"Gusto kang makausap ng parents."
"Hah?!" Napangiwi ako. Bakit naman ngayon pa?! "Sorry Wena. Pero ikaw na muna ang bahala. Alam mo naman na mahalaga sa akin ang araw na ito. Wala na talaga akong time ngayon."
"Alam ko yan. Pero this is urgent. May irerecommend sila na bagong kliyente. Mahalaga daw." Halos magmakaawa na siya sa tono.
"I know you can do it Wena." Pilit akong ngumiti at hinawakan ang dalawa niyang kamay. "Sorry talaga pero late na 'ko. You can make the deal i'm sure. Tiwala ako sa'yo."
Napangiwi naman siya. "Pero ikaw yung magaling ----"
"Magaling ka Wena. Naniniwala ako sa 'yo."
"Haist!" Sabay buga niya ng hangin. "Ano pa nga bang magagawa ko?"
Matamis akong napangiti. "I'll see you tomorrow." Pinara ko ang isang papalapit na taxi at huminto naman yun. "Sige na Wena."
"Sige na nga. Ako ng bahala." Nakangiwing aniya. "Ingat ka."
"Yeah. Bye." Mabilis akong bumeso sa kanya at lumapit agad sa may taxi. Walang dalawang isip akong lumulan doon.
Huminga ako ng malalim at nilingon ang pwesto ni Wena. Nakita ko siyang mabagal na tumalikod pabalik sa may simbahan. Nang dahan dahang umandar yung taxi biglang nahagip ng tingin ko ang isang lalakeng naglalakad na pasalubong kay Wena. Unti unti ding napaawang ang labi ko.
Siya?!
Nakapako ang tingin ko sa lalakeng iyon habang papalayo naman yung taxi na kinalululanan ko. Halos mabali ang leeg ko sa pagsunod ng tingin.Siya nga ba?! Siya ba talaga yun?!
Mabigat akong napabuga ng hangin nang tuluyan siyang mawala sa paningin ko. Umupo ako ng deretso at natulala. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
What the....
Posible ba na pagkatapos ng ilang taon ay ganito pa rin ang nadarama ko para sa kanya?
No!
Suminghap at napasapo sa tapat ng aking puso.
No! It can't be like that. I hate him. I hate him so much.
Bumuntung hininga ako ng malalim.
Naka-move on na ako sa kanya. Wala na akong nararamdaman na anumang espesyal para sa kanya. May galit ako. Oo. Pero hindi ko kayang magalit sa kanya ng matagal. There is .... acceptance.
BINABASA MO ANG
One Hand, One Heart [Escaner Legacy 3]
General FictionBabala: Ang istoryang ito ay umuulan sa grammatical error, kabaliwan, kadramahan at kakornihan ng awtor. Maging responsable sa pagbabasa. Salamat po. Godbless. ***** Happy and contended. Wala na ngang mahihiling pa sa buhay si Milca. May mabait at...
Panimula
Magsimula sa umpisa