22. Scientist And Bible

Magsimula sa umpisa
                                    

Oo nga naman. Kulang sa paliwanag si Kuya Tantan. Nagkatinginan kami ni Agusto. Napangiti akong bigla. Ngayon sure akong totoo nga talaga ang mga nangyari sa bible dahil hindi kayang gumawa ng tao ng mga kwento na ganoon ka-perpekto.

"Mathew, mukhang may iniisip ka?" Nakita pala ako ni Ate Margarita na tulala.

"Ah kwan, may nainisip lang ako." Sagot ko.

"Ano 'yun?"

"Malinaw na po sa'kin na totoo talaga ang nasa bible."

Nagsalita si Agusto. "Pero may ginaya lang naman daw ang bible dahil mga Sumerian daw talaga ang totoong unang nakalikha ng libro." Nanlaki ang mata kong bigla sa sinabi ni Agusto.

Nagtaka naman si Ate Margarita. "Sino nagsabi?" Tanong niya.

Napatingin sa'kin si Agusto. Wala na akong magagawa. Sasabihin ko na. "Ate, si Kuya Lito po."

Napatango siya. "Ibig sabihin, hindi siya naniniwala sa bible?"

"Parang ganun na nga po."

"Eh ano daw ang libro na nasulat?"

"Ganito po kasi 'yun.." medyo matamlay ang boses ko. "Kinopya lang daw po ang laman ng bible. Sinabi sa amin ni Kuya Lito ang ibang story na kahawig ng story sa bible. 'Yun daw ang totoo dahil apat na daang taon ang pagitan bago naisulat ang bible."

"Naniwala naman kayo?"

Nagkatinginan na naman kami ni Agusto. "Hi-hindi pa naman sure Ate kaya hindi naman agad agad kami naniniwala."

"Alam niyo kasi, maraming storya na naglalabasan ngayon para pagkakitaan lang. Ang bible ay hindi kailan man pinagkakitaan. Alam niyo ba na maraming tao na pinagkakakitaan ang bible ng hindi nahahalata? Ang mga tao ay nag-iimbento ng mga katibayan na totoo ang bible. Binabalita nila ito sa mundo. Na kesyo, nakita na ang Arko, may nahukay na mga kalesa sa Red Sea, may nahukay na mga taong asin at marami pang iba. Kasalanan ang ginagawa nila kahit pabor pa ito sa bible. Ang maka-intindi sa bible kung paano ito naisulat ng mga sina-unang lahi ay sapat nang katibayan na totoo ang mga nangyari dito. Napakahirap gumawa ng story kung manggagaling lang sa imahinasyon ng taong walang pinagkukunan ng inspirasyon."

Oo nga, paano nai-sulat ang bible kung wala ngang pinagkuhanan ng inspirasyon. Ibig sabihin, talagang totoo ang mga nakasulat doon. Unti unti ko nang naiintindihan ang lahat.

"Ang mga nangyayari sa atin ngayon ay pwedeng maging inspirasyon ng mga manunulat para makagawa ng napakagandang story. At karamihan sa mga manunulat ay may kwento bago nila sinusulat ang storya. Paano mo maiisip na isulat ang mga salita ng Diyos kung wala namang Diyos? Sino ang naka-imbento sa Diyos kung walang Diyos? Tandaan niyong wala pang kotse dalawang daang taon pa lang ang nakakalipas. Ibig sabihin, pwede nating sabihin na bago pa lang natuto ang mga tao sa panahon na iyon. Kaya ang makagawa ng isang kwento sa biblia ay hindi talaga kakayanin ng isip maliban na lang kung nagkwekwento lang ng mga totoong nangyari. Madaling gumawa ng storya kahit kayo'y kaya niyong maging manunulat basta totoo na naranasan niyo ang mga bagay na naisulat niyo dahil walang effort para mag-research. Nasa isip niyo lang lahat. Kaya niyong isulat ang mga nangyari sa buhay niyo dahil totoo ito. Naiintindihan niyo ba ako?"

"Opo, Ate." Sagot ko.

"Ngayon, kapag may nagsabi na hindi totoo ang bible, maniniwala ba kayo?"

"Hindi na po Ate." Sagot ni Alexa. "Very clear na hindi na kailangan ng evidence."

"Correct. Hindi naisip ng mga scientist ang ilang maliliit na detalye dito sa mundo. Nakatuon lang sila sa mga bagay na nakikita nila hanggang makabuo sila ng imahinasyon na ginagawa nilang totoo dahil sobrang bilib sila sa sarili nila. Malaki ang utang na loob natin sa mga scientist dahil sila ang naging instrumento para lumawak pa ang kaalaman natin sa mga bagay bagay kaya nawala ang kuryosidad natin. Pero kung talagang curious ka, ikaw mismo ang umalam ng lahat. At dahil sa kanila, sa mga naiimbento nila, maraming tao na ang hindi naniniwala sa kanila dahil sa dali ng mga bagay ngayon, kaya nang maging scientist ang isang ordinaryong tao maliban na lang kung sarado ang isip mo. Na wala ka nang ibang paniniwalaan kundi ang mga taong nagturo sa'yo na hindi mo alam kung totoo ba ang mga sinasabi nila dahil ito ay mga nakasulat na sa libro."

Naalala ko si Kuya Lito. Totoo kaya 'yung sinasabi niya na naniniwala si Ate Margarita na Flat ang Earth? Parang ang hirap paniwalaan na ang katulad niya ay maniniwala sa imposible. Halatang pinag-iisipan niya ang mga sinasabi niya. Baka nga sinisiraan lang siya ni Kuya Lito.

"Ngayon, isa lang ang mga sinabi ko na ito na totoo ang Diyos. Ang totoo, marami pang palatandaan at mga scientist o mga tao mismo ang kumuha ng idea dito na hindi nila napansin sa sobrang liit ng detalye. Ang maliit na detalye na ito ang sasabihin ko ngayon."

Hindi ako makapaniwala. Paanong napansin ni Ate Margarita ang mga hindi napansin ng mga scientist?

The Great LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon