“Pagpasensiyahan mo na,” ani Otis.
Ngumiti nang matamis si Meil. “Kailan kaya babalik ang anyo ni Heinukel Vetel?” pagpaparinig ni Meil hindi para kay Otis kundi para kay Acemaru na payapang nakapikit ngayon.
Alam ni Meil na nakikinig si Acemaru sa pinag-uusapan nila dahil sa paggalaw ng kaniyang tenga.
“Iyon nga ang pinagtataka ko. Kung sana kaya mong kausapin si Acemaru baka malaman natin kung nahihirapan ba si Vetel na I dominant ang inner wolf niya kaya hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik sa totoo niyang anyo,” sagot ni Otis.
Lihim na nabilaukan si Meil dahil hindi nakalagpas sa kaniyang paningin ang pagngisi ni Acemaru.
“Sigurado ka ba sa mga impormasyon na ito?” tanong ni Heinukel Hanuis.
Nagkasalubong ang mata nina Meil at Heinukel Hanuis dahilan para makaramdam ng panlalamig si Meil sa kaniyang kamay. Ito ang unang pagkakataon na mas nasisilayan niya ang mukha ni Heinukel ng malapitan. Sa totoo lang may pagdududa si Meil para kay Heinukel Hanuis. Bukod sa mapupula ang mga mata niya ay may kakaiba itong presensiya na hindi niya maihahalintulad sa mga Werzenian.
Napansin ni Meil na mas matangkad ng ilang pulgada si Heinukel Hanuis. Ang tanging umaagaw sa pansin ni Meil ay ang katawan niyang parang babae. Kung hindi lang kilala ni Meil ang Heinukel ay pagkakamalan niyang babae si Heinukel Hanuis dahil sa madalas niyang suot na parang pambabae at ang mga mahahabang hikaw na suot niya.
Lalo na kung nakatalikod si Heinukel Hanuis. Siguradong babaeng imahe ang mabubuo sa isip ng taong makakakita sa kaniya dahil hanggang balikat ang haba ng buhok niya. Idagdag pa ang maputla niyang kutis. Malinis at mahahaba niyang kuko na talagang kinaiinggitan ni Meil dahil walang wala ang pisikal na anyo niya kumpara kay Heinukel Hanuis.
“Oo. Kakaiba ang laki ni Vetel kumpara sa ordinaryong lobo na nakasulat sa libro.”
“Nakuhanan mo na ba ng example?” muling tanong ni Heinukel Hanuis.
Tumango si Otis at sabi, “Tinulungan ako ni Meil dahil siya lang ang pinayagan ni Acemaru mahawakan siya.” Tinuro pa ni Otis si Meil gamit ang dalawa niyang kamay na parang nagpapakita ng naka-display na gamit sa kabinet.
“Subukan mo ngang lumapit muli sa kaniya,” ani Heinukel Hanuis.
Meil occupied herself by rhythmically tapping her left foot against the cement. Her uncertainty about what she must do was evident as the two continued their conversation.
“Meil?”
“Hmm? B-Bakit? Wala akong binago sa sinulat mo. Promise!” Nataranta ng bahagya si Meil dahil nakatingin sa kaniya si Heinukel Hanuis habang walang emosyon ang mukha niya.
“Pfft! Silly. Kailangan ni Hanuis ang assistant mo na i-check muli si Acemaru,” wika ni Otis.
Hindi malaman ni Meil kung anong ikikilos niya dahil sa kahihiyan na nagawa niya. Masyado na kasing lutang ang kaniyang isipan dahil sa dami ng iniisip niya. Idagdag pa na nag-alala siya para kay Prinsesa Gail. Kanina pa niya gustong makita si Prinsesa Gail maging si Aren. Gusto niyang tignan ang kalagayan ng dalawa subalit hindi siya makaalis dahil kinakailangan siya para sa obserbasyon kay Acemaru.
Napaisip tuloy si Meil na maaring naapektuhan si Aren sa usok na may lason kaya nanghina at nawalan siya ng malay. Iyon kasi ng obserbasyon niya kanina. Kampante si Meil na dinala si Aren sa silid-pagamutan dahil iyon ang inutos ni Otis sa isa sa mga sorcerer na tumulong sa kanila sa pagbubuhat kay Aren.
Napatingin ng masinsinan si Meil sa kaniyang mga palad. Aaminin niya na hanggang ngayon hindi maalis sa kaniyang isipan ang sinapit ni Prinsesa Jcer. Nakaukit sa kaniyang memorya ang itsura ni Prinsesa Jcer habang nakatingin sa kaniya. Para bang bangungot na hindi niya makalimutan dahil sa kaniya nakatingin si Prinsesa Jcer. Para bang sumpa sa kaniyang utak ang senaryo na kaniyang nasaksihan.
BINABASA MO ANG
DemonxHuman
FantasyIn a realm where demons exist, Emperor Damaschke Hadrian broke a crucial agreement, setting in motion a chain of events that threatens to bring about the downfall of all five realms. A young woman named Maivee Fogler, also known as Meil, emerges as...
DxH Chapter 20
Magsimula sa umpisa