Part 19: Heartache

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oo, actually ngayon ko nalang nga ulit nakita yung babaeng yun eh. Mabait yun at silang dalawa ni King sob-" pinutol ko na yung sinasabi n'ya wala talaga kasi ako sa mood.

"Bitch punta na ko sa upuan ko ang sakit kasi ng ulo ko eh. Mamaya nalang ah" alam kong nag tataka s'ya kaya pumunta na agad ako sa upuan ko para makaiwas sa mga tanong n'ya.

"Honey kamusta si Christine?" Tanong ni bhogs. Lagi nalang bang Christine yung maririnig ko?

"Okay lang naman s'ya. Mabait si Christine" ngumiti ako sa kanya pero fake smile lang yun. Wala nga ako sa mood diba? Kaya kahit pag ngiti tinatamad ako.

Lumapit samin si Drake. "So nag kakilala na pala kayo ni tin-tin? Hindi mo nasabi James dumating na pala s'ya." Bakit ba halos lahat ata ng tao sa paligid ko gusto pag-usapan yung Christine na yun? Ano ba meron s'ya?

"Kanina ko lang din kasi s'ya nakita. Mag kasama sila ni King pumasok kanina at sabi ni King sa bahay daw nila nakatira si Christine ngayon." WTF! Totoo ba 'tong naririnig ko? Siguro kailangan ko na mag punta sa family doctor namin. May kung anong masakit kasi sa kaliwang dibdib ko.

Hinawakan ko kung ano yung masakit at yumuko. "Honey are you okay? Bakit ka nakahawak sa puso mo?"

Puso? Dito ba nakalagay yung puso? Pero bakit s'ya sumasakit? Kanina kumirot din s'ya nung nakita ko si Christine na kasama si King. May sakit ba kong malala?

"Bhogs! Hey? Are you okay?" Tanong ni bhogs sakin. Pero nakahawak pa rin ako sa dibdib ko kung saan daw nakalagay yung puso.

"Gusto mong dalahin kita sa clinic?" Tanong ni Drake pero ngumiti nalang ako sa kanya para sabihing okay lang ako.

Nakita kong dumating na si King pero kasama n'ya si Christine. Hinatid s'ya ni Christine sa may pinto ng classroom namin. Okay na sana yung pakiramdam ko pero bigla nalang niyakap ni King si Christine at hinalikan pa yung noo nito.

Bakit ganto? Mas lalong sumakit yung dibdib ko? Parang kahit anong oras tutulo na yung luha ko. Gusto kong malaman yung sakit ko, baka may taning na yung buhay ko hindi ko pa alam.

"Honey okay ka lang?" Nagulat ako sa boses ni King, may kiss mark s'ya sa pisngi n'ya. Hindi ko maintindihan pero bigla nalang akong tumakbo paalis at pumunta sa comfort room. Tinignan ko yung sarili ko sa salamin at naalala ko sila King at Christine.

Hinawakan ko ulit yung puso ko "little heart, may sakit kaba? Bakit lagi kang kumikirot?" Sabi ko sa puso ko. Nagulat nalang ako ng may biglang tumulong luha galing sa mga mata ko. Ano bang nangyayari sakin?

Pinunasan ko yung luha ko at lumabas na ko ng cr. Pag balik ko sa classroom wala kaming teacher, vacant pala namin kaya mukhang isang oras ako matutulog.

Nakita kong nag uusap yung tatlo. Kaya umupo na ko agad. "Ang sweet n'yo naman ni Christine" sambit ni bhogs kay King.

"Sinabi mo pa. Nag aral nga ko mag luto para mamaya mapag luto ko s'ya ng favorite n'yang adobo" hindi ko alam pero bigla ko nalang nilagay yung ulo ko sa upuan at may tumulo na namang luha galing sa mata ko.

"Isang kwarto lang ba gamit n'yo?" Tanong naman ni Drake.

"Kung gusto n'ya matutulog ako sa tabi n'ya. Pero syempre ginagalang ko s'ya nuh, hindi pa time para mag tabi kami." Ang swerte naman ni Christine. Sana ako nalang s'ya.

"Anong sabi nila tito?" Tanong ulit ni bhogs.

"Wala, boto naman sila para kay Christine babes eh" nung narinig ko yan bigla nalang tumulo ng sobrang dami yung luha ko. Pinipigilan kong marinig nila kong umiiyak.

Nerd na BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon