Pero bago pa man ako sumagot ay lumapit si Kallum at kumaway sa cellphone ko. "Hi, bro."

"Shit!" malutong na mura ng kapatid ko mula sa kabilang linya. "Stay in your room, Seffie. Lock your door." utos niya.

"Hey! I'm not a criminal, bro. Don't over react. It's humiliating." natatawang sagot ng kaibigan sa kanya. Oo nga naman. Naalala ko tuloy bigla noong sinamahan niya ako sa café.

Bakit nga ba ako napaparanoid eh kaibigan naman siya ni Choy at mukha namang harmless siya, sadyang mayabang lang talaga.

"Wait until I get there and you'll see." pagbabanta niya rito. Napapaisip tuloy ako kung talaga bang magkaibigan sila at bakit ganito ang turingan nila sa isa't-isa.

Nagmistula ata akong tagahawak ng cellphone para sa pagtatalo nila.

"Thank you for asking me to wait for you, brother. That is so sweet." sarkastikong sagot nito at bumalik na sa sala para manood ng TV na siya rin ang nagbukas. Napakapakialamero talaga.

"Hey." pukaw niya sa aking atensyong nakatuon kay Kallum. "I'm sorry. I forgot that he had a spare key and he knew the password. Damn!"

Dahil alam kong umiiral na naman ang pagiging over protective niya ay nginitian ko siya. "It's fine. Pauwi ka naman na, 'diba? Don't worry about me."

"I'll be there in fifteen minutes. Stay in your room still."

"Ang damot mo, bro!" sigaw ng kaibigan dahil naka loudspeaker ako.

Natawa ako at alam kong nakita ni Choy iyon. "I'll be fine. Be safe."

"Fine. Call me when he's doing stupid things there."

"Grabe naman 'yon!" side comment na naman nitong isa.

"Yes sir!" natatawang sabi ko at nag salute. Hahaha! Cute.

Nang maputol ang tawag ay muling nabaling ang atensyon ko sa kanya. Prenteng nakahilata sa sofa at talagang nakapatong pa sa lamesa ang paa.

"Ano bang pinapanood mo talaga?" tanong ko dahil palipat-lipat ang channel sa kawawang TV at halos gawing joystick ang remote na hawak niya.

"Ikaw."

"Huh?"

"Pinapanood kita sa isip ko." ano raw? "I can say that you're way better now than the last time I saw you." tinutukoy niya siguro iyong araw na nakita niya ako sa café.

"Speaking of..." ani ko nang parang may bombilyang nagliwanag sa isip ko. "Are you stalking me?"

Bahagya siyang tumawa at pinatay ang TV. Tumayo siya at hinarap ako dahil simula kanina ay nanatili ako sa pwesto ko. "Sort of?" aniya.

"Seriously?"

"Haven't Choy told you why?" saglit akong natigilan. Inisip ko kung nabanggit na nga ba sa akin ni Choy ang dahilan.

Mayamaya ay biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang humahangos kong kapatid.

"You!" aniya na kay Kallum nakatutok ang paningin. "Who the hell told you to come without any notice you freaking jerk?!" ibinaba niya ang dalang gamit at sa pagkakataong ito ay papalapit na siya rito.

"My bad." tipid namang sagot nito sa kanya, pero laking gulat ko nang bigla silang magwrestling sa sofa! Shocks!

Ibinalibag siya ni Choy kaya gumanti siya. Kawak nila ang kwelto ng isa't-isa ngayon!

"Ano ba?!" sigaw ko dahil sa gulat at pagkataranta.

Lumapit ako sa kanila pero bago ko pa man sila maawat ay bigla silang tumawa at niyakap ang isa't-isa.

BEHIND HER WHYSWhere stories live. Discover now