Nanlaki ang mga mata ni Keanna at mahinang sinuntok ang braso ni Cale. Kinunutan niya ito ng noo. "Hoy! Caleigh?"

"He's always teasing me," pagpapatuloy ni Keeva.

Cale frowned. "Slap him."

"Caleigh!" Nilingon ni Keanna si Keeva. "Keeva, kapag ganoon, tell Lucien na 'wag ka niyang aasarin or isumbong mo siya kay Tita Asia or Tito Julien. Don't hurt him. 'Wag mong gagawin ang sinabi ni papa na punch him in the face. Bad 'yon, 'di ba?"

Tumango si Keeva. "Yes po, mama. I'll talk to Tita Asia if Lucien teased me again," sabi nito at kinausap si Kyros tungkol sa excitement sa amusement park na pupuntahan nila.

Nilingon ni Keanna si Cale at gusto niyang matawa. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa daan at alam niya ang dahilan.

Ayaw nitong maisip na lumalaki na ang anak nila. Eight years old na si Keeva at kinatatakot ni Cale na sa loob ng limang taon, teenager na ito. Hindi handa, ayaw maghanda, at hindi raw maghahanda.

"Natatawa ako sa 'yo," bulong ni Keanna kay Cale na tumingin sa kaniya.

Cale didn't say anything and shook his head.

Hindi naman first time ng mga anak nila sa amusement park, pero first time sasakay ng Ferris Wheel na mataas kaya excited ang mga ito. Nakasakay naman na, pero sa pambata lang dahil ayaw nilang magkaroon ng fear of heights ang dalawa.

Cale and Keanna loved the Ferris Wheel so much, lalo kapag gabi. Gusto nila kapag nasa itaas na sila dahil bukod sa ilaw sa babae, kita nila ang langit na puro naman bituin.

Sa ilang taon nilang mag-asawa, hindi naman palaging masaya at walang tampuhan. May mga pagkakataon pa rin na mayroon silang pinagtatalunan, pero napag-uusapan.

Unti-unti na ring naiwasan ni Cale ang silent treatment dahil sinabihan na ito ni Keanna. Keanna wanted to talk immediately and give space if needed.

Late-night talks were their favorite, though. After a long day of work and being a parent, sa gabi sila nagkakaroon ng panahon para pag-usapan ang kahit na ano. Kahit na simpleng pagkain ng sandwich, napag-uusapan nila hanggang sa mapupunta na iyon sa kung saan.

Padating sa amusement park, bumili kaagad ng cotton candy ang mga anak nila. Keeva and Kyros were walking and hand-and-hand, ganoon din silang mag-asawa. Mabait na ate si Keeva kay Kyros.

Malaking bagay na silang mag-asawa rin ang naging role model ng mga anak nila pagdating sa mga magulang at mga kapatid.

One thing Keanna loved about Cale was he didn't care if looked stupid and funny in front of people for their kids. Suot nito ang headband na mickey mouse kahit na wala naman sila sa Disneyland. Iyon pa ang nabili noong isang taon sa Japan.

"Next year, disneyland ulit tayo?" Nilingon ni Cale si Keanna. "Tingin mo? Sa Japan or sa US naman this time? Sure akong mag-e-enjoy silang dalawa."

"Puwede naman." Humigpit ang hawak ni Keanna sa kamay ni Cale. "Thanks for making time today. Wala kasi silang class dahil foundation day ng school, right? Akala ko kasi busy ka ulit."

Cale gazed at Keanna. "Uunahin ko sila, siyempre. Work can wait. Nagpaalam naman ako kay dad and he said yes. Buti na lang din, chill lang daddy ko, eh. Palibhasa, problema siya ni mommy noon."

Natawa si Keanna sa pagkuwento ni Cale na kung tutuusin, ganoon din naman ito. Clingy sa mga anak nila, pero hindi siya nagrereklamo. Lumaki siya sa household na malapit ang lahat kaya hindi iyon bago sa kaniya.

Pero ang magkaroon ng asawang halos katulad ng tatay niya ay ipinagpapasalamat niya.

May mga rides na puwede nang sumakay si Keeva, pero hindi si Kyros. Ang nangyayari, si Cale ang kasama ng panganay nila, silang dalawa naman ng bunso ang kumukuha ng picture o kaya ay kumakain habang naghihintay.

Just About UsWhere stories live. Discover now