Chapter 19: Forbidden Ability

Magsimula sa umpisa
                                    

Umiitim na ang bakas ng kalmot sa dibdib ni Zix. Nakita iyon ni Ziro kaya't agad niyang nilapitan ang kapatid at inalalayan papasok sa loob ng kanilang mansyon.

Habang sinusuong ang mga naglalabang bampira ay may mga sumusugod din sa kanila ngunit gamit ang abilidad na taglay ni Zix ay walang kaabog-abog niyang pinapatay ang mga ito.

"Don't exhaust yourself, bro. Malapit na tayo sa mansyon."

"Thanks, bro." Hinang hina na sagot ni Zix kay Ziro.

"I will never let you pass me."

Isang babae ang lumitaw sa harapan ng magkapatid. Hinaharangan sila upang hindi makapsok sa loob ng mansyon.

"It's Elektra." Mahinang banggit ni Zix sa pangalan ng babae.

"Stay still, bro. I'll finish this quickly."

"You can never be sure... Arrogant kid!"

Inangat ng babae ang dalawang kamay nito sa langit at mas kumulimlim ang ulap na nasa itaas nito bago bumagsak ang mga kidlat sa kaniyang katawan na mabilis niyang inihampas sa pwesto nila Ziro at Zix.

Masyadong maliksi ang kilos ni Elektra kaya't nabigong umiwas ang dalawa ngunit sa kabutihang palad ay nasangga ni Zolt ang kidlat ni Elektra.

May kakaibang enerhiya ang pumipigil sa kidlat upang dumampi sa katawan ni Zolt. Kaya naman, imbes na tumama ang mga ito sa katawan ng lalaki ay lumilihis ang direkyon ng mga ito at dumidiretso sa mga kalaban.

Alam ni Elektra na hindi niya kayang saktan si Zolt physically kaya naman ipinupuntirya niya ang bawat atake niya sa mga kapatid ni Zolt na siya namang sinasangga ng isa.

"I won't let you hurt them!" Galit na galit na inatake ni Zolt si Elektra at doon nga ay naglaban ang dalawa sa himpapawid.

Gustuhin man ni Ziro na tulungan ang kuya niya ngunit may tiwala siya na hindi basta-bastang magpapatalo ang kanilang kuya Zolt.

Nagpatuloy ang dalawa sa pag-iwas sa mga kalaban hanggang sa makapasok sila sa loob ng mansyon sa tulong na rin ng kanilang mga kasamahan.

Mabuti na lamang at hindi pa nainfiltrate ng mga kalaban nila ang mansyon dahil sa higpit ng pagkakabantay dito.

Dumiretso sila Ziro at Zix sa sala at doon ay pinahiga ni Ziro ang kapatid sa malaking couch.

Mabibilis na yabag ng mga paa ang sunod na maririnig mula sa hagdanan at ang nag-aalalang mukha ni Salvy ang bumungad.

"The fuck!?" Sabay na mura nila Zix at Ziro na ikinagulat ni Salvy.

"Wow! Thank you huh?" Sarkastikong tugon ng bata.

"What are you still doing here? Where's Zephyr?!" Histerikong tanong ni Ziro.

Sumunod na nagpakita si Zephyr habang umiiling-iling.

"Bro! Come on, what's the meaning of this?!" Sumbat ni Zix kay Zephyr kahit na hinang hina na siya.

"He refuses to go. Kanina ko pa siya pinipilit na tumakas na pero ayaw niyang sumunod sakin!" Frustrated naman na tugod ni Zephyr.

"Teka nga! Bago kayo mag-away dahil sakin, sabihin niyo nga muna... Anong nangyari sayo kuya Zix?! Sinong motherfucker ang gumawa niyan sayo?!"

Wala pang isang kisapmata ay nakalapit na sila Salvy at Zephyr sa pwesto nila Zix at Ziro.

Kitang kita ni Salvy ang marka ng kalmot sa dibdib ng kuya niya.  Amoy na amoy din ng bata ang mabahong amoy ng lason dito.

Akmang hahawakan sana ito ni Salvy ngunit agad siyang pinigilan ni Zix.

Vampire Daddy Series 1: Zilv De la VegaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon