Napatingin ako kay Asra nang tumayo siya at lumapit sa rootop edge, nakita ko nang ilabas niya ang camera at umastang kumukuha ng angulo. Matapos niyon ay sunod-suno na film ang lumabas, saka niya 'yon pinagpag. Nahulog 'yung isa kaya dahan-dahan siyang umupo pababa para kuhanin yon.

Pero kasabay ng pag-upo niya ay ang tuluyang paglubog ng araw sa kalangitan, tuluyang dumilim at dahan-dahan namang nagsilitaw ang mga bituin. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at nag-iwas ng tingin dahil sa naisip.

"A- ay sorry. Asra, oras na..." boses 'yon ni Callee na galing sa likuran ko. Hindi ako humara do'n at diretso lang tinignan si Asra na inaayos na ang mga film sa blouse pocket niya.

"I'll help you with this," natigil naman ako sa boses ni Martle. Tumango lang ako sakaniya at nag-umpisa na siyang maglampin sa lamesa, nakita ko pa ang paghihintay ng dalawang babae malapit sa pinto. Napatitig ako kay Asra nang makita siyang inaayos ang bandana niya at pinagkikiskis ang mga palad niya.

Dahan-dahan kong inalis ang knitted cardigan ko at lumapit sa kaniya, saka 'yon isinabit sa balikat niya. Nagulat siya pero kalaunan ay ngumiti, ngiting hindi umaabot sa mga mata, ngiting bitin. Ngiting may dinadalang sakit, lungkot.

"Are you okay?" Tuluyan akong lumapit at tinignan siya mula sa paa hanggang ulo tsaka ko hinawakan ang palad niya. "Asra?"

Nang tignan ko siya ay nakatitig lang siya sa'kin, kaunti siyang nakangiti. Humigpit ang hawak niya sa palad ko kaya napatingin ako do'n tsaka lang tumingin ulit sakaniya.

"Ang gwapo mo," bulong niya, napatitig ako sa mga mata niyang kumislap dahil sa mga luha niya. Yumuko siya para punasan 'yon saka natawa ng mahina. "Ang gwapo gwapo mo, Matthah..."

Sinabi niya 'yon ng puno ng emosyon, sensiredad. Nakakatakot tanggapin dahil baka iyon na ang huli...

Hinaplos niya ng pisngi ko saka siya biglang yumakap sa leeg ko, sinuklian ko siya ng mas mahigpit na yakap. Ipinalupot ko sa beywang ang kamay ko at sumubsob sa balikat niya at doon hindi natiis ang kanina pang emosyon.

Tuloy-tuloy ang luhang pilit na kumakawala kanina sa mga mata ko ngunit pinipigilan ko, pero ngayon. Kusa silang kumawala at pinuno ang buong mukha at balikat ni Asra, tahimik ang mga hikbi ko at tanging kaming dalawa lang ang nakakarinig.

"Asra,"

"Mm?" Kasabay ng sagot niya ay ang mahinang pagtapik niya ng paulit-ulit sa likod ko.

"I love you. And I will love you, despite all the uncertainty." Sinabi ko 'yon ng puno ng hangin, pero alam kong narinig niya dahil matunog siyang ngumiti.

If I could redo my life, I would make sure I'll meet you again and we will had all the time we wanted. Naramdaman ko ang baba niya nang ipatong niya 'yon sa balikat ko, ang mga mata at ilong niya ay nakadikit sa leeg ko.

Ramdam ko ang mga luhang lumalabas sa mga mata niya dahil dumidiretso 'yon sa leeg ko.

"Thank you, thank you for understanding." Pumikit lang ako at tahimik siyang hinintay. Matapos ang ilang minuto ay dinampian niya ng halik ang leeg ko bago kumawala sa pagkakayakap.

"Tara na? Sasama kaba Matthan?" Si Martle ang nagtanong no'n habang inaayos ang sumbrero ni Callee, tumingin lang ako kay Asra na pinaglalaruan ang bracelet ko saka tumango. "Good,"

Bumaba kami mula sa rooftop hanggang sa 3rd floor dahil doon gagawin ang chemo ni Asra, hindi naman naghihiwalay ang mga kamay namin hanggang sa makalapit kami sa Mama niya, ngumiti lang siya at kumuha ng wet wipes para hilamusan muna daw si Asra bago mag undergo ng therapy.

They slowly wiped the thin make up I was seeing as her natural look, she's pale. Napatango ako at napatakip ng bibig nang dahan-dahang alisin ang bandana at maraming hibla ng buhok ang sumama doon. Nakapikit lang si Asra habang sina Doc, Tita, at Mama ang gumagawa ng paghihilamos sakaniya.

Napatulala ako nang makita ang mga namumulang mga tila tuldok sa katawan niya. Sobrang iksi na rin talaga ng buhok niya at sobrang nipis, mas lalo na ring naging visible iyong collar bone niya, nangingitim maski ang ilalim ng mata. Kumibot ang labi ko nang makita siyang sumimangot sa naramdamang sakit nang may itusok sakaniya si Doc. Trish.

She's still beautiful, naramdaman ko naman ang paglapit ni Callee sa'kin.

"Nakahanap ka ba ng heart donor?" Tumingin ako sakaniya pero kay Asra siya nakatingin, nakikita sa mga mata ang awa at kagustuhang yumakap sa kaibigan pero maging siya ay bawal lumapit.

Umiling ako at ibinalik ang mga mata kay Asra. "Wala na rin naman akong pag-asa."

Narinig ko siyang bumuntong hininga kasabay ng pagtapik sa likod ko.

"You became a life to Asra, Matthan. You became her lifeline. Became her water in a dry field of flower." Tumingin siya sa'kin nang may malamlam na mga mata. "Please, Don't cut it. Be your own lifeline, be your own water in your dry field flower."

Umiling ako at bitin na nakangiti habang nakatitig kay Asra na hinihiga na ngayon sa higaan, bumuntong hininga ako at naglakad papalapit sa malapit na upuan at umupo doon.

Tsaka inayos ang IV ko at napatitig sa mga paa ko. Hanggang doon ay nakikita ko ang mukha ni Asra, ang nahihirapan niyang mukha. Nakagat ko ang labi ko at natakpan ang mukha  sa mga palad ko.

Asra, believe me. If you die today, I'll die tomorrow. My love, believe me...

---

Midnight LoveWhere stories live. Discover now