"Jolina, parang familiar ka sakin. Do we met somewhere ba?" Gabrielle asked Jolina casually. Ako naman agad sumagot.
"Volleyball player siya, sa DLSU" tumango-tango naman si Gab. Tinignan ko naman si Jolina habang kumakain parang tense siya.
"Ah, so nagpplay siya sa UAAP" sabi ni Gab at tumango naman si Jolina sa kanya.
"Aria, can I borrow some clothes ba?" tanong sakin ni Jolina.
"Kuha ka na lang doon sa cabinet, magulo nga lang yung kwarto ko" Tumayo naman agad siya, at nilagay yung pinagkainan niya sa lababo. Dumiretso na agad siya sa kwarto at bumulong naman ito si Gab.
"Paano mo naging kaibigan yon? Bet mo lang yon eh" bulong niya sakin
"Gago ka wag ka nga maingay d'yan" sita ko maman sa kanya at siniko to.
"Gusto mo nga yon?" tanong niya
"Happy crush" maikling sagot ko habang kumakain.
"Happy crush, sus dati ako happy crush mo ngayon iba na" Natatawa niyang bulong sa akin.
"Tangina nito, hindi ka maka-move on beh?" Natawa din ako sa tawa niya. Kabatch ko lang rin ito si Gab, sa UST nga lang siya kaya siguro dito sa España niya naisipan magdorm eh ako medyo malayo pa dito.
Nagligpit naman ako ng pinagkainan namin, para makapaghugas na. Tinulungan naman ako ni Gab iayos ito. Habang naghuhugas ako yumakap naman si Gab sakin.
"Tangina nito oh, ang kulit" sabi ko sa kanya
"Gagi Iya, feel ko bet ka non" bulong niya naman sa akin
"Nino?" casual na tanong ko.
"Nung Jolina, Gago ka para akong lalamunin ng buhay e" Hay nako, Gab wag mo ko bigyan ng mixed signals.
"Gaga, straight yon!" sabi ko sakanya. Ito naman gaga na ito hindi natapos kabulong sa akin ng chismis. Narinig namin na may bumagsak na something kaya napalingon kami. Ang sama ng tingin ni Jolina samin dalawa.
"Iya, uwi na ko. Baka di na ko makalabas ng buhay dito" Bulong niya sa akin tumango-tango naman ako habang tumatawa.
"Ingat ka beh, malayo pa uuwian mo" sabi ko sa kanya.
"Jolina right? Uwi na ko. Ingat ka kay Iya nangangagat yan" Tumango naman si Jolina at binato ko siya ng kung anong madampot ko.
"Lumabas ka na nga dito, kung ano ano na naman lumalabas sa bibig mo Gabrielle!" sabi ko sa kanya.
Lumabas naman na agad si Gabrielle, at sinara ang pinto. Pumunta naman ako sa pinto para ilock ito.
"Kamusta naman yung interview mo?" tanong ko
"Okay naman, mabilis lang rin" casual at cold na sagot niya sa akin
"Ahh, May prob ka ba Jols?" tanong ko ulit sa kanya. Umiling naman siya.
"Akala ko jowa mo yon, yung Gab kanina" Nagulat naman ako sa sinabi niya at tumawa.
"Gagi, hindi. What if jowa ko nga siya?" Lalo nag-iba ang mood niya.
"Wala, natatakot lang ako mawalan ng kaibigan" sabi niya.
"Sus, di naman ako mawawala sa'yo! If magkajowa man ako magkasama pa rin tayo. Di mababawasan pagiging magkaibigan natin no" sabi ko
"Sana" yan lang sagot niya.
"Gusto mo ng beer?" tanong ko. Tumango naman siya nagbukas ako ng dalaang beer at inabot ko sa kanya yung isa.
Bakit naman natatakot tong si Jolina na magkajowa ako? Ewan, pero parang feel ko nagseselos siya sa gestures namin ni Gab, pero hindi. Straight siya.
BINABASA MO ANG
Chasing You (Jolina Dela Cruz FanFic)
Romance"I always choose you always and always. I always hoping one day you'll choose me the way I choose you. Pagod na pagod na rin ako, Jolens" - Aria Can Aria choose her over and over again, or she will choose herself and have the freedom she have?