CHAPTER 39: HEALING (Deniece Williams)

Magsimula sa umpisa
                                    


"Bakit mo ba 'to ginagawa, Mayor?" banas kong tanong.


"Kasi anak kita. Sabihan mo ako within this week kung gusto mo."


Tapos naputol ang linya.




Pucha naman, oh. Maayos na ako nanggulo pa.



>>> GIL PUYAT


Nag-text si Sheryl.


Hey Jay. I want you tonight. ;)


Napangisi ako. Matagal na rin pala kaming hindi nagkikita ni Sheryl. Mukhang mapapalaban na naman ako.


Magre-reply na sana ako, nang bigla akong nakaramdam ng hininga sa batok ko. Mainit. Amoy sabon.


Doon ko napagtantong parang hindi tama ang inisip ko.


Pero nag-text pa rin ako.


Rodney. Sabay ba tayo pupunta ng praktis? =)



>>> QUIRINO


May tumawag sa cellphone. Si Sonny.


"Napatawag ka?" pagsagot ko sa telepono.


"Hindi na tuloy ang praktis."


"Oh, bakit naman?"


"May sakit si Rodney. Hindi mo ba alam?


Parang may kung anong kirot akong naramdaman nang marinig ko iyon.


"Hindi ko alam."




Napaisip ako. Mukhang mapapaaga ang kitaan namin ni Sheryl kung sakali.


Makakarami kami malamang.


Pupuntahan ko ba si Sheryl?


Napaka-no-brainer ng sagot.




——————————————————————————————————————————————




>>> 5TH AVENUE

The Lightning Train CommutersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon