"It's okay." aniko sa crew at ngumiti naman siya ng maliit.
"Sorry sir baka po kasi mawalan kayo ng gana." anito at tumango naman ako, naiintindihan ko siya dahil may mga customer talagang maaarte.
"I'll buy again same as my order and give it to him, mukhang hindi pa kasi siya kumakain." aniko at nagbigay ng pera sa kaniya, gulat naman niyang tinggap ito.
"Ang bait niyo sir, sige po." anito at tumango lang ako, sinenyasan ko ang bata sa labas na maghintay siya at nakakunot lang ang noo niya sa akin.
Ever since naaawa ako sa mga batang kagaya niya, hindi man ganiyan ang buhay ko noon pero naranasan ko ang magutom at maghirap, may nag-alaga man sa amin noon nung mawala si mama pero pinahirapan naman kami ni Stephy.
Nang lumabas ang crew at ibinigay sa bata ang pagkain ay may malaking ngiti itong tumingin sa akin, kahit hindi siya nagsalita ay kita ko ang pagpapasalamat sa mata niya kaya ngumiti ako sa kaniya, lumapit siya sa ibang batang kasama niya at hinatian niya ito, gusto ko pa sanang um-order ng pagkain para sa kanila kaso nakita ko namang sapat na sa kanila yung pagkain kaya pinagmasdan ko na lang sila.
"How kind of you."
Napabaling ako sa nagsalita sa tabi ko at kaagad na nawala ang ngiti sa labi ko ng makilala siya, kasama pa rin niya ang anim niyang body guard at nakita kong nakatingin sa kaniya ang lahat ng tao rito maliban sa ibang bata na busy sa pagkain.
Napasimangot ako sa nakangisi niyang mukha. Hindi ko gusto ang ganitong dating ng tao, para siyang nagyayabang kahit wala siyang ginagawa at sinasabi, his wealth is screaming, ang lahat ng suot niya ay mamahalin.
"What are you doing here?" seryoso kong tanong.
Umupo siya sa katapat kong upuan at nagsalita, "I just want to–" natigil siya ng magsalita ako.
"Did I give my permission to you to sit down in front of me?" nakakunot ang noo kong tanong sa kaniya na ikinatigil niya at nakita ko ang pagka-mangha sa mata niya saka lumabas ang nagmamayabang niyang ngisi.
"Sassy as ever." aniya kaya sinamaan ko siya ng tingin, "Anyway, I can sit wherever I want because I'm also a customer here, customer is always right, right?" tanong niya na ikinangiwi ko.
"Customer my ass, wala ka ngang binili." aniko.
"Meron naman akong kinakain." aniya at kinuha ang fries ko na ikina-awang ng labi ko.
"That's mine!" anas ko at tinangkang kuhanin sa kaniya yung fries ay bigla naman niyang inilayo ito kaya nainis ako.
"Oops! It's already mine." mapang-asar niyang sabi kaya nag-igtin ang panga ko sa inis sa kaniya kaya padabog kong kinuha ang coat ko at mabilis na naglakad palabas ng jollibee pero naramdaman ko ang pag-sunod niya.
Napalabi ako dahil sa inis at sinubukan na lang na hindi siya pansinin, titigil naman yan kapag nakitang wala akong pake-alam sa kaniya.
"Aray!" sigaw nito kaya napabaling agad ako sa kaniya na may pag-aalala dahil baka nasaktan siya, doctor ako at may magagawa ako pero agad na nawala ang pag-aalala ko ng makitang may ngisi siya sa labi habang nanguya ng fries.
"Fuck you, Mr. Mulford! Get off of my face!" nagpupuyos ang inis ko sa kaniya na tinalikuran at naglakad papasok ng hospital.
"Oh bakit ganiyan mukha mo?" bungad sa akin Ni Justine.
"May pesteng sumunod at umagaw lang ng fries ko." nakakunot ang noong sagot ko at nagtaka naman siya.
Natawa naman siya, "Bilhan na lang kita later, anyway, may pasyente ka, check up daw." aniya kaya tumango ako at nagpunta sa office ko at doon naman ako tumatanggap ng pasyente.
Pagdating ko roon ay nawala ang inis sa mukha ko ng humarap ako sa pasyente ko raw kuno, she's Allyson, my neighbor before and my crush, mas matanda siya sa akin at alam ko namang may asawa na ito pero hindi ko mapigilang hindi humanga sa babae dahil mukha parin itong bata but unfortunately she just see me as her younger brother.
I compose myself because I can't stop from smiling, "How may I help you, ma'am?" formal kong tanong na ikinatawa niya.
"Masakit ang ulo ko Doc, kailangan ko ng kiss!" pagbibiro niya kaya natawa ako.
"Dami mong kalokohan." naiiling kong sabi saka umupo sa swivel chair ko, "Anong meron at napapunta ka rito?" tanong ko sa kaniya at napangiti naman siya.
Ngumiti siya ng malaki sa akin at ipinakita ang isang papel, "I'm pregnant!" malaking saad niya na ikinangiti ko.
7 years na silang kasal ni Kuya Sunny at hindi pa sila nagkaka-anak kaya ngayong narinig ko ang balita niya ay natuwa ako, only child lang kasi si Ate Allyson at nang maging kapitbahay namin siya noon ng lumipat na kami ng bahay kasama ang tita ko ay itinuring niya akong nakababatang kapatid pati si Stephy pero nagka-crush parin ako sa kaniya.
"Congrats ate!" nakangiti kong sabi sa kaniya.
"Hindi lang iyan ang ipinunta ko rito, birthday ko na kasi sa sabado at iimbitahan kita, sa Safe Haven Café naman gaganapin." saad niya kaya napangiti ako.
"Sure! I'll be there! Advance happy birthday, ate." saad ko at ngumiti naman siya.
"Thank you! Oh paano mauna na ako, dumaan lang talaga ako para imbitahan ka." aniya kaya tumango ako at sinamahan siya palabas ng hospital.
Safe Haven Café.
A famous café, sa wakas may chance na akong makapunta sayo. Asawa ni ate Allyson ang may-ari ng safe haven café, si Kuya Sunny. Sobrang sikat ng café dahil sa ganda ng ayos Nito, ang instagramable kasi.
I mean may mga araw naman na pwede akong makapunta roon pero medyo malayo rin kasi rito sa hospital eh palagi naman akong may pasyente.
Naka-receive rin ako ng message kay ate kung anong oras ang party at mabuti na lang at gabi iyon dahil sa araw ang shift ko sa sabado, I put that event in my calendar para hindi ko makalimutan.
KrazyyyUno
BINABASA MO ANG
Lustful Gray World [BxB]
ActionThis is a story of Alexandrei Dash, son of Sebastian Kirby and Skyy Mulford, he's a grumpy and cruel mafia boss but a childish and cute when it comes to the guy named Stephen Axel, Stephen Axel who's now already a Doctor but he's sick, he's colorbli...
CHAPTER 3
Magsimula sa umpisa