“What are you doing here?” malamyos ang tinig na tanong ng kanyang asawa kasabay ng pag lapat ng labi nito sa kanyang likod, pumihit siya paharap dito at ginawaran ito ng halik sa noo saka inilagay ang mga kamay sa bewang nito.

“Nagising ba kita?” masuyo niyang tanong dito

“No nagising lang ako kasi naihi ako, then wala ka sa tabi ko at dito nga kita nakita, what are you doing here?”

“Notinhing, just thinking” matapat niyang sagot sa asawa, madilim ang paligid pero sapat ang liwanag na nag mumula sa buwan upang makita nila ang isat isa.

“Care to tell me?” sabi nito kasabay ng paghaplos sa kanyang dibdib na ikinangiti niya, ilang araw na niya iyong napapansin sa asawa, gustong gusto nitong haplusin ang kanyang dibdib hanggang sa kanyang tiyan, at aaminin niyang nag iinit ang katawan niya kapag ginagawa iyon ng asawa.

“Just you and me” sagot niya kasabay ng pag huli sa kamay nitong humahaplos sa kanya, maybe this is the right time to talk about it, ito naman na ang nag tanong.

“What about us?” tanong ulit nito habang sinusundan ng tingin ang kamay nitong dinala niya sa kanyang labi upang masuyo iyong halikan.

“I don't know” turan niya kasabay ng pag buntong hininga “It’s hard to explain but i can feel it, like there is a wall between us” bumuntong hininga siyang muli saka ibinaba ang kamay nito at muling ibinalik ang sariling kamay sa bewang nito.

“Allison, ganda, mahal kita, sobrang mahal kita na kung ano ano na ang ginawa ko maging akin ka lang, pero bakit ganun? Bakit kahit anong gawin ko, kahit nandito kana sa tabi ko, kahit asawa na kita nayayakap, nahahalikan at naaangkin, pakiramdam ko ay wala ka parin sakin. Parang may kulang pero hindi ko matukoy, sabihin mo sakin, ano pa bang kulang? May nagawa o ginagawa ba akong mali? Sabihin mo sakin ganda, ano pa bang kulang para lubusan kang maging akin?” mahaba niyang turan.

“Gun—”

“I’m sorry if I’m sprouting nonsense” putol niya sa gusto nitong sabihin.

“It’s just that I don't know what to do anymore ganda, and it’s frustrating, ang dami ng gumugulo sa isipan ko ngayon, katulad nalang ng sinabi mo sa eroplano na hindi mo gustong magkaanak tayo. I really want to have a child with you ganda and it hurts to know na hindi tayo pareho ng gusto, at the same time ay nahihiya ako sayo because you have a point when you told me that I should have asked you first, nahihiya ako that I went ahead of you and did not even consider kung gusto mo rin ba o hindi, and for that I’m sorry ganda” madamdamin niyang turan habang hinahaplos ang maamo nitong mukha.

“You don't have to say sorry, wala ka namang kasalanan, your also right, it’s normal for a husband and wife to have a child, I am the one who should be saying sorry, for everything” sinapo rin nito ang kanyang mukha at bumuntong hininga, tapos ay hinagilap ang kanyang mga kamay at hinawakan iyon ng buong higpit.

“I love you Gregory Gunnar Silva” sabi nito na nag patigil sa kanyang paghinga, he has been dreaming of hearing her say those words at ngayon na sinabi na nito, pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang puso sa sobrang kasiyahan, hindi niya alam ang gagawin kaya hinigpitan na lamang niya ang pag kakahawak sa kamay ng asawa.

“I love you so much it makes me want to have you all for myself, this love is making me selfish and greedy, and that is what I am afraid of, because I know that you are not really mine, wala naman kasi talaga dapat ako sa picture” lumuluha nitong turan

“Ally—”

She silenced him by placing her finger on his lips to stop him from talking.

“We both know that it should be Alyssa who is standing beside you, holding yours and Gideon hand, this is not my place Gunnar, but I am selfish and greedy for your love so I am here beside you, living the life that truly belongs to Alyssa, I’m a bad twin sister Gunnar, and my conscience won't just leave me, everyday na masaya ako sa piling mo ay pinapatay ako ng konsensya ko, knowing na inaagaw ko ang pamilya at nag iisang pangarap ng kapatid ko. So, don't say sorry, dahil hindi naman ikaw ang may mali, hindi ikaw ang may kulang, it’s me”.

          

“Allison, Ganda, hindi ka dapat makonsensya”

“Pero –” He silence her by kissing her lips, hindi siya makapaniwala sa mga narinig mula sa babae, saan ba nito nakuha ang mga bagay na iyon, wala namang ganun, matagal niya itong hinalikan, gusto niyang maramdaman nito sa ito lamang ang nag mamayari sa kanya at wala ng iba.

“Wala kang inagaw o inaagaw Allison, dahil itong puso ko, sayo lang ito tumibok ng ganito, hindi sa kakambal mo o sa kahit sinong babae” simula niyang paliwanag sa babae.

“Kahit noon na hindi ko pa alam na dalawa kayo ay ikaw lang ang nakakapag patibok nito” sabi niya sabay turo sa kanyang dibdib sa tapat ng puso.

“Noon ay naguguluhan ako sa nararamdaman ko, may mga pagkakataon na wala akong maramdamang kahit ano kapag kaharap kita, pero meron din namang pagkakataon na ang lakas lakas ng dating mo sakin. Noong nalaman ko ang tungkol sa kakambal mo ay saka lang nabigyan ng linaw ang kaguluhang nararamdaman ko noon. Kapag ang totoong Alyssa ang kaharap ko ay wala akong nararamdaman na kahit ano, pero kapag ikaw ang kaharap ko ay nag sisirko ang puso ko, that is because I love you Allison and not Alyssa” paliwanag niya rito

“Noon pa man ikaw na ang laman nitong puso ko, not your twin sister, it has been you all along Allison, no one else. Kaya wala kang dapat ika konsenysa, dahil wala kang inaagaw kay Alyssa, I was never hers and never will be. There is only you for me ganda, no Alyssa or anyone else in the picture, just you. At kung nabubuhay ang kambal mo ngayon, siguro ay masasaktan siya dahil ikaw ang mahal ko kahit kami ang may anak, but that will never be enough for me to stop loving you, I will never let you go ganda, I will always look for you, seek your love and fight for our happiness, then earn your sister’s forgiveness and hope that one day, she can move on from me and accept the fact that I am in love with her amazing sister” mahaba niyang turan habang nakatitig sa mga mata nitong walang tigil sa pag luha.

“Allison” tawag niya rito ng hindi ito mag salita

“Naiintindihan mo ba mahal ko?” tanong niya dito, kinakabahan siya habang hinihintay ang sasabihin nito, kaya naman hindi niya napigilan ang huminga ng malalim ng sa wakas ay tumango ito.

“Stop thinking that way ok?” muli niyang turan ng pagdikitin niya ang kanilang mga noo. Nakangiti namang tumango ang asawa kaya napangiti na rin siya saka ito tinulungan na tuyuin ang pisngi nitong basang basa ng luha.

“Pano ka naman nakakasigurado na ako ang kaharap mo kapag tumitibok ng kakaiba ang puso mo noon?” tanong nito ng sa wakas ay pareho ng payapa ang kanilang mga damdamin.

“Dahil ganun na ganun ang naramdaman ko ng muli kitang makita sa mall noon kasama si Gideon” tugon niya rito saka ito niyakap ng buong higpit. “I love you Allison” bulong niya sa may tenga ng asawa, it feels so good na sa wakas ay naresolba na nila ang problema na hindi naman talaga dapat naging problema.

“I love you too” nakangiti nitong turan na nag pangiti ng husto sa kanya, napakasarap marinig ng mga salitang iyon mula sa babaeng pinakamamahal niya, ang tagal din niyang hinintay na marinig ang mga salitang iyon mula rito.

“Hindi ka na mag iisip ng kung ano ano?”

“Hindi na” mahina nitong turan

“Napaka over thinker naman kasi ng mahal ko”

“Sorry” tila nahihiya nitong turan, hinalikan nalang niya ito sa ulo, ang mahalaga naman sa kanya ngayon ay malinaw na sa kanila ang lahat.

“It’s okay, basta sa susunod mag sasabi ka na sakin okay? Ayaw ko na ilalayo mo ang sarili mo sakin dahil sa mga ganyang bagay, walang ibang nagmayari ng puso ko maliban sayo ganda, at wala ng ibang mag mamayari nito kundi ikaw lang” Tumango lang ito bilang tugon kaya niyakap niya ito ng mahigpit ng may maalala siya.

“Ayaw mo ba talaga magkaroon ng anak sakin o dala lang yun ng konsensya mo na hindi naman dapat?” tanong niya sa asawa na tinugon naman nito ng mahinang tawa.

“Sino ba kasing nagsabi na hindi ko gusto na magkaanak tayo?” napakunot ang noo niya, is she denying what she, pinanliitan niya ito ng mga mata saka sumagot.

“You told me that, in the plain, remember” pag papaalala niya rito, muli lang siyang tinawanan ng asawa.

“I told you I didn't mean it that way, nabigla lang ako sa kasunduan nyo ni Gideon kaya ko nasabi yun, but I want to have a child with you” nakangiti nitong turan

“Talaga?” biglang nabuhay ang excitement sa kanyang puso sa narinig mula sa asawa ng tumawa nanaman.

“Sira ka ba? Ilang beses nag may nangyari satin, did I ever ask you to withdraw?”

“No?” patanong din niyang sagot

“It’s because I also want to have a child with you”

“Talaga?” naninigurado niyang turan
“Yes, gusto ko rin naman magkaroon ng anak na sakin mismo nag mula” sagot ng maganda niyang asawa.

“Gawa tayo?” pabulong niyang turan habang may pilyong ngiti sa labi.

“Kaya mo paba? Hindi pa ba suko yang alaga mo?” pag sakay naman ng maganda niyang asawa

“Hinahamon mo ba kami nitong alaga ko?” pinanliitan niya ito ng mata saka hinigpitan ang pagkakayakap sa maliit nitong bewang

“I’m just asking” kunwari ay inosente nitong turan, pero nakikita niya sa kislap ng mga mata nito ang pagnanasa, katulad ng pagnanasang nararamdaman niya para rito.

Hindi na siya sumagot, basta nalang niyang inangkin ang labi ng asawa saka ito binuhat, authomatic namang pumulupot sa kanyang bewang ang legs nito, sinimulan niyang mag lakad pabalik sa kanilang silid habang mapusok silang nag hahalikan, kapwa sabik na muling matikman ang init ng kanilang pag mamahalan.

___________________________________________
Special chapter is next 😊, nakatapos nanaman tayo ng isang book Lunatics 😊 salamat sa mga nag tyaga at sumama sakin hanggang matapos ang book na ito, i know very slow ang update. Busy lang po talaga 🙂 sareh na 😘

Savage Book 2:  Gregory Gunner Silva - CompletedWo Geschichten leben. Entdecke jetzt