Tsss

Gusto ko tuloy malaman kung sino yung dalawang yun.

-.-

Jared's PoV

Pabalik na ko sa room. Kakalabas ko lang ng guidance office.

Yung kakambal ko kasi eh. Masyadong amazona.

Di ko nga alam kung saan yan pinaglihi ng nanay ko eh!

Papasok na ko sa room pero may nakita akong di ko inaasahan na makikita ko dito.

"Kylie." bulong ko sa sarili ko.

Anong ginagawa nya dito?

Nakaramdam ata sya na may nakatingin sa kanya.

Paharap na sana sya dito kaya naman magmadali na kong pumasok sa room.

Ayoko pang makita nya ko.

Malaki pa yung kasalanan ko sa kanya.

"Oh, good morning Mr.Fuentes. Why are you late?"

Napaharap naman ako sa teacher namin na nagtatanong.

"Na-guidance po yan Ma'am!" sigaw ni Mark.

Isa sa mga katropa ko dito.

Napatingin naman si Ma'am doon at binalik yung tingin nya sakin at sinabihan na maghanap na ko ng upuan.

Isa nalang yung bakante at iyon ay sa tabi ng hindi ko kilalang nilalang.

Transferee siguro ang isang to.

Natapos na yung lahat ng subjects namin at recess na ngayon.

Ang tahimik ko kanina kasi naman yung katabi ko sobrang tahimik din.

Mapapanisan ako ng laway sa isang yon eh.

Nauna na kong lumabas ang babagal kasing magsitayo ng mga kaklase ko.

Isa pa, namimiss ko na yung babe ko.

Pinuntahan ko sya sa room nila at mukang nagkakagulo sila.

Inexcuse ko naman sya.

Pagkakita ko sa kanya niyakap naman nya ako. Yung kakambal ko naman na dakilang bitter ay kinontra yung sweetness namin ni babe.

Kaya eto kami ngayon naglalakad papunta sa canteen.

"So babe, saang club ka sumali?" tanong nya sakin.

"Siguro yung dati parin."

Isa kasi akong basketball varsity kasi gwapo ako.

Oo magka-connect yun!

"Ahhh." sabi nalang nya at ngumiti

Yung ngiti nyang yan yung nagpainlab sakin.

Ay sht ang bading lang!

Inakbayan ko nalang sya at kinurot yung ilong nya.

"Renz! Jared! Wait!" napalingon kaming pareho sa tumawag samin.

Bumungad samin ang hinihingal na si Ken.

"Bakit?" tanong ko.

"Hihihi pasabay naman mag-recess. You know na loner ako."

Eto na naman tong babaeng conyo.

Nagkatinginan kami ni Renz.

Kinakausap ko sya gamit ang mata ko binibigyan ko sya ng wag-kang-papayag-look.

Pero hindi nya ata nakuha iyon kaya pumayag parin sya.

Ako naman syempre wala nang magagawa. Boss ko sya eh.

"Nasan ba kasi sila Nash?" tanong ko sa dalawa na busy sa pagdadaldalan.

Nang dumating si Ken di na ko kinausap ni Renz.

Silang dalawa nalang yung nag-uusap na akala mo hindi sila magkasama kanina sa klase.

"Si Jay nasa club room nila and si Nash naman I don't know kung nasaan na naman sya."

Lagi nalang nawawala yung si Nash. May lahi ata ng mga ninja eh ang bilis mawala.

Ay teka! Kambal nga pala kami, edi may lahi din ako ng mga ninja?

Ay ewan!

"Lagi naman nawawala si Nash eh." comment naman ni Babe na tinanguan ko.

"Hindi ako nawawala." biglang singit nung nasa likod namin.

Napalingon naman kaming tatlo sa kanya.

"Oh, Nash. Saan ka ba galing?" tanong ni Renz.

"Sa soccer field." simpleng sagot nya at umupo sa tabi ni Ken.

Kinuha nya pa yung shomai ni Ken at kinain yun.

"Hey. That's my pagkain kaya!" sigaw ni Ken sa kanya na hindi nya pinansin.

"Nga pala, may nakita akong chix kanina Jared." sabi nya nang matapos na nyang inisin si ken.

"Nakuha mo yung pangalan?" tanong ko naman na sinundan ng pagsipa ni Renz sakin mula sa ilalim ng lamesa.

"Oo, Kylie daw pangalan nya."

"Ahhh Ky-" napahinto ako.

Si Kylie?!

"Oh bakit ganyan itsura mo babe? May problema ba?" concern na tinapik ni Renz yung pisngi ko.

Nabalik naman ako sa katinuan.

Mabuti nalang nandito si Renz sa tabi ko.

"Wala babe, haha." nginitian ko nalang sya.

Nginitian nalang din niya ko.

"Psh/Ehem" rinig kong reaksyon ng dalawa.

Mga bitter. Psh

Undefined FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon