•Prologue•

42 0 0
                                    

DISCLAIMER: THIS IS A WORK OF FICTION, EVERY INFORMATION IN THIS STORY HAS BEEN MADE BY THE AUTHOR'S MIND. ALL INFORMATION THAT HAS SOMETHING TO DO IN REAL LIFE IS NOT INTENTIONAL.

⚠️ WARNING ⚠️
PLAGIARISM IS NOT A CRIME BUT COPYING SOMEONE ELSE'S WORK WITHOUT THEIR PERMISSION IS PUNISHABLE BY LAW.

Date started: July 17, 2022
Date Completed: --

Enjoy reading y'all!!

---------------------------------------

Mona's POV

"Kamusta mahal? Happy Birthday. Masaya ka ba dyan ngayon? Pinapanood mo ba ko ngayon? Paramdam ka naman sakin oh." Umiiyak na sambit ko habang hinihimas ang lapida ng taong pinakamamahal ko.

Angelo Peter Madrigal

Oct 13, 1997 - June 17, 2021

"You're always in our hearts"

Patuloy ako sa pag iyak habang dinadama ko ang bawat sandali ko dito sa sementeryo.

"Pangalawang birthday mo na to na hindi kita kasama. Masakit para sa aming lahat pero kinakaya ko." Patuloy ko.

"Kung pwede lang bumili ng buhay, baka kahit maghirap man tayo ay bibilhin ko yon lahat makasama ka lang ng matagal." Mugto na ang mga mata ko sa kakaiyak. Hindi pa din nag sink in sakin na wala na sya.

Habang umiiyak ay nararamdaman ko na ang unti unting pagpatak ng ulan sa balat ko pero mas pinili kong manatili sa tabi ng nitso ni Angelo kesa umalis.

Habang lumalakas ang tulo ng mga luha ko, ay sya ding paglakas ng buhos ng ulan. Nababasa na ako ngunit wala akong pakialam.

Ilang minuto pa ang lumipas nang hindi ko na maramdaman ang pagpatak ng ulan sa balat ko.

Hindi dahil sa tumila na ito kundi dahil may nagtapat ng payong sa ulo ko.

Hinarap ko ang lalaki at ganon nalang ang gulat ko, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa nakikita ko ngayon.

ANG ASAWA KO.

"A-angelo?" Nangingiting sambit ko habang nakatitig ako sa mga mata nito.

S-siya nga, a-ang asawa ko.

------------------------

please like and vote for my story:>

lovelots

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 23, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Glimpse of usWhere stories live. Discover now