"Ba't mo sinulatan yung tela! Blaize!" sigaw ko nang madatnan ang napakaputing punda ng unan ko na hawak-hawak ni Blaize. Si Blaize ay ang aking napakatarantadong kaibigan, na ngayong tuwang-tuwa sa naging reaksyon ko.
"Blai, nandidilim ang paningin ko. Alis ka nga..." utos ko habang nakahawak sa beywang. Ipapasa kasi namin ang punda para sa TLE project namin. Hindi kami makakamove-up for Grade 6 kung wala kaming maipapasa. Ito namang si Blaize, nakipaglaro sa nakababatang kapatid ko at sinulatan yung tela. Pilit kong pinipigilan ang galit na nararamdaman ko. I turned to my little brother and took him away from my room. "Elijah, stay away from my room muna. Ate is busy right now."
Blaize was looking at me with a crunched face. Rinig ko pa rin ang halakhak niya habang inaayos ko yung mesa ko. "Chill lang, Rese. Tela lang yon."
"Tela nga lang, kaso bukas na yung deadline. Nag-iisip ka ba, Blaize? Ikaw yung puro delay ng tasks na nandadamay ng kaklase. Ayun tuloy. " Sino ba namang hindi maiinip eh last month pa 'to inassign sa amin? Rese, maya na, o Rese, bukas nalang. Ayon tuloy, pagdating ng bwakenginang bukas, i-dedelay na naman. Itong tukmol na 'to, ngiti lang nang ngiti, halatang nang-aasar. Minsan, sarap ding batukan eh. "May Ice cream ka sa'kin pag tumahimik ka," sambit nya at ako'y tumahimik kaagad. "Love na love kita, Valeria Therese kaya manahimik ka nalang. Biro lang 'yon. Kinulayan ko na ngang sa'yo eh." Napangiti ako nang ipinakita niya yung final output namin.
"San na si tiguwang?" pabirong tanong ni Blaize habang nagwawalis sa kwarto. Medyo malaki yung silid ko kaya rito kami kadalasang tumatambay. "Hindi makapupunta si Rhaego. Napilayan na naman eh."
Biglang tumaas ang kilay nya na para bang hindi makapaniwala. "Na naman? Parang kahapon lang, napilayan siya." Rhaego decided to ditch our meet-up today kasi pinagalitan siya ng mommy niya. The other day, we went to a park na kami lang tatlo, at umuwi kami halos maghating gabi na. I think Rhaego got hurt upon going home alone. It was Blaize's fault kasi gusto niyang sulitin yung oras kaso nga hindi na namin namalayan. It's not that I'm blaming Blaize for everything, kaso kasalanan niya talaga eh. Ayoko lang banggitin kasi baka ma-offend siya. Even my lola got mad at me for staying outside so late. Blaize is my only 'girl' friend. With that alone, I'd defy things.
It's true naman na napilayan ulit si Rhaego. Ewan ko ba, parang jelly yang katawan niya, malambot lang. "Iwas-iwasan muna nating gumala, Blai. Isa pa, sabi ni lola mga bata pa lamang tayo. Hindi dapat tayo gumagala kung saan-saan. Also, we're trying to save money, remember?" I tried to persuade her by throwing a dart on my calendar. Last month, we planned to go to Cebu for a trip. Rhaego's mom will take us with her, but with a condition. Kailangang may baon kaming pera. Now, it seems that plan is slowly fading. Blaize is so gastadora, but I can't blame her. Yung canteen namin eh ang dami ba namang masasarap na snacks. Sino ba namang tatanggi sa pagkain? Wala.
"May bago na namang paninda si Aling Dalia!" Pumikit ako at sinirado ang tenga. Lord, wag ngayon, please. Wala na talaga akong pera. Suddenly, may kumatok sa pintuan. "Valeria, your lola is going na. Come out for a while," is what my older brother said on the other side of the door.
"Is that my crushie, Kreshie?" bulong ni Blaize na ngayong pumupula na ang mga pisngi. Yes, that's the effect of my brother, Kreshie, or Kresh in short. He's in his 2nd year in high school. He's my second brother, the other one is already in college. "Wait lang, kuya," sambit ko habang inaayos ang buhok ko. "Maiwan ka muna sandali, Blai. I'll see my lola off. Wag na, Blai," pagpigil ko nang napagtanto ko na sasama siya. Ayokong makitang tinatarayan si Blai sa lola ko o sa kahit sinong kapamilya ko.
"Valeria, I trust that you make good decisions, apo. I'll be bringing gifts when I come back. Make sure that you'll ace your studies." Iyon ang mga bilin ng aking lola bago siya bumalik sa Spain. Diba sinabi ko na strict yung lola ko? Nakalimutan ko bang banggitin 'yon?
BINABASA MO ANG
The Will of The Wind
RomanceValeria Therese begins her journey with small yet ambitious steps. Carefully, she planned and knitted down her dreams into her mind as her one motivation to keep going. Where the wind blows, off she goes. However, she thought not once of a hurricane...