Tahimik at mahiyain kasi ako, kaya nahihiya talaga akong sumayaw, pero kailangan ko itong gawin para sa grades.
Unang pinasayaw ang mga lalaki. Paulit-ulit silang nagkamali at ilang beses din silang pinagalitan ni sir kasi ang kukulit nila. Kami rin, natatawa sa mga kalokohan nila.
Kami naman ang pinatayo. Kahit ayoko, tumayo ako. Pero bago magsimula ang kanta, napatingin kami sa kabilang side ng court kung nasaan sila Killian, na mukhang nagpapractice din.
"Galingan mo, Shae!" sigaw ni Uno sabay palakpak kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Close kami ni Uno, kaya minsan, na-iissue ako sa kanya. Minsan pa nga, sinasabi ng iba kong kaklase na baka raw boyfriend ko na si Uno? Wtf? Todo kasi ang support niya sa akin. Pati si sir ay napatawa na rin kaya napayuko na lang ako sa hiya.
Hindi ko tuloy maiwasang mainis kay Uno dahil sa eksena niya. Nakakahiya talaga! Napatingin ako sa direction nila Killian at nagulat ako nang makita ko siyang nakatitig sa akin.
Nagsimula na ang sayaw namin, at may part sa video na kailangan mong gumiling. Hindi naman ako marunong masyado, kaya gumiling na lang ako sa abot ng makakaya ko para matapos lang ang pesteng sayaw na 'to.
Pagkatapos ng sayaw, asaran na naman ang mga lalaki kaya lalo akong nahiya. Hindi ko alam kung ano ang itsura ko kanina kaya 'di ko rin alam kung mukha ba akong tanga sa ginagawa ko.
Pinagpahinga muna kami saglit bago kami ulit mag-practice. Wala akong dalang tubig, kaya nagpasya na lang akong umupo sa isang upuan. Habang pinupunasan ko ang pawis ko, napansin ko ang isang taong papalapit sa akin na may malaking ngiti, kasama si Reiko.
Umupo siya sa tabi ko at iniabot ang malamig na tubig na hawak niya. Tinanggap ko ito agad dahil sobrang uhaw ako.
"Salamat!" sabi ko, at ngumiti siya sa akin.
"Ang galing mo kanina," he said, kaya nag-iwas ako ng tingin dahil nahihiya ako, habang tumatawa silang dalawa ni Reiko.
"Hindi kaya!" tanggi ko, pero tumawa lang siya.
"Pero totoo, magaling ka nga," he said ulit, kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Tumigil ka nga! Nakakahiya kaya," sagot ko. "By the way, anong ginagawa niyo rito?" tanong ko at bumaling kay Uno. "Wala ka bang klase?"
Umiling siya. "Wala akong klase ngayon, so sumama na lang ako sa kanila," aniya, at tinuro ang mga kasama niya.
"Pero may kapalit na teacher, di ba? Bakit umalis pa rin kayo?" tanong ni Reiko habang kinuha ang isang tubig sa kamay ni Uno.
"Tinatamad ako." sagot niya, tila walang pakialam.
"Tamad mo," sabi ko, pero tumawa lang siya.
"Alam ko," sagot niya.
"Bakit hindi ka sumama sa kanila?" tanong ni Reiko, nagnguso sa mga kasama niya.
"Ayoko, nakakainip sila kasama," sagot niya.
"Ano naman? Wala ka rin namang gagawin dito. Kung bored ka, bakit hindi ka na lang pumasok sa klase mo?" Umiling lang siya.
YOU ARE READING
Enlightened The Dark (Escape Series #1)
Teen FictionEnlightened The Dark (Escape Series #1) How far would you go to reach someone who feels out of reach? Ilang awkward conversations at ilang pag-aalangan ang kakayanin mo? Ilang masasakit na titig ang titiisin mo para lang mapansin ka? For Azalea Shae...