I don't know what really happened to me. I've been so guilty by not saying what is all I feel. He's also informing me now kung saan man siya pumupunta pero hindi pa rin maalis sa akin ang mag-alala.
Naisipan kong pumunta sa kusina to help the helpers na rin sa mga gawaing bahay. Bagot na bagot na ako.
"Assalamu Allaikom, ano po bang pwedeng gawin dito?" tanong ko.
Ngumiti sa akin si Aminah. "Wa Allaykum Salam, Bai. Maaari mo bang samahan si Farah upang mamili sa palengk?" balik na tanong niya.
That got me excited. Finally, makakalabas na din ako. "Bamariyan? Daw i tuba?" tanong ko.
Translation: Mamalengke? Saan po 'yun?
Masayang lumapit sa akin si Farah. Batang bata pa lang siya. Siguro ay fifteen years old pa lang.
"Sa kabilang banwa lamang, Bai Jameela. Hayaan mo't sumama ka na lamang sa akin upang ika'y makapamasyal din." masayang sabi ni Farah.
Nakangiti akong tumango sa kanyang sinabi.
Naglakad lang kami papunta sa palengke na kanilang sinabi. Hindi na rin kami nagpasama sa mga tauhan ni Malik. Malayolayo nga iyon gaya ng kanilang sinabi na sa kabilang banwa pa. Dumating kami sa isang daungan ng ilog.
"Farah, di ka pan. Ngin i bënggulan ta siya ba?" tanong ko.
Translation: Farah, teka lang. Anong gagawin natin dito?
She turned to me before she smiled. "Bagëra ta muna sa awang bago ta goma i paryan ba tu." she responded.
Translation: Sasakay muna tayo sa bangka bago tayo makakarating sa palengke na 'yun.
I really expected that walking can do it but now I'm wrong.
Sumakay na kami sa bangka. Medyo umalog pa ito kaya't muntik na akong matumba. Inalalayan naman ako ni Farah.
"Farah, malayo pa ba?" tanong ko.
Tumawa siya ng bahagya. "Malapit na po tayo. Hindi ka man lang lumalabas, Bai. Sariwang hangim talaga ang dapat mong nalalanghap. Sa murang edad mo ay ikinasal ka na kaagad kay Datu Malik. Hindi mo man lang nasulit ang bawat sandali na iyong pagkabata." sagot nito.
Ngumiti ako sa kanya.
Hindi ko din naman alam kung anong isasagot ko. The Jameela in this days is really like me. I want to explore the moment of being young, of being a student with my friends but my father really want me to marry.
"Hindi ba't sabi mo ay sa kabilang banwa pa ang palengke o pamilihan na iyon?" tanong ko.
Tumango siya. "Opo, sa kabilang banwa nga ito sapagkat doon ay maraming mga mabibili. Sa ating pamilihan kasi ay kokonti lamang. Napakaganda talaga ng pamilihan ni Datu Alimasig-"
"Ano?" gulat na tanong ko.
Nagulat din siya sa akin. "Bakit, Bai? May mali ba sa aking na sabi?" kunot noong tanong nito.
I shook my head. "Wala. Ang akin lamang ay sana'y nagpasama tayo sa mga kalalakihan."
She looked away. "Tayo'y lumbas muna na walang bantay, Bai Jameela. Inshallah, sa patnubay ng Allah. Walang mangyayaring masama sa atin." sagot nito.
Dumating na nga kami sa daungan ng banwa ni Datu Alimasig. Maraming mga bantay and they really looks alert. Pagbaba pa lang namin ay may mga napapatingin na sa akin. I really looks brave but deep inside I'm pretty sure that I'm scared.
Dinala ako ni Farah sa mga pamilihan ng mga tela. Napaganda ng mga tela dito. Isa sa mga hindi ko inaasahan.
"Bibili ka ba?" tanong ko.
Ngumiti siya sa akin. "Ipaggagawa ka raw ng damit ng aking ina." sagot nito.
Nagulat ako sa sagot niya. Ngayon lamang ako makakatanggap ng isang regalo sa panahong ito. Namili na kami doon bago kami pumunta sa pamilihan kung saan ay puno ng mga hijab. May mga disenyo rin dito ng hijab at ang iba ay may mga kwintas, mga pulseras, mga hikaw at iba pang mga palamuti.
Habang kami ay namimili ay nagulat ako dahil may biglang humawak ng aking kanang kamay. Napatingin ako sa aking gilid at nakita ko si Malik. May isinuot siyang pulseras sa kamay ko. Bagay na nagpangiti sa akin.
"Asus," medyo tinulak pa ako ni Farah.
Ngumiti ako. "Bakit ka nandito?" tanong ko.
"May ibinigay na misyon sa akin si Datu Alimasig kaya ako nandito ngayon." sagot niya.
My smiles fade. I really don't want what is he's doing. Binayaran na rin niya ang kinuha niyang pulseras.
"Pasensiya ka na. Kailangan talaga." malungkot na sabi nito.
I sighed. "Mag-iingat ka," sagot ko.
Kinuha niya ang mga pinamili namin ni Farah at ipinabuhat niya ito sa kanyang mga kasama habang ako ay sinamahan si Farah na mamili.
Kalaunay nagpaalam na rin si Malik sa amin dahil marami pa raw silang gagawin. Pagkatapos naming mamili ay naisipan na rin naming umuwi. Inabot na rin kami ng tanghali at narinig na rin namin ang Adhān or praying call.
Habang kami ay pasakay na ng bangka ay may lumapit sa akin na isa sa mga tauhan ni Datu Alimasig.
"Kanina pa tayo'y naghahanap ng isang marikit na dalagita upang ialay kay Datu Alimasig ngunit narito lang pala ang ating hinahanap." sabi ng isa sa kanila.
Napatingin ako kay Farah at bakas sa kanyang mukha ang takot.
"Saan sa dalawang ito ang ating kukunin?" tanong ng isa sa kanila.
Hinawak ako ng lalaking lumapit sa akin kanina at napapikit na lamang ako.
"Bagot na bagot na ang aming Datu. Ialay mo na ang iyong katawan sa aming Datu." sabi nito.
"Bai Jameela!" hinawakan ako ni Farah at ako'y kanyang hinihila.
"Manahimik ka! Gusto mo bang ikaw ang aming kunin?" sigaw niya kay Farah.
Lumandas ang luha sa mga mata ni Farah. Batid kong takot na takot na nga siya and even me. I'm so scared by the fact na para bang hindi ko kayang lumaban ngayon dahil pinalibotan na rin kami ng marami sa kanila at natatakot ako sa kung ako mang gagawin nila kay Farah.
"Makakayanan niyo bang dakpin ang isang babaeng may kabiyak na?" matapang na tanong ko.
Tumawa ang unang lalaking dumakip sa akin. "Kahit may mga anak ka pa. Ika'y aming dadakpin sa ayaw mo man o sa hindi." sabi nito.
I heard a sound of sword and I saw Malik. "Walang hahawak sa aking asawa..."
__________
Author's Note;
Hindi ko po alam pero kinikilig ako sa galawang Malik ehe!!!! Balakayojan basta kinikilig ako.
BINABASA MO ANG
Lighten the Darkest Past (Ongoing)
Historical FictionJameela Ferdaus, isang simpleng dalaga na nakatira sa Maguindanao. Sa kagustuhang makapagtapos ng pag-aaral ay naglayas siya nang magpasya ang kaniyang ama na siya'y ikasal. Sa hindi malamang pagkakataon habang ibinubuhos niya ang mga luhang nag-uun...