Bakit ba ako nauutal? 

"Loreen invited me. Sinabi niyang kasama ka, kaya pumayag ako." Saad nito. 

Titignan ko sana ng masama si Loreen ngunit wala na ito sa kinauupuan niya. Kahit nagtataka ay hindi ko na lang pinansin. 

"Bakit ka pumayag?" nagtataray na tanong ko. 

Natawa naman ito, "Bawal ba? I want to see you and I miss you." 

Biglang nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Mabuti na lang at medyo madilim, hindi niya makikita ang mukha ko. Napainom na lang tuloy ako ng juice.

"Hindi kita na miss." sagot ko nalang. 

"Talaga?" pang-aasar niya pa. 

"Bakit kita mami-miss aber?" 

"Baka lang naman na miss mo ako, ok lang naman 'yon sa'kin kaya h'wag ka ng mahiya." ngingisi-ngisi nitong saad. 

Ayan nanaman ang ngisi niya. Bigla naman napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Napaka kapal naman ng mukha niya. 

"Hindi kita miss at never kitang mami-miss." saad ko. 

Napakibit balikat nalang siya at mahinang bumulong. Hindi ko naman narinig dahil sa lakas ng tugtog. 

"I'll just get a drink, wag kang aalis dito." sabi niya.

Tumango na lang ako. Hinahanap ng mata ko si Loreen pero hindi ko siya makita sa dami ng tao. Nasaan na naman yung babaeng yon?

Nahagip naman ng paningin ko si Kian at Art na papalapit sa gawi ko. Tumayo naman ako para salubungin sila.

"Bakit ang tagal niyo?" pambungad kong sabi. 

"May dinaanan pa ako." tipid na sagot nito.  

Naupo siya sa couch ng nakadikwatro. 
Tumango ako at binaling ang tingin kay Art na nakatayo pa rin.

"Hello, baka gusto mong umupo?" natatawang sabi ko. 

"Sige lang." naiilang na sagot niya. 

Inabutan ko naman siya ng beer. Nahihiyang tinanggap naman niya iyon.

"Where's Loreen?" narinig kong tanong ni Kian.

"Malay ko don, magkausap lang kami kanina ni-siya." turo ko nang paparating na si Jayce.

Napataas ang kilay ni Kian sa'kin, nagtatanong. 'Wag mo akong tignan ng ganyan please!

"Hey, bro!" bati ni Jayce sa kaniya. 

"Hey..." nasabi na lang niya. 

Naupo naman si Jayce sa tabi ko. Binati niya rin si Art. Nagulat din na makita si Jayce. Napansin ko lang na masyado siyang friendly. Sabagay sa game lang naman sila magkalaban. 

"May gusto ka ba?" tanong nito.  Napatingin ako sa kaniya at umiling. 

"Hindi na, ok na ako-" he cut me off.

"Ako ba? gusto mo?" 

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya at napailing nalang. Nababaliw na naman siya. 

"Silence means.." nakangising asar nito. 

"Silence means, ano?" nanghahamon na tanong ko. 

"Silence means is tumahimik nalang ako. Sabi ko nga." napakamot pa ito sa batok niya.

Gusto kong matawa sa mukha niya pero itinago ko na lang iyon. Napatingin ako sa palapit na babae sa table namin. Familiar yung mukha niya. Mukhang lasing na ito dahil hindi siya diretso maglakad. 

When Love Lasts Where stories live. Discover now