HAMBURGER 🍔

Magsimula sa umpisa
                                    

Yung isa sa tindahan na may mga umiinom ang sama ng tingin kay Joseph. Kursunada pala si ate girl. Hanggang aalis na si Joseph, sinabihan pa sya ni ate girl na balik ka ha bili ka uli. Nakangiti lang si Joseph na tumango, tsaka umalis at kumaway si ate girl. Kumaway din naman itong si Joseph.

Nang pasakay na siya ay nilapitan siya ng lalaking nakainom na masama ang tingin sa kanya kanina. Anim ang mga umiinom na yun. Galit nitong pinagsabihan si Joseph bakit daw ngumingiti sa gf nya, gusto daw ba ng sakit ng katawan? Ahh gf mo ba yun sabi ni Joseph, bumili lang naman ako anong masama dun sabi pa ni Joseph. Buti nalang may mga Tanod dun at binulyawan si kuyang lasing. Tawagin natin siyang Bruno. At napagsabihan pa na pag iinom daw ay sa tiyan dalhin wag sa ulo. Galit na umalis si Bruno, nagbayad na sila at inaya ang barkada. Pero nag-iwan siya ng nagbabantang tingin kay Joseph.

Madaling salita nakaalis na rin si Joseph noon. Hinatid ang hamburger ng mga magulang at siya naman ay tumambay sa tindahan ng kapatid nyang panganay sa may kanto. Tsaka kinuha ang gitara na nasa looban ng bahay ng kuya nya. Bumili ng mt dew para isabay sa hamburger.

Walang anu-ano'y dumaan ang kaibigan nya at nakita siya, nagpapatulong sa may Centro. Bibili daw ng bbq. Yun inubos nya ang mt dew at nakaisang kagat pa lang sa hamburger nun kasi biglang  nag-chat si gf. Ang hamburger ay binalik nya sa compartment ng motor nya. Sabi nya sa sarili mamaya na nya kakainin.

10 pm na yu - At umangkas na si James. Ang kaibigan nyang ito ay taga kabilang baryo sa may dulo. Ng makabili na sila ng bbq ay inihatid ito ni Joseph sa kanila at sinabi ni Joseph kay James bro pwede ko bang mahiram ang batuta mo? Bakit sabi ni James. Proteksiyon lang pauwi sabi naman nito. Lika pasok ka muna sabi ni James. Siya ay isang security guard sa bayan at umaga pa naman pasok kaya pinahiram naman nya ito. Daanan ko sayo bukas ha, kukunin ko sabi pa. Oo sige, umalis na nun si Joseph.

11 pm - Pagsakay nya sa motor ay iba na ang pakiramdam nya kaya ang batuta ay hawak nya sa kanang kamay nya. Ng makalabas siya sa main road ay tahimik na at wala ng tao sa daan. Alam nyo naman sa baryo, marami ang maagang natutulog. Pag lampas nya sa pangalawang kanto, hayun na po Diyos ko po. Naglabasan ang mga lalaking tig-dalawang angkas sa motor. Tatlo ang motor bale anim sila katao. Pinaharurot ni Joseph ang motor nya at nadaanan pa ang bahay nila at bahay ng kuya nya. Pero hindi siya bumaba kasi nasa likod nya na sila. Dire- diretso. Maraming mga daan dun na pwede niyang likuan. Ang mga lalaking sumusunod sa kanya ay sumisigaw at mura ng mura. P***** *** mo lagot ka sa amin ngayon, hindi kana mabubuhay saka sila humahalakhak na animoy mga demonyo sila. Pumasok si Joseph sa isang barangay at nagkataon na napadaan sa barangay hall at pinituhan sila kasi mabilis silang magpatakbo. Ang sabi ng tatlong motor, ang mga humahabol nga sa kanya na naglalaro lang po boss. Edi sinabihan sila na huwag mabilis, bawal yun at pina-alis na rin sila. Tenk you sabi pa ng lider nila. Si Bruno at sumaludo pa ito. Yung ngang may gusto kay Ate girl.

So dahil nasita sila, chance na yun ni Joseph para makalayo. Nagtago siya sa isang barangay na malapit sa ilog. At nagsindi ng sigarilyo kasi nate-tense na siya sa nangyayari. Parang gudto ng lumabas ng puso nya nun. At nanginginig na siya. Ngayon lang nya naranasan ang ganito. Bale pang apat na barangay na ang layo mula sa barangay ni Joseph ang lugar kung nasaan siya ngayon. Mga past 12 na yun. Naririnig niya silang sumisigaw sa daan at nagpapa-harurot ng mga motor nila. BROOMMMM!!!  Ang angas ng mga walang kaluluws at halakhakan pang akala mo ay wala na sa katinuan. Hanggang hindi nya na sila marinig. Humitit pa siya ng sigarilyo bago sumakay sa motor at pina-andar ito. Hawak pa sa kaliwang kamay ang sigarilyo habang hawak din ang manibela. Sa kanan naman ang batuta.

Yung paglabas nyang yun sa kanyang tina-taguan ang kanyang malaking pagkakamali. Dahil ang anim na adik pala ay nagtago lang sa may kanto at bungad ng barangay. Ina-abangan ang kanyang paglabas.

[3] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon