Hindi sila nakaaimik lahat. Si Daddy ay tumalikod na lang sa akin na para bang kinakalma niya ang kaniyang sarili. Mommy went near me for a hug but I didn't hug her back. Tulala lang ako at hinayaang bumagsak ng tahimik ang mga luha ko.



"Uuwi ka bukas ng Batangas." natigilan ako nang muling mag salita si daddy matapos ang mahabang katahimikan. "Uuwi ka ng Batangas, doon ka mag papatuloy ng pag-aaral. Doon ka mananatili hanggang sa manganak ka."



"Lorenzo! Gano'n na lang ba kadali para sa iyo na itapon ang anak mo na parang bagay na pinaglumaan mo lang?" iritadong sigaw ni Tito Dion.



"Do you think I can let her live here again after what she did to our family? She created a big scandalous scene last night and now we're all over the internet. Pinagpipiyestahan na tayo ng mga tao."



"It was also your fault in the first place. If you didn't just plan to betray your friend because you're jealous, hindi sana aabot sa ganito. Sinabihan na kita, hindi ba? Pero pinairal mo 'yang pagiging suwapang mo!" sigaw rin ni Tito Dion.



"It's okay, Tito Dion. Uuwi ako ng Batangas. It'll be better for my child. Ayokong pati siya madamay sa kaguluhang ito." wala sa sarili kong sabi.



"Kung doon magpapatuloy ng pag-aaral si Catalina, sasama ako." pag singit ni Hestia na siyang ikinagulat ko.



"Hestia, huwag ka ng makisabay, utang na loob." saway ni Valerian.



"What do you want me to do, then? Hayaan siyang mag-isa? Kung kayo natitiis siya, ako hindi." mariing sabi ng pinsan ko.



"H-Hestia..." pinamuuhan ako ng luha. "It's okay if you stay here, kaya ko ang sarili ko."



"No! I won't leave you alone." pagmamatigas niya. "Kahit saang lupalop pa 'yan ng mundo, sasama ako sayo. Hindi kita iiwanan at hahayaang mag-isa. Lagi kang nasa tabi ko sa tuwing kailangan ko ng masasandalan at nung mga panahong kailangan ko ng makakapitan. It's now my turn to lend you a hand." pinal niyang sabi.



"Oh god." bumuntong hininga si Tita Ino at naupo sa upuang kaharap ng lamesa. Agad siyang nilapitan ni Tito Dion para kalmahin.



"I can't believe you did that to Ynigo!" nai-stress na hinarap ako ni Sandra nang kami na lang ang maiwan sa condo kinahapunan.



Umuwi sina mommy at Tito Dion para ihanda ang mga damit na dadalahin namin ni Hestia pag-uwi sa Batangas. Maiiwan sina Valerian at Rajiah.



Pag-alis rin ng mga magulang namin ay ipinaliwanag ko sa mga kaibigan ko ang nangyari at kung bakit ko iyon sinabi sa harap ng maraming tao kagabi. They are still confused on what's happening until now.



"Ynigo is the father of your child and yet you lied to them?" hindi makapaniwalang tanong ni Sandra.



Pinamuuhan ako ng luha dahil maski siya ay galit sa akin.



"Sandra, hindi mo naiintindihan. I have to do it--"



"Shut up! Don't give me your lies!" nanggagalaiti niyang sigaw kaya natigilan ako.



Napatakip ako sa aking bibig, hinayaan ang sariling muling maluha.



"You know what? You are suck." mariin niyang sabi at dinampot ang bag niya.



"Watch your mouth, Sandra! You're Catalina's friend! Why can't you understand her?" pagtatanggol sa akin n ng pinsan ko.



"Well, not anymore." ngumiwi siya. "I don't have a friend who is a child of users. You don't deserve Ynigo. Nakakahiya ka." she looked at me from head to toe before leaving the condominium.

Echoes Of The Heart (Silvero Series #03)Where stories live. Discover now