Asdfghjkl! Gusto ko na silang muramurahin sa totoo lang. Kanina pa silang umaga. Pagod na pagod na ako sa kakahiga dahil sa spa, massage at body treatment, kakaupo dahil sa paglalagay ng make up at pagdo ng hair ko tapos ngayon kakatayo sa sobrang tagal nila akong bihisan. Mula sa paglalagay ng lotion, creams, etc hanggang sa paglalagay ng stockings, bustier at kung anu ano pang hindi ko alam.

Pansin niyo puro babae na nag aayos sakin? Hay naku. Ewan ko ba kung anong nangyari dun sa tatlong beking pinakilala sakin ni Clou na mag aayos.

After makuntentong papayatin ang payat ko na ngang katawan na halos iluwa ko na lahat ng kinain ko simula pa kagabi, may kinuha silang ring at sinuot sakin then petticoats. Yep with s. Maraming petticoats. Imagine? Ambigat! And the rest? Malalaman niyo nalang mamaya.

----

Naririnig ko na ang ingay ng mga tao mula sa loob at ang instrumental na tugtugin na mukhang live band pa ang gumagawa. Gusto ko mang sumilip nahihiya ako. Para namang igronante ako nun no. Kahit papaano nakakapanuod naman ako ng mga ganito sa tv pero hindi ko akalain na ganito pala kapag ikaw na mismo ang nandun and worst mag isa ka pa. Nanlalamig at nagpapawis na ang kamay ko. Oy hindi ako pasmado ha sadyang kinakabahan lang ako. Hindi na rin ako magkandaugaga kung papasok na ba ako o tatalikod o tatakbo---tatakbo? Tanga lang, Alea? As if namang makakatakbo ka sa 6 inches heels na pinasuot sayo.

Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko ng maalala kung ano at para saan nga ba talaga ang ball na ito at hindi lang basta preparation sa nalalapit na huling pagsubok.

(Yesterday)

Nagising ako na may mabigat sa dibdib. May kung anong hindi ko maexplain sa loob ko n para bang may malaking bagay akong nakalimutan na hindi dapat, na kailangang kailangan kong maalala.

Nagkaroon ng tea party sa may garden. Hindi naman ako mahilig sa ganun, unang una dahil sa pang mga sosyal lang naman yun. Ang alam ko nga may mga basics kang dapat matutunan kasi hindi naman basta basta iinum ko nalang ng tea dun at kakain ng sweets. At pangalawa, the last time na nakainum ako ng tea, tae, literal na natae ako. Isang araw atang sumakit tiyan ko kaya nga kasumpa sumpa talaga ang tea para sakin. Kung hindi lang nila ako pinilit, hindi talaga ako pupunta. Kumukulo na nga tiyan ko e. Hindi naman kasi ako nakapag umagahan, hindi rin ako dinalhan ng pagkain, tapos dito tubig lang iniinum ko.

Habang busy sila sa kakachika, ako naman tong lumilipad ang utak. Nganga. Buang. Hindi pa rin mawala sa isip ko kung ano mang meron sa araw to. May nangyari kaya? Kay Moma? Mukhang wala naman kasi nagkatext pa kami kaninang umaga bago siya natulog. Natanong lang niya kung kailan daw ako uuwi at ang tanging nasagot ko lang ay 'hindi ko pa po alam...'

Baka naman may mangyayari? Diba ganun yun? May time na ramdam mong may darating or what. Sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Cleopatra kahapon. Aah! Mababaliw na ako!

"I'm soooo excited na talaga!"

"I can't sleep na nga e."

"Imagine three events at one night?!"

"OMG!"

"This event will be the biggest and grandest so far, right girls?"

"Yep!!!"

Tulala pa rin ako habang nagsisialisan na sila para makapagprepare at beauty rest na raw sila bukas.

"Three events?" Narinig kong tanong ng katabi kong si Cass kay Mandy. Kami nalang natira.

"Uh huh." Maikling sagot ni Mandy habang umiinum pa rin. Bagal pala niya kumain.

Kumunot ang noo ni Cass.

I Met The PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon