iñigo, nasa pinaka dulo sya ng pintuan at mukhang narinig ang lahat ng nangyare. Seryoso lang ang mukha nya ngunit alam kong may binabalak sya sa nalaman.

Ace of Panizarez: Rose [COMPLETED]Where stories live. Discover now