Lumabi ako at nag-iwas ng tingin. May punto naman siya. Nagtatanong ako dahil interesado ako sa kaniya gaano ko man sitahin ang sarili ko.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mahihirapan ako magpigil bilang si Elianna. Hindi gaya nung si Eli pa ako, nagagawa ko pa siyang baliwalain kahit pa sobrang kalakas ang epekto niya sa akin.

"Agree with me?" tanong niya na pumukaw sa pag-iisip ko.

Tiningnan ko siya at napansin ang pilyong ngisi sa mga labi niya. Imbes na sagutin ko pa siya ay sumandal na lang ako sa silya ko at mariin siyang tinitigan.

"Ikaw nga ang panganay?" ulit ko.

Dinilaan niya ang ibabang labi, mas lalo iyong namula.

"Yes. I'm the eldest like what they always say. My mother gave birth to triplets and I am one of them. Ako ang unang lumabas kaya ako raw ang panganay." nagkibit balikat siya.

Tumango tango ako. Sobrang gwapo at ganda rin siguro ng mga kapatid niya. Hindi na iyon nakakabigla pa. Wala naman daw tulak kabigin sa mga Monasterio.

"How about you? May kapatid ka?" tanong niya pabalik.

"Mayroon. Isang batang lalaki lang."

"Where is he?"

Natameme ako. Ang pagkakaalam niya ay taga dito talaga ako sa Maynila. Kung sasabihin kong nasa Cebu si Tammy, magtataka siya.

Pero anong lugar nga ang sasabihin ko?

"N-Nandoon siya ngayon sa Mindanao kasama ang mga magulang ko. Nagbabakasyon sila sa mga lolo at lola ko."

Lumalim ang titig niya sa akin, tila inaalam kung nagsasabi ako ng totoo. Pasimple akong nag-iwas ng tingin dahil hindi ko na kinakaya pa ang intensidad ng mga mata niya.

"I hope I can meet them someday," aniya na ikinabilis ng tibok ng puso ko. "Would you mind?"

Pilit akong ngumiti saka isang beses na umiling. Pakiramdam ko, kapag nagsalita pa ako mahahalata niyang kinakabahan ako. Na may inililihim ako sa kaniya.

Pero hindi naman siguro kami dadating sa ganoong pagkakataon, hindi ba? Hindi niya na kakailanganin pang makilala ang pamilya ko dahil sigurado naman akong hanggang dito lang kami.

At hindi ako mabubuntis.

Natapos kaming kumain. Kagaya ng pagkakakilala ko sa kaniya, tahimik lang siya kapag kumakain. Ganoon rin ako kahit pa halos mabingi na sa katahimikan.

Sabay kaming tumayo. Inilahad niya ang kamay niya na para bang sinasabi niya sa akin na abutin ko ito. At sa paraan ng tingin niya, tila ba wala ako karapatang tumanggi.

Nagbaba ako ng tingin dito, umangat ang isang kilay niya. Huminga ako nang malalim at inabot na rin iyon. Pinagsalikop niya ang mga palad namin at marahan akong hinila palapit sa kaniya.

Sabay kaming lumabas ng restaurant ngunit kaagad rin napahinto nang maramdaman ko ang pagkalas ng takong ng suot kong sandals.

Awtomatikong huminto si Dustine. Nagbaba ako ng tingin sa paanan ko. Mabilis akong tinubuan ng hiya nang makita ang takong na literal nang humiwalay sa sapatos ko.

Lumunok ako at pasimpleng nag angat ng tingin kay Dustine. Nakatitig siya sa mga paa ko hanggang sa magtama ang mga mata namin.

"S-Sorry. Naparami ata ang kinain ko at nabigatan sa akin." sabi ko, idinaan na lang sa biro ang pagkapahiya.

"There's a mall nearby. Let's go and get you a pair."

Sunod-sunod ang naging pag iling ko. "Hindi! Ayos lang. May isang sandals pa naman ako sa condo na puwedeng gamitin-"

Monasterio Series 7: The Dare Not To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon