"How old is he? " si Brion na nakatitig pa din sa anak ko.


Naisip niya ba na magkamukha sila ng anak ko kaya ganyan siya makatingin kay Braxx?



Tumikhim ako para alisin ang bara sa lalamunan ko bago magsalita "Five years old"



Tumango siya. Pero nakatingin pa din kay Braxx na kanina pa nakakapit ng mahigpit kay Cohen.



"Momma why does he looks so familiar?" tanong ni Braxx at tinuro pa si Brion.



"What do you mean baby? " tanong ko sa kanya



"Nakita ko po siya sa magazine na nasa closet at sa may vanity mirror niyo po. "




What the hell?! Alam ko wala akong dalang magazine ni Brion ng umuwi kami ng bansa!




"Baka kamukha niya lang baby " ani Cohen.




"I'm sure it's him po Dada" pamimilit ni Braxx



"Do you know how to read kiddo? " tanong ni Knoxx.



"Of course, Asshole! " pabalang na turan ni Cohen.



"Did you read the name of that guy in the magazine? " si Rowan na mukhang interested sa pinag uusapan.




"ahh.... Brion Zac Sloan po ang nakalagay dun sabi ko po gusto kita maging daddy kasi po rich ka para di na mag work si Momma at may time na po siya sakin" halos maiiyak na sabi ng anak ko na kaagad siniksik ang sarili sakin.



Sabay sabay naman silang nag Aww maliban kay Brion na seryoso pa ding nakatingin sakin at sa anak ko. Namin.




"Baby how about your Dada Cohen ayaw mo ba sa Dada mo? " tanong ni Sven na kaagad nakatanggap ng batok galing kay Cohen.




Cohen mouthed 'fuck you' to Sven and even raised his middle finger at him. This brute is so immature!





"Gusto po, pero gusto ko ng totoong daddy"




Madramang sinapo ni Cohen ang dibdib niya at nagkunwaring nasaktan ang gagu. " Am I not enough son? "




"Bantot !"




"Tangina bakit ko ba naging kaibigan to? "




Kanya kanyang reklamo sila dahil sa itsura ni Cohen na mukhang natatae. Pero nanahimik din ng magsalita si Brion.




" You want me to be your Dad? " tanong niya kay Braxx na kaagad naman tumango ang huli.




"Braxx anak" saway ko dahil baka anong isipin nila na baka tinuturuan ko ng masama ang anak ko.





"But I'm not your real Father" ani Brion.





Napalunok ako sa sinabi niya, si Cohen naman ay pasimple akong tinapunan ng tingin. "Anak hindi mo dapat gawin yun, hindi porket mayaman ang tao gagawin mo na siyang daddy"





"Sorry Momma"





"It's okay baby but don't do it again okay? " kaagad naman siyang tumango kahit naka siksik pa din sa leeg ko ang mukha niya.





"Cohen aalis na ako medyo late na ako eh, ikaw muna bahala sa kanya ha? " inaabot ko na sa kanya si Braxx na nakatingin pa din sa kay Brion.





"Go, ako ng bahala sa kanya" turan niya at dinala na si Braxx sa swivel chair niya at binigyan iyon pang business na libro.





Gago talaga.




"Basahin mo yan Braxx ikaw ang mamahala ng business ng Daddy mo pag malaki ka na! " lumaki naman ang ngiti ng anak ko ng marinig ang sinabi ni Cohen. Bwisit ka mamaya ka sakin.





Nagpaalam muna ako sa kanila bago lumabas at tinext si Brianna na sunduin na ako. Bibili kami ng regalo para kay Tita since birthday niya na sa Sunday.





"Hey! Kuya is acting weird you know! Kanina pa ako tinetext kung close pa rin daw ba tayo simula nung umalis ka" kaagad na reklamo niyang sunduin ako.





Kumunot ang noo ko " Bakit daw? "





" Sabi ko oo close tayo tapos nung tinanong ko kung bakit sabi niya randon stuffs lang daw"





"Nagkita na sila ni Braxx kanina" biglang napahinto si Brianna kaya halos mauntog ako sa dashboard ng sasakyan.





"What the hell! Balak mo ba akong patayin?! " inis kong sigaw sa kanya buti na lang nag suot ako kaagad ng seat belt kanina!





"Sorry sorry..... Nagulat lang ako ng sabihin mong nagkita na sila! Maybe kuya is curious about Braxx kaya nagtanong ng nagtanong sakin kanina"






Naghihinala na ba siya? Pero di ba si Titiana ang kasama niya ng magising siya at wala akong iniwan na bakas bago umali-




Oh shit!!! Yung bracelet na bigay ni Brianna sakin nung graduation ko! Di ko na iyon mahanap ng umuwi akonsa condo naming apat, hindi kaya na kay Brion yun ?





I'm doomed!

The Billionaire's SonWhere stories live. Discover now