Hindi makasagot si Rian. Nakatikom lang ang kaniyang bibig at kinakamot ang kaniyang batok. Nag-iba ang atmospera ng club room at ang lahat ay inaabangan ang kaniyang sagot.
"May problema ba, Thalia, kung pinagluto niya ako ulit?" tanong ko.
"Wala naman. Gusto ko rin sanang makikain sa susunod na ipanluluto ka niya," wika niya habang nakataas ang kaniyang kaliwang kilay.
I heard Rian sighed slowly. "Sumama ka sa amin mamayang pag-uwi. Magluluto ako."
"Oh really? Thank you, Rian. Mas gusto ko kasi talagang kumain ng lutong-bahay kaysa sa kumain sa labas. Who knows na baka dinuraan ang in-order kong food hindi ba?"
I nudged Rian and gave her an I don't agree with that look. She just held my arm to control me from spitting the words.
"Kami ba? Hindi mo kami iimbitahin?"
Dumako ang tingin ko kay Michael, nakaupo siya sa tabi ni Anne at Catherine. Sa tabi naman ni Catherine ay si Katrina na mariin ang tingin sa kamay ni Rian. Lahat sila'y nag-aabang sa isasagot ni Rian.
"Sumama na rin kayo," wika ni Rian.
Naghiyawan ang lahat, maliban kay Katrina na abala na sa kaniyang phone.
"Okay, hihintayin kong matapos ang klase niyo," Thalia said before she exited the club room.
Magkatabi kami sa upuan ni Rian. Mayroong mga papel na nakapatong sa harapan niya at binabasa niya nang masinsin ang mga iyon. Kinuha ko ang isang kamay niya na nakapatong sa kaniyang hita. Yumuko ako at hinalikan iyon, saka ko pinagsiklop ang aming mga kamay.
I didn't see any changes in reaction on her face, but I could feel her tightening her grip on my hand.
"Ahem!" Katrina coughed.
I looked at her and saw her looking into my eyes and then at the table.
Ngayon ko lang napagtantong salamin nga pala ang mesa nila kaya kitang-kita niya ang aming kamay na nakasiklop.
"We're dating."
Napatingin silang lahat sa biglaang pagsasalita ko. Maging si Rian ay napatigil sa pagbabasa niya.
Itinaas ko ang kamay naming dalawa ni Rian upang malinawan ang iba naming kasama sa sinabi ko. "She's my girlfriend."
Their jaw-dropped open, the silence enveloped the room.
"Paano?" tanong ni Catherine.
"Talaga?" sunod na tanong ni Anne.
"Kailan pa?" dugtong ni Katrina.
Hinila ni Rian ang kaniyang kamay. Yumuko siya at saka ako kinurot sa bewang. Wala namang masama sa sinabi ko. Mukhang nabigla lang siya dahil agad kong pinalaam sa kanila. Mas mabuti nga iyon, para malaman din ng ibang schoolmate namin at hindi na sila magbalak pang manligaw kay Riam.
Napagdesisyunan ko na ako na lang ang sasagot sa kanilang mga tanong. "Hmm...ka-"
"Sinong nanligaw?" singit ni Michael.
Seriously? Iyon pa talaga ang pumasok sa isip niya para itanong?
And how do I supposedly answer that question? Of course, I wouldn't tell them I courted Rian with my kisses. Baka isumpa niya ako kapag sinabi ko iyon.
"Hindi ba nag-propose na manligaw sa'yo si Lucas kahapon?" usisa ni Cath.
"Oo, pero hindi ako pumayag," saad ni Rian.
"Dahil kayo na ni Dylan?" kinikilig na tanong ni Anne.
"Mukhang hindi pa sila noong nakatanggap siya ng proposal. Kagabi kasi pumunta ako sa Lexus bar at nadatnan kong naglalasing si Dylan. Broken-hearted pa nga iyan e pero umalis din siya noong sinabi kong nakapag-move-on na si Rian kay James-"
BINABASA MO ANG
Hold on to the Bare Minimum
RomanceSi Dylan Torres ay isang License Professional Teacher (LPT). Nagtuturo siya sa isang public school at maging sa isang private university kung saan tinuturuan naman niya ang mga kolehiyo. Aakalain na sobrang passionate niya sa pagtuturo dahil binubuh...
Kabanata 27
Magsimula sa umpisa