sa bahay ka muna magstay para maayos ang buong place mo.

w-what?no,hindi na,hindi kaya ng isang maid lang ang gagawa ng pag aayos dito,sige na umuwi na kayo,salamat.

nilabas nya bigla ang phone nya habang hawak hawak nya padin si gab sa isang kamay,nakahawak nadin si gab sakanya kaya napangiti ako ng simple.

hello,kailangan ko ng limang maid,ngayon din ay tapusin lahat ng gawain sa itetext kong address.

nakanganga lang ako habang nakatitig kay ken dahil sa mga pinagsasabi nya,grabe boss na boss ang datingan nya,ang astig nya na medyo nakakatakot.

pagbaba nya ng phone nya ay hinila nya na si gab palabas ng unit ko,nung dumaan sila sa harapan ko ay nilahad ni gab ang kamay nya sa harapan ko kaya agad ko iyong hinawakan at sumunod nadin sa kanila.

tahimik lang kami sa loob ng elevator,tinitingnan ko si gab at ken,nakatingala si gab kay ken at titig na titig dito pero nang biglang yumuko si ken at tiningnan si gab ay mabilis na umiwas si gab dito,nakita ko ang ginawang pagpipigil ni ken ng pagngiti,tsk!tsk!may something talaga e,alam na alam ko.

bago lumabas ng building ay sinuotan pa ni ken si gab ng facemask na ikinakilig ko nanaman,ano ba yan,bakit ba iba ang kilig na nararamdaman ko kapag sa kanilang dalawa?kainis.

magkahawak kamay lang sila habang patawid kami sa building nila,napakadami naming kasamang body guard,kung hindi nga kilala sila ken at gab ay siguradong aakalain na mga sikat na artista sila sa dami ng tauhan,pero kilala naman kasi talaga ang pamilya nila pareho kaya dapat lang na may mga kasama sila na tauhan,at isa pa madaming gulo na nangyari nung nakaraan sa pamilya nila gab,baka kaya nag iingat lang sila.

nang makarating na kami sa penthouse nila ay pagbukas palang ng pinto ay amoy na amoy na agad ang iba't ibang pagkain,ang daming pagkain sa dining,doon na kami dumiretso,magkatabi silang dalawa,ako naman ay nasa harapan nila pareho,nag umpisa na kami kumain si gab ay dirediretso nanaman sa pagkain,ganun talaga siya kung kumain para siyang hindi babae,hahaha.

mmm,why ang daming food ngayon ken?diba you don't know naman na kasama natin sa dinner si queenie,but kahit naman kasama natin siya its super dami padin.

grabe isa lang naman ang tinanong nya ang dami dami nyang sinabi,ganyan na pala siya kadaldal sa harapan ngayon ni ken?

this is our first month together.

omg!together,first month nila together,waaahhh bakit naman kaya kailangan pa icelebrate yon?tsk!talagang may something na sa dalawang 'to.

ilang beses namang napaubo si gab nang sabihin iyon ni ken kaya nataranta si ken sa pagbibigay sakanya ng tubig,tiningnan ko si gab,namumula ang pisnge nya kaya hindi ko napigilang matawa ng mahina.

tsk!dahan dahan naman kasi sa pagkain.

k-kasi you ang may fault why i'm nabulunan e.

tsk!anong?bakit ako nanaman?

k-kasi you said na t-this is our f-first month pala t-together e.

oo nga,o tapos?

i-it means ba na,para s-satin ang
l-lahat ng f-food?

yes,kaya nga sabi ko sayo umuwi ka before dinner diba?

hays,k-kasi my heart e.

what about your heart?

mmm,m-my heart is malakas ang pagbeat.

kinagat ni ken ang ibabang labi niya ng sabihin yon ni gab,natawa ako kaya bigla silang lumingon sakin pareho kaya mabilis akong umiwas at yumuko.

Unang BesesWhere stories live. Discover now