5.) CEO's Lady Bodyguard

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi naman siya nagdududa sa pagtatrabaho ni Mr. Balderama, kaya lang parang pinulot lang nito sa kalye ang babae at iniharap sa kanya.

"Yes, Sir." Kumpyansa nitong sagot.

Walang magawa si Travis kundi tanggapin ang babae bilang bodyguard niya. Marahil sobra niya lang itong husgahan base sa pisikal nitong itsura. Baka sadyang magaling ito tulad ng sinabi ni Mr. Balderama.

"Sir, ako na po ang magmamaneho. Kasama 'yan sa trabaho namin." Presenta ni Ara ng pauwi na sila. Unfortunately, kasama niya ang babae 24/7 ng buhay niya.

Hinagis niya rito ang susi pero hindi nito nasalo.

"May paa pala ang susi mo, Sir? Kusang tumalon sa kamay ko eh," nakangiti nitong sabi.

Hindi ito pinansin ni Travis. Alam niyang gumagawa lang ito ng dahilan dahil sadyang hindi nito nasalo ang susi.

"Sir, saan po tayo pupunta ngayon?" Tanong nito habang nakaposisyon sa driver seat.

"Sa Gracia's Restaurant tayo. May dinner date ako ngayon," sagot niya ng nakatingin sa labas ng bintana.

"Copy, Sir. Please wear your seatbelt."

Hindi niya ito pinansin.

"Sir? Seatbelt please," muli nitong sabi.

"Just drive." Seryoso niyang utos.

Narinig niyang binuhay nito ang makina. Prente naman siyang nakaupo sa back seat. Pumikit siya ng magsimulang umandar ang sasakyan pero bigla siyang nagmulat ng maramdaman ang bigla nitong pagpreno.

"What the hell?! Marunong ka bang magdrive?" Bulyaw niya sa babae ng aksidente siyang nauntog.

"Pasensya na Sir naninibago lang. Ang tagal ko na kasing hindi nakakahawak ng manibela,"

"Wait!" Pigil niya ng muli itong umabante. Bigla na naman itong nagpreno kaya tumalsik siya sa baba ng upuan. "Aww!" Reklamo niya ng tumama ang tagiliran sa likod ng driver seat.

"Ganyan po talaga ang nangyayari kapag binabalewala ang seatbelt. Hindi po 'yan ilalagay sa loob ng kotse para idisplay lang. Kaya isuot mo na po 'yan Sir para maiwasan natin ang aksidente."

"Maaksidente talaga tayo kapag ikaw ang nagmaneho!"

"Trabaho ko pong ipagdrive ka, Sir. Nakakahiya naman kung ako ang ipagmamaneho mo. Pero kung okay lang sa'yo, mas okay sa'kin. Biro lang, Sir." Bawi nito sa sinasabi ng makita ang matalim niyang tingin.

"Umupo ka na ng maayos, Sir. Nakakahiya naman kung hindi ko gagawin ang aking trabaho sa unang araw. First impression last daw po. Promise, naninibago lang po ako. Ang high-tech din kasi ng sasakyan mo kaya hindi ako pamilyar,"

Naniwala siya sa sinabi nito kaya muli siyang umupo. Pero sa ikatlong pagkakataon, bigla na naman itong nagpreno.

"Ano ba?! Pagmamaneho lang hindi mo pa magawa ng maayos? Paano mo ipagtatanggol ang kliyente mo kung ganyan ka magtrabaho?"

"Basta mabilis kang tumakbo Sir, makakaligtas ka." sagot nito.

Hindi nakatiis si Travis. Lumabas siya ng sasakyan. Nahilot pa niya ang batok ng makitang bumangga sila sa basurahan.

"Labas!" Utos niya rito pagbukas ng pintuan.

Ngumiti naman ito pero hindi lumabas.

"Kaya ko pong dumaan dito para lumipat sa likod." Sagot nito bago gumapang papunta sa likuran.

Sumabit pa ang paa nito sa upuan at nadapa. Frustrated naman niyang nasapo ang noo. Bukas na bukas din, tatanggalin niya ito sa trabaho at maghahanap ng panibago.

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon