"Marie. Anong naranasan mo nung nakita mong may kausap si Jones?" Tanong niya.

"Um... nainis ako. Ewan ko kung bakit. Tapos gumagapang pa yung kamay nung babae sa balikat ni Jones, mas lalo akong nainis. Yan lang." Sabi ko.

Nainis talaga ko. Landi kasi.

"Yun lang?" Tanong pa ni drea.

"Oo. Tapos nakakainis pa kasi balak niya manligaw tapos nakikipaglandian siya sa iba. Yung totoo?!" Inis kong sagot kay Drea.

"Nagseselos ka nga. Confirmed! Hahaha. Yeee. Gusto mo bang makitang maging mag- jowa sila?"

"Okay lang. Bahala sila." Sagot ko. Pero bakit parang labag sa loob ko. Naiisip ko pa lang sila na magkasama parang sumisikip na ang dibdib ko. Hindi kaya.....

Hindi kaya nagseselos talaga ako pero ayaw ko lang aminin sa sarili ko kasi napakataas ng pride ko?

"Sabi mo eh. Feeling ko nga sila na. Feeling ko nilalandi na ni girl si Jones. Tapos mahuhulog si jones kay girl tapos magiging si---"

"Stop right there. Okay! Oo na! Fe- feeling ko.. nagseselos talaga ako. Huwag mo akong pagtatawanan! Huwag kang magsasalita!" sabi ko kay drea habang itinatago ko ang mukha ko sa notebook ko.

"Kausapin mo na siya. Go girl. Sabi ko sa Music Room na lang kayo mag- usap. Wala ka naman kasing sinabing place sa kanya kung saan kaya sinabihan ko na siya. Hahaha."

"What the hell? Talagang inunahan mo na ako ah?!" Sabi ko kay Drea.

"Ofcourse. Alam ko naman kasing mangyayari talaga yan. Hinihintay lang kitang umamin. Punta na. Go! Baka kanina pa yun naghihintay."


***

Nandito ako sa may labas ng Music Room. Dito na lang daw kasi kami mag- usap sabi ni Drea kay Jones. Bastos na babae yun. Ibang klase talaga. Kanina pa ako nakahawak sa door knob. Hindi ko mabuksan- buksan. Ewan ko ba kung ma- eexcite ako sa sasabihin ko sa kanya kasi finally medyo sure na ako na gusto ko rin siya o kakabahan kasi baka ayaw niya na at nagsawa na siya sa kakahintay ng sagot ko.

Binuksan ko ng dahan dahan yung pintuan at nakita ko si Jones sa may piano. Nakatayo siya sa tabi noon at halata sa mukha niya na ang lalim ng iniisip niya. Naalala ko tuloy yung time na tinugtog niya yan. Masyado siyang gwapo noon. Bakit ngayon hindi? Joke lang. Sasabihin ko na. Oo, papayag na ako na magpaligaw sa kanya.

"Jones..." Tawag ko. Pakiramdam ko nanginginig yung boses ko na ewan. Ano bay an.

"Oh! Hi Marie." Lagi talagang happy kid ang isang ito. Nalulungkot rin kaya 'tong lalaki na 'to? Paano pa kaya kapag sinabi ko na papayag na ako. Oh my gosh. Bakit nahihiya ako sa mga pinagsasasabi ko?

"Hello.. Uh ano.. ganito kasi..." Nag- aalangan kong sabi. Hindi ako makatingin sa mga mata niya. Nahihiya ako. Nahihiya akong aminin sa kanya ang tunay kong feelings. Ganito ba 'to kahirap. Inhale. Exhale. Sasabihin ko n asana kaso bigla siyang nagsalita.

"Oo alam ko na." Sabi niiya. What? Alam niya nang papayag ako magpaligaw? Baka inunahan na ako ng bruhang drea na yun na sabihin kay Jones. Aang kulit talaga ng babae na yun. Hayst. Haha.

"Alam mo na ang alin?" Tanong ko. Syempre kunyari hindi ko alam. I need to keep my cool. Ayaw ko mag- panic.

"Na... hindi mo ako papayagan sa pagligaw sa'yo. Kasi... si Blake ang gusto mo. Okay lang. Naiintindihan ko naman. Saka ang layo ko naman talaga sa kanya eh. Hahaha."

Halos mawindang ako sa narinig ko. Paano niya nalaman? Kanino at saan? Akala ko iba ang alam niya. Bakit ganito? Kung kalian naman ready na ako saka niya naman malalaman yan. I need to explain. I'm over Blake. Maybe not totally pero I'm sure na gusto ko na rin siya.

How Many Heartbreaks?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon