Naisip ni Sianna, kanina lang ang saya saya nila ng kanyang Dada.

"I'll go home now."

"Okay Tito. Take care."

Bumaba na si Sandro at nagbilin sa mga kasambahay ni Simon na silip-silipin ang kapatid.

Minsan naiisip nya naging alcoholic na yata si Simon mula ng....

Ipinilig nya ang kanyang ulo nang makaramdam siya ng tawag ng kunsensya.

He's guilty of something na hindi naman nya ginustong gawin.

Ang maglihim ng katotohanan.

He went home.

Hindi naman makatulog si Yassi. Ewan nya, naiinis sya.

Minabuti na lang nyang kausapin ang walang muwang na anak.

"Baby how's your day with your Dada?"

"Papa! Papa!"

Tumawa si Yassi.Tipong ayaw ng anak niyang tawaging Dada ang ama.

"Okay baby, it's Papa! Tamang tama kasi Dada mo sina Tito Sandro at Ninong Blaze."

Biglang nalungkot si Yassi nang maalaala si Blaze.

Ang sakit pa rin sa dibdib...

Ahhhh....

Nagising si Simon na humihilab ang kanyang tiyan sa gutom.

Naalaala nya na walang laman ang kanyang tiyan bago tumungo sa bar.

Napabalikwas sya nang maisip kung paano sya nakauwi nang makitang nasa sarili na syang silid.

Bumaba sya para kumain.

Habang kumakain ay iniisip nya kung si Isabella ba ang naghatid sa kanya.

Pagkatapos nyang kumain ay bumalik na sya sa taas.

Mabilis man syang malasing, mabilis din naman syang mahulasan.

Hirap na syang makatulog. Alas dos pa lang.

Inisip na lang nya ang kanyang anak. Kakapasyal lang nya sa Batangas, namimiss nya ito kaagad.

Ang hirap mawalay sa sariling anak.

Paano nya makakasama si MJ?

Naisip na naman nya si Yassi.

.....

"Nay papasok na po ako!"

"Sige anak, teka lang at lilipat na ako sa kwarto nyo."

"Nay kayo na pong bahala kay MJ." sabi ni Yassi matapos humalik sa natutulog na anak.

"Sige na, kami na ang bahala sa anak mo. Mag-iingat ka. Di na kita maihahatid sa baba."

"Opo. Isasara ko na lang po."

Bumaba na si Yassi. Inilabas na rin nya ang kanyang motor mula sa maliit na garahe.

Isinuot na ang kanyang helmet at maya-maya lang ay umalis na.

"Dada! How are you?" tanong ni Sianna nang pasukin nya sa kwarto si Simon.

"Sorry baby, I got drunk last night."

"Always naman Dada." simangot ni Sianna.

"Sorry na. Are you mad?" lambing ni Simon sa anak.

"Dada kasi, you always go home unconscious because you are always drunk." reklamo ni Sianna.

Napahiya si Simon sa anak.

"Okay, I promise, last na."

"Hmmmppp... Dada, promises are made to be broken." ani Sianna.

Never AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon