Bry: Basta Ryne, ako ang nakikiusap sayo, kahit hanggang maging ok lang sya...

Hindi ko na masyadong maintindihan ang usapan nila at lumabas na rin ako ng CR. Naka ready na rin ang bag ko na laman ang mga gamit at damit.

Ryne: Lets go...

Napatingin ako kay Bry, gusto ko syang yakapin ng mahigpit at sabihin na sumama nalang sya kung san man ako dadalhin ni Mam Ryne, gusto kong magmakaawa na please wag muna syang hihiwalay samin. I feel so safe and secured pag sya ang kasama ko. Kaso mukang wala rin syang laban kay Mam Ryne.

Lumabas kaming lahat sa apartment at naghiwalay na kame ni Bry ng landas. Pero hindi sya mawala sa paningin ko hanggang sa makasakay na sya ng kotse nya at sumakay na rin ako sa sasakyan ni Mam Ryne.

Nalungkot ako, at ramdam kong nadurog ang puso ko nun maghiwalay na kame ni Bry. Sh*t, bakit kaya sya pumayag na sumama ako kay Mam Ryne.

Sa isang malaking bahay sa Fairview nagtungo kame. Ang ganda at tila mansyon ang itsura ng bahay na to. Pag baba ng sasakyan ay sinalubong kame ng 2 babae na kasambahay nila, isang may edad at isang nasa 30s na.

Manang: Senyorita bakit ngayon ka lang ulit umuwi, ang ganda ganda mo naman iha, at ang ganda rin ng kasama mo. Sya ba si Ashley? Ang gaganda naman ng mga batang ito.

Ryne: Manang pahanda yun guestroom.

"Senyorita?" Bahay nina Ryne pala to, ang laki at hindi naman ito malayo sa office nya. Bakit kaylangan pa nyang mag condo.

Hinatid ako sa isang room ng isang kasambahay nila, dun daw ako mag stay katabi lang ng room ni Mam Ryne.

Napaka elegante ng loob ng bahay, maraming pictures ng parents siguro nya at pictures nya pati noong bata pa sya. Maganda pala talaga sya, parang artista lang ang awra nya, walang effort pero ang lakas ng dating nya. Sobrang laki ng bahay pero parang mga kasambahay lang ang nakatira rito.

Noong oras ng ng hapunan, at tinawag na ako ni Tina, yun isang kasambahay na mas bata para kumain. Napaka laki ng table, at sa dulo may mga naka prepare na food. Ako palang ang nandun, wala si Mam Ryne. Pang 2 lang na plates ang nakaprepare, kaya nakakahiya na umupo na ako nang mag isa. Di naman nag tagal ay lumabas na si Mam Ryne sa kwarto nya. Nakapag bihis na ito ng pambahay, sando at shorts. Kitang kita tuloy ang puti at ang kinis ng kutis nya. Ang sexy at kitang kita ang hubog nya. Umupo sya sa harap ko para kumain.

Kame lang 2 sa table, nakakailang tuloy. Parang hindi ako makagalaw at makakain ng maayos kung magkaharap kame, samantalang sya ay nag start na. Pinilit kong magpaka cool at inumpisahan sa soup. Kaso para akong matutunaw, hindi ko kayang tiisin na nasa harap ko sya. Grabe yung epekto nya sakin, hindi ko mawari kung natatakot ba ako or nahihiya. Ano ba kasi ang naisip nya at dinala nya ako dito. Nagpapahinga nalang sana ako sa apartment, at malamang kasama ko pa rin si Bry til tomorrow, tahimik sana ang buhay ko ngayon.

Ryne: Kumain kana kasi iinom kapa ng gamot diba? Wag kang aalis dyan hanggat hindi mo nauubos yan.

At bigla syang tumayo at umalis. Di rin naman nya naubos ang food nya sa plate nya.

Tina: Mam Ashley, anong nangyari at ang dami nyong pasa? Nag away ba kayo ni Mam Ryne?

Me: Ah hindi, wala to, naaksidente kasi ako sa motor kaya ganyan.

Tina: Makakapag pahinga po kayo habang nandito kayo, para gumaling na agad yang mga pasa na yan. Sayang ang kinis nyo pa naman..

Mindblown ako sa nangyayari. Dinala ako ni Mam Ryne dito, para ano? Mukang wala namang masamang mangyayari ngayong gabi. Mabait ang mga kasambahay, di ko lang alam kung aware sila sa ugali ng amo nila.

Fire and Ice (SPG) (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon